"Busog much, sulit na sulit talaga dito ang paksiw. Nakakatanggal pa ng pagod yung buko shake." hindi pa ata to nakamove on tong si Berlin sa letchon paksiw nila. Lagi niyang bukam bibig."Nagtext si Sami, nasa school na daw siya. Naghihintay sa parking ayaw pumasok mag-isa." anya ni Sean. Sami is short for Mounasami.
"Hindi ba yun yung hapon? Yung angkan nun sinakop ang pilipinas dati ah!"pabiro ni Jerry. Ngayon lang kasi sila sumama sa amin at kaibigan sila ni Berlin.
"Hahaha." mahinang tawa ni Safa na nasa tabi ko. Nandito na kami sa labas ng restaurant at tutulak na din siguro sa school. Siguro ay maglilibot din sila dahil wala na silang gagawin, alam kong kahit pagod na sila ay gusto pa din nila mag-enjoy. Gaya ko, pagod na ako kakaisip sa walang kwentang sinasabi ni Therd. Tila nasaniban siya ng kapwa niya tiktik kahit na maaraw pa lang.
" Sira ulo ka talaga. Nanay nun nainlove sa hapon kaya ayun hapon na din." sabay pabirong binatukan ni Berlin ang kaibigan at natawa din kami. Hehe slight lang.
"Tara na at talagang hapon na, anong oras na." aya ni Therd sa lahat. Wala akong pasabi na sumakay sa sasakyan ni Wyatt. Gusto ko kasi siya icomfort dahil broken hearted yung tao. If I am in his shoes hindi magkakasya yun dahil malaki ang paa niya. Biro lang....kaya ayaw ko s amga relasyon eh dahil may mga heartbreaks. Ayaw ko sa mga commitments.
Matalim ang tingin ni Therd sa sasakyan ni Wyatt. Tinted ito kaya hindi niya ako kita pero alam niyang kita ko siya malamang. Umirap siya at pumasok na din sa sasakyan niya. Parang bata ang putete.
"I didn't expect you to ride here ah. Seat belt please, Binibini." mahina itong tumawa. Ginawa ko naman agad ang sinabi niya.
"Okay ka lang ba?" maingat kong tanong baka kasi madagdagan ko pa at lumagpas ako sa linya.
Tumulak na din kami at nakaconvoy ulit kaming lahat pabalik sa school. Bumaling siya sa akin pero binalik din sa kalsada ang mga mata. Sa likod namin si Therd at sa harap na ang mga sasakyan ng mga kaibigan. Parang second to the last kami, huli yung si Bosh.
"Oo naman. Masakit sa pakiramdam ang nangyari....pero..anong magagawa ko eh hindi ako yung pinili. Nakakagalit din... kaibigan ko pa talaga." himig mo ang pait, sakit at may bahid na galit sa tono niya. Napanguso ako dun, that's must be hurt.
Nakakatakot masaktan.
Hindi ko maintindihan ang buhay, pabago bago ang takbo bawat araw.
"I really thought that she's good for you, na deserve ka niya. Malaking pagkakamali pala yun. Maybe she have a reason?" I am not defending the girl ahh...I am just thinking holistically.
"Even she have, I don't think we can be together again. A person who once betrayed you doesn't worth your time and attention. Siguro ay mas maganda ngayon ang self love at pagmamahal din sa pag-aaral para makuha ang inaasam na career."
Sang-ayon ako sa sinabi niya. I know that love have an advantages to people pero bakit parang mas madami ang disadvantages nito?
People tend to become suicidal when they got broken hearted, may mga naghihiganti pa at nadadamay ang ibang tao. Some also losing their dignity, elegance, their V card in a minor age, self love, trust and most of them did lost their dreams because of love. Parang naging mali ang landas na tinahak nila. May mga marupok na tao na hindi iniisip ang mga consequence and nowadays, the number of teenage pregnancy is increasing everyday!
Alam kong buhay nila yun na they can do what they want, follow what they think is right. Pero sana ay maging matalino sila sa pagdedesiyon sa mga bagay hindi yung padalos-dalos.
"Love can be both inspiration and distraction in studying."
Yan lang ang siyang nasabi ko at mangha niya akong tinignan. Pabiro naman akong nagtaas ng kilay na parang nagmamayabang.
BINABASA MO ANG
Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon)
RomantizmSometimes we need a sign(portent) of possibility in everything we think is impossible. We need to face many obstacles and win every challenges that life can give. Some people say love is the key to make things happen but for Therd, you need to have...