Chapter 14

4 0 0
                                    

Wala akong ideya sa kung sino ang nagbigay nun sa akin dahil imposible naman na mga kaibigan ko yun eh pwede naman nila yun sabihin sa akin ng personal. Hindi din naman siguro si Venice dahil kanina pa tapos ang klase naming dalawa at ngayon lang kami nagkausap. Siguro galing lang ito sa mga loko lokong mga nagpapaturo sa akin dati at baka nantritrip lang kaya inilagay ko na lang sa bag at nagbasa na din. Sulat lang iyan at hindi ko naman ikamamatay maliban na lang kung death threats.

Habang nagbabasa ay kita kong pumasok si Avery at nagulat akong nahanap niya agad ang mga mata ko. Bakit?Ang creepy lang dahil ako agad ang nakita niya o baka naman nag-oover reacting nanaman ako? Baka may kakilala lang siya sa tabing mesa namin o pwede ding iginagala niya lang ang mga mata niya upang makita kung may bakante bang mesa dito sa banda naman.

Oo ganun Elle,masyado ka nanaman oa ha.

" Huy bakit?" tanong ni Safa at tumingin sa likod niya kung saan ako nakatingin.

" Kilala ko yan, alam mo bang this year lang yan pumasok dito? Baka gustong mag-under grad dito. Mabait naman pero hindi ko feel. Bakit kilala mo?" lumingon ito sa akin.

"Oo nakikita ko lang sa gilid gilid." pagbabalewala ko dahil wala naman akong pake dun.

Wala nga ba? Oo wala!

" Tagal nung dalawa ah." pagpalit ko ng topic. Kanina pa mga yun at malapit nanaman ang oras ng klase.

" Hindi ko alam.Baka nagtext sila check mo." utos niya.

Ginagawa ko naman at kinalkal ang bag ,nakasilent ang cellphone ko kaya hindi ko malalaman kung may text ba o tawag. Nakasilent dahil baka mamaya ay maistorbo ang klase kung may bigla biglang tumatawag.

Tama nga si Safa may text nga at galing yun kay Wyatt,wala nanaman siguro load si Aiden.

Wyatt:

Hindi na muna kami pupunta diyan .Magpapalista kami sa basketball para sa foundation day.

Kanina pa ang text na iyon kaya busy na siguro mga yun ,so hindi na lang ako magrereply.

" Nagpalista daw sila sa basketball para daw sa foundation day. "

"Eh ikaw saan ka sasali?" tanong nito sa akin siguro ay magsasama na lang kami.

"Ikaw ba kung saan mo gusto ay dun na din ako basta maayos ah dahil last year ang boring. Try natin sa bad---" naputol ang sasabihin ko dahil may napasigaw dito at tila may nag-aaway. Todo awat na ang lahat maging ang librarian.

" Oh bitch you think kaawa awa ka? Ano bang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko? That is my place so you better remove your ass out of my chair! Tell that also to your friend. " sabi nung babaeng kerengkeng. Akala mo ay umaastang queen bee eh baka nakakalimutan niyang college na ito? Hindi ko kita kung sino ba ang inaalipusta niya dahil madaming tao ang nakapaligid. Tingin ko din ay may kasama ang karengkeng na ito.

" Bitch ka din! Bakit pinagawa mo ba ang mesa't upuan na ito kung makasta kang sayo? Syaka ayusin mo yang make up mo dahil nagmumukha kang durog na crinkles!" isang pamilyar na boses kaya agad akong tumayo ganun din si Safa.

Si Mira ba yun? Unti unti akong naglakad patungo doon dahil ayaw ko naman sumugod ng hindi sigurado syaka hindi ako nakikipag-away .Napakaimmature na gawin yun unless below the belt na.

" What did you just say?" hindi makapaniwala si karengkeng sa narinig.

" Bobo't immature ka na nga,bingi ka pa!" dun ko na nakumpirma na si Mira nga iyon dahil kita ko na siya. Chill lang siyang nakaupo kasama ang ilan sa mga kaklase niya ,wala si Jia at pinagpapasalamat ko yun dahil kung meron ay kanina niya pa nakalaban itong si karengkeng.

Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon