"Isang himala! Tahimik at matamlay ang aming magandang prinsesa." nagulat pa ako dahil biglang sumulpot si Sean sa paglalakad ko papunta sa building namin. Agad ko siyang nilingon baka kasi meron yung hinahanap at inaabangan kong si Therd. Pero wala eh."Nakakagulat ka naman. Matagal ko na din alam na maganda ako." matamlay kong sabi at pinagpatuloy ang paglalakad at sumunod naman siya sa akin.
"Bakit ba ang tamlay mo?" tanong pa niya.
Eh tanungin niya sa best friend niyang tiktik. Hindi niya nirereplayan ang mga text ko at hindi sinasagot ang mga tawag ko. Naubos nga ang load ko dahil dun eh. Tapos nung umuwi sila ay mas malamig pa kaysa sa yelo ang paalam niya.
" Wala." pagsisinungaling ko.
"Hindi ka pa ba kumain?"
"Hindi pa." maaga ako pumunta ng school eh hinihintay ko pa nga ang sasakyan niya na pumasok sa gate pero wala. Pumasok na ang dalawa, babantayan daw ni Jia si Mira at papainumin ng gamot sa tamang oras. Mapilit pa din kasi si Mira kahit may sakit na kaya wala kaming nagawa.
"Then let's have breakfast together!" maligaya niyang aya at tumigil sa paglalakad. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaharap sa kanya. Kung tatanungin niyo man, pogi siya oo. Mukhang artista at daming nagkakagusto sa kanya.
"Ngayon lang ako hihiling sayo eh. Sige na." pagsuyo niya.
May kailangan pa akong suyuin. Ang hirap hirap pa man din yun pangitiin ulit. Gusto ba ni Therd na kumanta ako? Sumayaw? Gawin ko mga assignments niya kahit wala akong alam? Ano? Gagawin ko lahat magbati lang kami nun.
"Oo na. Tara na." pagsuko ko. Huwag kayong mag-alala ako mag babayad.
Siya na ang nag-order ng pagkain namin at binigay ko ang pera ko. Nung una ay ayaw niya pero nung sinabi kong aalis na lang ako ay kinuha niya din lang. Agad din siyang bumalik kasama ang pagkain namin. Konti pa lang kasi ang estudyante kaya walang pila. Bacon, egg at ham ang meron at bottled milk.
"So how are you?" tanong niya sa gitna ng pagkain namin.
Kamusta nga ba ako?
"Okay lang ako." kahit hindi naman.
"Nice to hear that ah. Ako hindi mo ba ako tatanungin?" ang saya niya pang sabihin yun dahil nakangiti siya na labas ang kompleto niyang ngipin. Tumingin naman ako sa kanya na parang nawiweirdohan na.
Ano bang nangyayari sa lalaking to? Ganito ba mainlove to o baka nakapasa ng exam or quiz? Nabitin sa ere ang pagsubo ko sana kaya binaba ko na muna ang kobyertos. Tsaka ako pinagtiklop ang mga daliri, nakatukod ang dalawang siko mesa.
"So, Sean James Velasquez, kamusta ka naman?" nanunuyang tanong ko kanya natawa siya at nag thumbs up. Ngiting-ngiti pa din siya na akala mo naman ay pinapasaya ko siya ng bongga.
"Okay na okay ako, kasama na kita eh. Ngayon lang kaya ulit kita nasolo."
O-Ohh?
"Bakit may sasabihin ka ba o ikwekwento?" takang tanong ko at kumain na lang ulit. Ganun din siya at ang weird talaga dahil pati sa pagnguya ay nakangiti pa din at tumatawa din kapag sumusulyap sa mukha kong naguguluhan na.
"Yung pangalawa ang gagawin ko." sagot niya at uminom ng gatas. Nagpunas din muna ng bibig bago magsalita muli. Tapos na pala siyang kumain nang hindi ko napapansin. Ang akin ay nakalahati pa lang. Hindi naman kasi ako ganun kagutom pero uubusin ko pa din to syempre.
"But please continue eating while listening to me." sabay turo sa pinggan ko. Hindi ba nangangawit ang panga niya? Naglue na ata ang smile niya sa mukha niya. Masyado siyang masaya.
BINABASA MO ANG
Portent Of Possible (Marcestra Series 2)(Soon)
RomanceSometimes we need a sign(portent) of possibility in everything we think is impossible. We need to face many obstacles and win every challenges that life can give. Some people say love is the key to make things happen but for Therd, you need to have...