Madaming sasakyan ang nakaparada sa parking ng school ngayong araw at madami na ding taong pumapasok. Pero syempre alam kong mas madami na sa loob dahil anong oras na din at mamaya ay magsisimula na ang opening. Tama nga ako dahil pagkasok ko ng campus ay nagkalat ang mga estudyante at halatang excited na sila. Ako din naman eh pero pumunta muna ako sa building namin at pumasok sa room. Lahat kaming vet med student ay naisipang magcolor blue kaya yun nga ang suot namin ngayon, plain dark blue."Elle! Akala ko malalate ka na eh excited pa naman ako. Sila Wyatt at Aiden nasa team ata nila. Manood daw tayo at may binigay pang banner with picture pa nila yun." salubong ni Safa sa akin na halatang excited na din. Mas lalo tuloy akong naexcite dahil ang daming pwede gagawin lalo na ang manood at excited na din ako makita lahat ng mga booth.
"Madami ba ang booth ngayon kumpara last year?"
Sana ay oo dahil ang saya,pupuntahan ko lahat yun!
"Oo! Syaka kilala mo ba si Maddie Bwena? Yung grupo kasi nila ay sasali sa dance contest at ngayon din gaganapin yun sa field. Nandun lahat ng booth para minsanan at wala naman soccer ngayon."
Sa soccer field eh hindi ata kaysa lahat dun.
"Oo kilala ko nga at ayaw ko na kilalanin pa lalo yun dahil ang baho ng ugali. Syaka kasya ba lahat sa field?"
"I mean pala is karamihan ay doon at may ilang booth ng ibang department kung saan saan." Tumango ako at tinulungan siyang ayusin ang mga dadalhin niya sa locker dahil iiwan daw niya ang ilang gamit doon. Binilisan namin dahil mag-oopening na daw at sa mini stage daw yun gaganapin sa may field.
"Tara bilis!"
"Kasali ba si Therd Marcestra sa basketball? Baka manonood din si Zian Marcestra!"
"Si Jerry Dacumos at Daniel Lacrosse meron din!"
"Aayain ko si Therd Marcestra magpakasal sa akin mamaya sa wedding booth ng mga tourism."
Ilan yan sa mga narinig ko pero sa huli lang tumaas ang kilay ko. They fantasize my best friend huh? As if naman papayag yun eh baka ipahiya pa nun ang mga babaeng mag-aaya sa kanya. Popular at halos gusto siya ng mga babae dito sa college, he's friendly naman, kind but of course it depends sa mga taong nakakasalamuha niya, smart and expected to have a Latin honor and yeah he's handsome. Lahat na ata ay nagpapantasya sa kanya maliban sa akin.
Si Therd? Si Bosh? Yuck,kadiri. Never in a million years.
"Ayun sila!" sabay hila sa akin ni Safa kung saan sila Wyatt. Napabaling ang mga ito sa amin nang nakatayo na kami sa tabi nila. Hindi mainit dahil naglagay sila ng dugtong-dugtong na malalaking tent. Kaya ayos lang kung uminit ng sobra o umulan.
"Late ka ba Elle? Hihintayin sana kita bago pumunta dito pero tinawag na ako ng team eh." si Wyatt na lumapit sa akin. Wala nanamang mood ang Marcestra dito.
"Nahuli lang ng ilang minuto."sagot ko at nilapit ang mukha ko sa kanya para bumulong. "Manonood ba ang girlfriend mo?"
Gulat ata siya sa akin kaya humarap siya at muntik na kaming maghalikan! Mabilis kaming umiwas syempre baka mamaya ay may bigla nalang hahablot sa buhok ko or baka sampalin ako agad ng jowa nito.
"S-Sorry....ahhhh...hindi. Hiwalay na kami." bulong ang huli niyang sinabi. Ako naman ang gulat ngayon. Hiwalay? Eh parang noong nakaraan lang ay puring puri niya ang girlfriend niya. Anong nangyari? Dahil ba sa issue nila or baka talaga ngang may fix marriage sa pamilya nila?
"Bakit?" huli ko nang napagtanto na masyado atang personal ang tinanong ko.
"She broke up with me after I caught her cheating with my best friend." seryoso at may pait niyang sabi at tipid na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon)
RomanceSometimes we need a sign(portent) of possibility in everything we think is impossible. We need to face many obstacles and win every challenges that life can give. Some people say love is the key to make things happen but for Therd, you need to have...