Chapter 6

12 1 0
                                    


" Bakit hindi ka man lang nagtext o ginising mo man lang sana ako kahapon. " sabi ni Therd na humahabol ngayon sa paglakad ko, hinatid ko kasi si Mira at Jia sa mga building nila. Ngayon ay nakita niya ako.

Tumigil muna ako sa paglalakad at tumingin sa kanya sa likod na ngayon ay malapit na makarating sa akin. Oa talaga nitong lalaking to, para dun lang.

" Bilisan mo, bagal bagal." naiinip kong sabi. Kaya tinakbo na lang niya syaka ako binatukan pero hindi masakit. Hindi niya ako kayang saktan kahit galit siya.

" Akin na!" tinutukoy niya ay ang mga gamit ko kaya marahas kong binigay sa kanya. Pwede naman sabihin ng maayos eh. Baka gusto niya atang tahiin ko ang bunganga niya.

" Hindi ka man lang mag-e-explain? Tindi mo ah." naglalakad na kami ngayon papunta sa building ko syaka malapit naman na kami. Wala akong pake dito kung malate man siya.

" Hayst, sinumpong si Mira ng lagnat kaya umuwi ako agad. Syaka hindi na kita natext dahil wala akong load. Happy?"

"Okay, nga pala... May kilala kang Avery? Yung Med student? Kilala mo?" tanong nito sa akin na parang interesado talaga sa tinatanong niyang babae.

" Bakit ko naman kikilalanin yan? Hindi ko naman friend. Syaka wala, wala akong kilala. Bakit ba?"

"W-wala din. Loadan kita mamaya bosh para matext mo ko kung uuwi ka na. Huwag mo kakalimutan ah, titirisin talaga kita. " binigay na niya din ang mga gamit ko dahil nandito na kami ngayon sa labas ng room ko.

" Oo na. Salamat." Nagpaalam na din siya sa akin dahil baka malate daw siya kaya pumasok na ako at naghigh five naman sa akin ni Wyatt at Aiden.

"Here's come the malandi. So daming lalaking kaibigan. " pagpaparinig ni Scorpia wala si Maddie baka late.

" Kawawa ka naman, wala kang ibang kaibigan. Lonely ng buhay mo dude, syaka ayusin mo yang lipstick mo baka mamaya scorpion na talaga itsura mo. " maayos kong sabi sa kanya at ngumiti. Tumabi na ako kay Safa, ayaw ko na kasi katabi yung si Maddie na malandi. Sorry nadulas dila ko.

" Sama ka sa amin maya? Uwian, tara magbarbecue . Libre daw ni Wyatt syaka wala kasi ako kasabay umuwi eh. Okay lang ba? G ka ba?" pang-aaya niya. Mabait naman talaga to syaka mukhang wala talaga siyang kaibigan dahil mahiyain din.

Libre naman ni Wyatt eh syaka meron din si Mira at Jia mamaya kaya madami kami. Wala naman akong ibang lakad kaya pupunta ako, miss ko na din ang isaw.

"Sige, ipapakilala din kita sa mga kaibigan ko. Para naman may kaibigan ka bukod sa amin nila Aiden." Nakangiti kong sabi sa kanya. Gusto ko din kasi iboost niya ang confidence niya at para maenchance niya ang social relationship niya sa iba.

"Talaga?? Sige sige gusto ko. Pero nakakahiya eh. " humina ang boses niya sa huli niyang sinabi.

"Huwag kang mahiya. Magiging masaya to promise. Para naman hindi na lang laging stress sa pag-aaral diba? Nakakasira yun ng ulo."

"Sus si Madie nga syaka yang si Scorpia, kahit hindi stress, nasisira pa din ang ulo. " may paikot pang mata niyang sabi kaya sinuway ko siya at nagpatuloy na ang klase.

.........

"Bakit wala yung apat na tukmol? Hindi sila sasama?" tanong ni Mira na katabi ngayon si Aiden sa paglalakad papunta na kaming gate.

"Sino mga yun, Brielle?" tanong ni Safa.

" Hindi ko din alam eh.. Ay! Teka!" agad kong nilabas ang phone ko dahil naalala kong itetext ko pa pala si bosh. Oo bosh na.

Ako :

Hindi pa kami uuwi, pero gusto niyo ba sumama? Barbecue daw tayo nila Mira at iba pa naming kaibigan. Tawagin mo na din sila Berlin.


Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon