Umagang puno nanaman ng lait ang nangyayari sa amin ngayon. Naiinis na din ako at unti-unti nang nagagalit. Paano ba naman kasi! Yang si Mrs. Vicente ay nagbubunganga nanaman. Hindi naman siya perfect!Like duh...
"You all must be lucky since lahat kayo ay pumasa pero hindi pa din naman ako kombinsado na mga matatalino nga talaga kayo. Ang tanga ay habang buhay ng tanga." sabi pa niya. She's referring to herself again.
Palihim akong umirap buti na lang at hindi niya kita. Tahimik lang din si Aiden sa hindi kalayuan sa amin ni Wyatt na katabi ko nanaman.
Kagabi ay pumasok din lang si Mira at serysong seryso ang mukha at tipid lang ngumiti sa akin nang nasa sala na ako sa oras na yun. Nagtipid lang siya ng ngiti at pumasok sa kwarto nila. Hindi din kasi nagtagal ang usapan namin ni Therd dahil may gagawin daw siya at huwag ko na lang daw isipin ang sinabi niya since hindi pa naman sigurado.
"Mr. Ramos, buti naman at behave ka ngayon?"
I think wrong move ang ginawa ni Prof. Kita na nga lang niya na walang mood ng kaibigan ko at walang oras para makipagbiruan.
Hindi kumibo si Aiden at nanatiling seryosong nakikinig. Bumulong naman si Wyatt sa akin para magtanong.
"Anong problema? Nag-away kayo no?"
"Hindi ah. Ewan, tanong na lang natin mamaya."
Naputol ang pabulong na pag-uusap namin nang magwalk out si Aiden! Kapwa kami gulat maging si Safa kaya agad niya itong sinundan hindi alintana na may Prof sa harapan. Na siyang gulat din at may konting guilt.
Anong nangyayari!
" Whoa... Don't mind them, ganyan din kami ni Gov. nung panahon namin. Let them be."
Nagpatuloy ang klase at wala pa din ang dalawa. Worst of all, wala man lang pake ang Prof namin! Nakakabanas na.
Nagpapasalamat pa din naman ako dahil agad natapos ang klase dahil tinatawag daw siya ng Dean. Sakto naman na bumalik na ang dalawa at mukhang okay na si Aiden dahil medyo gumaan na ang mukha. Hindi na masyadong seryoso.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya nung lumapit ako sa pwesto niya. Ngumiti naman siya at tumango.
"Yung totoo, Aiden..."
Nagbuntong hininga siya at tinuro niya ang upuan na nasa tabi niya. He wants me to seat first so I did.
"Hindi ko maiintindihan si Mira. Bakit ganun, bakit bigla na lang niya ako pinapatigil sa panliligaw. Aniya pa nitong may iba na daw siyang gusto. Bakit ang bilis, Elle?" ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil ngayon lang din siya umasta ng ganito. Sa tagal namin na magkaibigan, ngayon lang siya nagsabi ng ganitong bagay. Which is tungkol sa pag-ibig.
"Hindi ko din alam ang sagot sa mga tanong na yan, Aiden. Kundi siya lang ang nakakaalam. Mahirap ipaliwanag ang isang bagay na hindi buo ang impormasyon. Mahirap din unawain ang magulong kaisipan o bagay. Alam kong wala akong masyadong karanasan sa pag-ibig pero pinaparamdam naman sa akin minsan ni Therd." hindi ko na namamalayan na may nasabi pala akong hindi dapat! Nadulas nanaman ako!
Kita kong sumilay ang ngiti sa mga labi niya at ako naman ay huli ng mapagtanto ang huling nasabi. Gosh alam kong gulat na gulat na ako ngayon at nahihiya at the same time!
"Walakangnarinig, sabikolibrekita mamayahehe." deretsyo kong sabi at tumayo para bumalik sa upuan ko. Tinawag niya naman akong tumatawa kaya napakagat ako muli sa ibabang labi kahit pa may sugat ito dahil sa kagabi.
"Oh bakit para kang ginisang kamatis diyan?" tanong sa akin ni de Aldez na to.
"Kasi naman... Mukhang in love ang bebe natin." pang-aasar na ngayon ni Aiden.
BINABASA MO ANG
Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon)
RomantizmSometimes we need a sign(portent) of possibility in everything we think is impossible. We need to face many obstacles and win every challenges that life can give. Some people say love is the key to make things happen but for Therd, you need to have...