Nagkwentuhan kami habang kumakain at nag-iisip ako kung anong pwedeng gawin since ako naman ang nag-aya. Siguro maglalaro ng basketball? Pero ang labo naman ata para sa kanya yun eh ang mahiyain at limitado lang din ang galaw niya. May badminton racket naman kami dito pero kay Berlin yun, ayaw ko naman gamitin ng hindi nagpapalam. Text ko na lang siguro.Ako:
Hi Berlin! Pwede bang hiramin ko ang badminton racket mo?Ilang sandali pa ay agad din itong nagreply.
Berlin:
Where are you? Papunta kaming court doon kami magprapractice ng team para sa final.Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tinignan si Venice na naglalakad lakad dito sa loob na tinitignan ang kabuuan nito. Okay lang naman siguro sa kanya no? Para maenchance niya ang confidence niya dahil hindi naman pwedeng habang buhay nalang siyang nahihiya.
Ako:
Nandito ako sa court may kasama kong kaklase. Is it okay na manood?Berlin:
Oo naman! Hahaha. Therd is with us,see you.Tinago ko na muli ang cellphone at naglakad kung nasaan si Venice na tinitignan pa din ang paligid. Nalipat lang sa akin ang atensyon niya nang nasa tabi na niya ko.
"Papunta daw ang mga kaibigan kong lalaki dito, magprapractice sila ng basketball. Okay lang ba sayo? Pwede naman akong magpasyal sa iba."
" Amm okay lang. Manonood na muna din ako bago umuwi."
"Sure ka?" paninigurado ko.
Ngumiti siya at tumango.
"Oo."Sabay kaming napalingon sa labas nang marinig ang pagdating ng mga sasakyan. Tinawag ko siyang lumabas kami at sinundan niya naman ako nang hindi umiimik. Tatlong sasakyan ang dumating. Sasakyan ni Therd, Berlin at Wyatt. Bumaba ang mga kasama nilang pamilyar naman sa akin.
"Hi Elle! Bakit ka nandito? Tapos na klase mo?" si Sean na sinalubong ako ng yakap. Well okay parang bindi na an nag kita kahapon.
" Pinasyal ko lang yung kasama ko, siya si Venice. Venice, si Sean." pinakilala ko ang isa't isa sa kanila. Naglahad ng kamay si Sean at tanggap naman ni Venice na halatang nahihiya.
Pinakilala ko na din si Berlin at Mounasami. Kilala na daw ni Wyatt si Venice since naging kaklase niya din daw ito noon. May kausap naman sa cellphone si Therd na nanatili sa labas ng sasakyan niya kahit na tirik na tirik ang araw ay tila hindi ito alintana sa kanya. Si Venice ay kinakausap si Wyatt at Sean sa bench habang nagwawarm up ang iba. Si Mounasami naman ay as usual na naglalaro ng online games.
Nasulyapan ako ni Therd na nakatingin sa kanya,nagtaas lang ako ng kilay at pumunta sa kanya. Maputi siya at kahit na mainitan ay hindi agad-agad iitim kundi pupula lang ang mga kutis niya. Matangos ang ilong niya, mahahaba ang mga pilik mata, brown eyes at downward-turned lips . A Marcestra indeed .
" I already said no Zoe."
Nanatili akong nakatayo at hinihintay siyang matapos sa ginagawa.
"Ask Kuya...."
Which is si Kuya Tyler Zian Marcestra.
"Fine you can go. Magpahatid kay Manong Ed and please take care." rinig kong kausap niya ang kapatid niyang babae. Binaba na niya din ang tawag at pinatunog ang sasakyan.
" Hinintay mo na lang sana ako dun para hindi ka mainitan." sermon ba agad muna ang bungad?
" Eh gusto nga kitang puntahan!" kita kong pumula ang tenga niya na baka dahil sa araw .
"Halika na at may ipapakilala ako sayo." Dagdag ko pa at inakbayan niya ako bago naglakad papasok sa court.
BINABASA MO ANG
Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon)
RomanceSometimes we need a sign(portent) of possibility in everything we think is impossible. We need to face many obstacles and win every challenges that life can give. Some people say love is the key to make things happen but for Therd, you need to have...