Nagising ako ng maramdaman kong may mga nakatingin saking tao.
Napaupo ako sa hinihigaan ko at tumingin sa paligid,
Teka sino kayo? Napatingin ako sa mga men in black na nasa harapan ko sa tingin ko ay nasa 20 katao sila, sabay sabay silang napayuko sa harap ko.
Teka anong nangyayare dito? Sino kayo?
Mabuti pa young lady sumama kayo samin at ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat pagdating sa mansyon Magalang na sabi sakin ng lalaking sa tingin ko ay nasa 30's palang matangkad ito at Infairness gwapo si kuya, pero teka bakit ako sasama sa kanila?
Sino ba kayo? at bakit ako sasama? naguguluhang sabi ko.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko na sumusunod sa kanila, Ginayak nila ako sa isang sasakyan at pinagbuksan ng pinto, Gulong gulo ako at hindi ko alam kung anong nangyayare. Like wtf kakagising ko lang tapos biglang ganito.
Dami kong problema panibagong iisipin nanaman to. Pumasok kami sa napalaking gate, akala ko ay nakarating na kami pero hindi pa pala bago tuluyang makarating sa mansyon na tinutukoy nila ay may mahabang garden pang dadaanan,
Napakaganda ng buong paligid at tiyak akong napakayaman ng may-ari ng buong bahay na to. parang sa iilang minuto palang ay nawala ang mga iniisip kong problema sa ganda ng buong paligid.
Nandito napo tayo young lady, Nakangiting sabi ng driver.
Hindi ko alam bakit nila ako tinatawag na young lady, The last time i checked hindi kami mayaman, wala kaming malaking bahay, wala kaming driver o maski sasakyan wala din.
Pinagbuksan ako ng driver ng pinto kaya lumabas nako, Napanganga ako ng makita ang buong Bahay, Hindi ko alam kung tama bang tawaging bahay to? Napakalaki nito at sa gilid ay may malaking fountain, nakatayo sa gilid ang mga men in black at sabay sabay silang yumuko ng makita ako.
Tangina ano ba talagang nangyayare? Jusko.
Sumunod kayo sakin young lady sabi ng lalaking sa tingin ko ay pinakamataas sa lahat ng men in black. Kagaya ng sinabi niya ay sumunod ako, Dumiretso kami sa loob ng bahay at umupo sa sofa sa sala.
Dalawa lang kaming nakaupo habang ang iba ay nakatayo lang sa likod ko, Ang weird lang.
Young Lady I'm Marco Fuente, Personal assistant ako ni Don Francisco na simula ngayon ay magiging personal assistant niyo na.
Teka sinong don francisco? at bakit kita magiging personal assistant? naguguluhan ako.
Si Don Francisco ang matandang nakilala niyo kahapon, Tinulungan niyo siya ng nanghihingi siya ng pagkain at kahapon din ay namatay siya,
Mayaman siya? ano yun social experiment? teka naguguluhan talaga ako
Bago siya namatay ay iniwan niya ang last will testament na lahat ng assets niya ay pinapasa niya sa pangalan mo, even this house, cars even his all businesses and company and such
Bakit ako? Wala akong ibang masabi hindi ko alam kung ano nga bang sasabihin ko.
Wala siyang ibang pamilya young lady, Mag-isa lang si Don francisco sa buhay at may taning na ang buhay niya at maswerte ka at ikaw napili niya.
BINABASA MO ANG
The Love Within
Teen FictionFailure Sinungaling Manloloko Hindi mapagkakatiwalaan Baon sa utang Walang kwentang anak. That's how they Describe me, This is the way i live my life, Kung mayaman lang sana ako kung marami lang akong pera hindi ko maeexperinced ang lahat ng to. I'm...