Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil wala naman akong balak talaga. Tsaka baka masaktan ko yung damdamin niya kaya kailangan kong sabihin sa maayos na paraan. Maiintindihan niya naman eh. Buti sana kung malapit na akong maging vet eh hindi pa naman. Kailangan ko pa mag-aral ng dalawang taon sa isang veterinary school .Hindi ko nga alam kung kaya ko ba o ewan eh. Pero sabi ni Therd ay dapat laban lang kaya yun ang ginagawa ko ngayon."Ammm Berlin alam mo naman na busy ako sa pag-aaral diba? Syaka wala pa kasi akong plano sa isang relasyon. Hanggang pagkakaibigan muna siguro. Okay lang ba?" malumanay kong sabi sa kanya. Umusad na kami mula sa trapiko kaya sa daan ulit ang tingin niya. Tumingin lang siya ng mabilisan sa akin na nakangiti.
" Alam ko ang isasagot mo at naiintindihan ko yun. Basta kung kailangan mo ng tulong o kaibigan sa mahirap na sitwasyon, tawagan mo lang ako. Darating ako lagi, Brielle. "
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Kahit pala kulang ang pamilya ko ay sobra sobra naman ang mga totoo at maaasahan kong kaibigan lalo na kapag may problema na kailangan ko nang makikinig sa akin. Maswerte pa din talaga ako kahit papano.
Naging tahimik na ang byahe hanggang sa nakarating na kami sa school at nakapark na din siya kaya bumaba na ako bago niya pa ako pagbuksan . Hindi naman mabigat ang pintuan ng sasakyan kaya pwede ko naman buksan ng walang tulong. Oo pagiging gentleman lang naman yung ginawa niya. Sa akin lang ay wala na akong oras.
"Thank you ah, mauna na ako. Malalate na ako eh. " pasasalamat at pamamaalam ko.
"Sige. " maikling sabi niya kaya humakbang na ako pa layo pero tinawag niya ako ulit.
"Mag-iingat ka. "
........
"Pupunta kaming Thailand next week Elle dahil ojt namin ni Jia. Buti nga magkasama kami eh. Okay lang ba kayo nila Lola dito?" tanong ni Mira sa akin ngayon habang naghuhugas kaming dalawa ng pinggan.
Buti pa sila pupunta ng ibang bansa at maggragraduate na eh ako ang tagal pa. Pero alam ko naman na worth yung pag hihintay ko sa tamang panahon ko para makuha ang gusto kong trabaho.
"Okay lang syaka ilang days kayo dun? May bagyo ata eh next week na nadarating, tutuloy pa din kayo?" taka kong balik tanong sa kanya.
"Hindi ko alam baka hindi pero kung maganda daw ang panahon ay tutuloy kami. Kapag naman hindi ay siguro pagkatapos na lang ng bagyo. " tumango lang ako at pinagpatuloy ko ang pagsasabon, siya naman ang nagbabanlaw.
"Elle, musta kayo ni Therd?" biglaan niya ulit na tanong.
Bakit niya tatanungin? Okay naman kami ni bosh, madalas na nga lang kaming mag-usap pero okay naman kami eh. Busy kasi talaga siya, review ng review.
" Wala naman kaming problema, busy lang kami pareho pero okay naman kami. Bakit mo natanong? Syaka nga pala, kayo na ba ni Aiden?"
"H-ha? H-hindi pa ah!"
"Hindi pa?" may meaning kong tanong sa kanya. Alam niya naman kung ano yun. So hindi pa dahil hindi niya pa sinasagot? So nanliligaw na siya matagal na? Hindi man lang siya nagsabi sa akin. Mamaya bigla nalang akong magugulat dahil iiyak siya sa isang break up na wala akong kaalam alam ha.
" Syaka na natin yan pag-usapan. Tapusin na natin to para makapag-aral ka na. "
Hindi ko nga alam kung kaya ko pa ba ang mag-aral, tuwing naghahanap naman ako ng advise sa kanila lalo na kay Therd, nagagalit lang sila sa akin. Nagagalit sila dahil nararamdaman ko nang sumuko which is huwag dapat. Laging pinapaalala ni Therd sa akin na, I should do all the things that may help me get what I want. Normal lang naman siguro ang mapagod diba? Pero sabi ni Lola dapat ay magpahinga lang kung pagod na at huwag susuko. Kaya anong choice ko? Kundi ang mag-aral para maging veterinarian balang araw. May mga asong kalye na nagugutom at gusto ko silang iadopt kung sa hinaharap kung meron na akong sariling pet shop. Sabi ni Safa magtutulungan daw kami nila Aiden at Wyatt para matupad ang mga pangarap namin. Ang saya ko nga dahil may mga lalaki pa din na malapit ang puso sa mga hayop.
BINABASA MO ANG
Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon)
عاطفيةSometimes we need a sign(portent) of possibility in everything we think is impossible. We need to face many obstacles and win every challenges that life can give. Some people say love is the key to make things happen but for Therd, you need to have...