"Hahaha Lola, si Coach crush ka daw!" rinig kong sigaw na kantyaw ni Jia sa loob. Hindi na mahiya sa lakas ng boses niya at isa pa, tama ba ang narinig kong inaasar nila ang Lola ko!?Binilisan ko ang pagpasok sa loob ng bahay nila Aiden. Hindi din ito ang first time kong pumunta dito dahil naggroup study na kami dito noon. Mabait ang mga magulang niya at only child. Lagi siyang suportado sa lahat ng gusto niya.
Ang bahay nila ay malaki din at may ilang kasamabahay. Sa totoo lang, lahat sila ay mayaman pero kita sa kanila ang pagiging humble o hindi matapobre.
"Tumigil ka nga, Jia." himig ko ang pagiging pabebe ni Lola. Luh!? Wala na akong balak magkalolo at higit sa lahat, kinikilig ba siya!?
Agad akong pumunta sa pwesto nila hawak ang nakasupot na ice cream. Nandito sila sa garden natatawanan. Ang lovers naman ay nakaakbay, which is okay lang sa akin baka giniginaw si Mira.
"Lagot ka La.. Nanjan na si amasona!" si Mira.
"Lola..." may banta kong tawag. Ang tanda-tanda na kumakarengkeng pa. Napaiwas naman ng tingin si Coach nang magtama ang mga mata namin. May katandaan na din siya at kaedad lang ata ni Lola. Balita ko din na wala itong asawa.
"H-Huwag ka maniwala, Apo. Magkaibigan lang kami ni Dominador."
"Huwag ka din mag-alala, Elle. Magaling na maniniyot tong si Coach." aniya pa ni Jerry. Tumawa naman ang lahat.
Anong maniniyot? Yung ano ba.... Magaling sa... ano!???
"Photographer." pagkaklaro ni Coach.
Tumawa ang lahat at ako naman ay ngayon ko lang nalaman ang tagalog ng photographer ay maniniyot.
Akala ko magaling mag..... sex. Hehehe :)
"Pagpasensyahan niyo na guys, green minded ang girlfriend ko." agad napalitan ng gulat ang pagmumukha ng lahat. Literal na natigilan sila sa ginawa nang marinig ang sinabi ni Therd na nakaakbay na ngayon. Tumigil din sa pagpump ng dugo ang puso ko. Oh diba OA, but that's how I feel right now.
Hinarap ko siya at pinakita ang cellphone kong katawag ang number kanina which is si Octar. Syaka niya din pinawer off ang phone ko.
Sinabi niya lang ba yun dahil sa tawag dahil nagpapanggap siyang boyfriend ko 'kuno'. Tinanggal ko ang kamay niya at nilapag ko sa mesa ang mga pinamili namin. Nakakahiya sa ibang players pero mukha naman silang madaling kausap at pakisamahan.
Pinakilala na din sila sa akin at ganun din ako, I introduced myself.
"Kailan pa, Elle? You didn't tell me." tanong ni Wyatt.
"Wala akong jowa. Nananginip lang ng gising yang tiktik na yan, gabi na kasi kaya malakas na ang kamandag sa katawan niya." sagot ko at umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Nakasimangot na ngayon si Therd.
Assumero ng taon.
"Kain na tayo? Gutom na ako at tapos na din ang mga pagkain na hinihanda nila manang." aya ni Aiden.
"Subuan mo ko. May sakit ako ohhh." pababeng sabi naman ni Mira kaya binatukan siya ni Bakla. Sige magsimula nanaman kayo.
"I'd love to do it tho. Para sa mahal ko gagawin ko lahat. Kahit ano." sabay kindat naman ni Aiden sa namumula na ngayong si Mira.
"Tara kain na!" si Safa.
As usual si Therd nanaman ang sumandok ng kanin ko at ang dami nanaman niyang nilagay. Anong akala niya sa akin? Mauubos ko ang kanin na hindi na matalon ng kabayo?
"Ang dami!" sabay tampal ng kamay niyang sasandok nanaman.
"Sinabi ko bang ikaw lang ang kakain nan?" tanong niya din at nagtaas ng kilay.
BINABASA MO ANG
Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon)
RomansaSometimes we need a sign(portent) of possibility in everything we think is impossible. We need to face many obstacles and win every challenges that life can give. Some people say love is the key to make things happen but for Therd, you need to have...