Mabilis lumipas ang araw bukas ay camping na namin, everyone seems excited.
Sa ilang araw na lumipas ay wala naman masyadong nangyare, Dahil sa research ay nagkaron ako ng mga kaibigan, Naging kaibigan ko sila renalyn. even layla and her friends.
Ngayon ay hanggang tanghali lang kami suspended ang class ng hapon para makapaghanda ang mga student sa gaganaping camping para bukas.
Busy ang lahat sa paghahanda para sa limang araw na camping sa cavite, Inayos ko ang gamit ko at lumabas
Napatigil ako sa paglalakad ng harangin ako ng tatlong kontrabida sa buhay ko.
Well well so sasama ka pala sa camping natatawang sabi ni chloe
Hey chloe hindi naman siya makakasali kung hindi dahil sa research nila natatawang sabi ni ashley
How lucky you are dagdag ni nikkie
For sure naman kahit hindi dahil sa research niya ay makakasama talaga siya, Mukhang nakabingwit siya ng mayamang boyfriend this time tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at napakasmirk
Tama ka, look at her things mga branded hinatak nito ang hawak kong cellphone at tinignan.
Akin na yan! lumapit ako at inagaw ang cellphone na pinagpasa pasahan ng tatlo. hindi ko namalayan na nakaharang pala ang paa ni chloe sa daan kaya nasubsob ako sa hallway.
Mabilis akong tumayo at sinampal si chloe nakalimutan ko na nandito din pala ang dalawa kaya napagtulungan nila akong tatlo, Pinagsisipa ko silang tatlo at ng mahawakan ko ang buhok ni ashley ay sinabunutan ko to.
Nagulat ako ng hindi gumagalaw ang tatlo, tumigil narin ang pagsabunot nila sakin.
Kevin Pinagtulungan kami ni Nishyel mabilis itong lumapit kay kevin na umiiyak kaya niyakap ito ni kevin habang ang sama sama naman ng tingin nito sakin, hindi lang siya kundi ang dalawa pa nitong lalaking kasama. Right magkakaibigan pala sila bakit koba nakalimutan yun.
Tinatanong lang namin siya kuya kung sasama ba siya sa camping pero nagalit siya samin at sinabunutan si chloe nag-iinarteng sabi ni nikkie parami narin ng parami ang mga taong nakatingin samin
Tinignan ko si kuya Nhikko at kuya limuel pero galit lang makikita sa mga mata nila. hindi ko alam bakit bigla silang nagbago oo ang dami kong kasalanan pero sapat ba nilang gawen to sakin, ako ang totoo nilang kapatid pero mas kinakampihan na nila sila chloe ngayon.
Unang- una nagsinungaling ka samin at niloko kami, Ngayon naman ganto ginagawa mo sa mga kapatid namin? Nakaramdam ako ng kirot sa mga binitiwang salita ni kuya limuel
Kapatid niyo din ako! At hindi ako ang nagsimula ng gulo kelan niyo ba ako paniniwalaan hindi ko na napigilan ang mga luha kong nag- uunahan sa pagbagsak.
Mahirap paniwalaan ang sinungaling na kagaya mo Nishyel, Layuan mo ang mga kapatid ko! Kapag naulit pa to hindi mk gugustuhin ang gagawen ko sayo si kuya nhikko ang nagsalita this time, bakit kuya? bakit kayo naging ganito sakin, do i deserved this?
Natuod ako at hindi makagalaw dahil sa mga sinabi ni kuya Nhikko, kapatid nila ako! ako ang totoo nilang kapatid pero bakit? bakit ginaganito nila ako, i wish someone save me. hindi ko alam ang gagawen ko gusto ko umalis pero hindi ko magalaw ang mga paa ko pati ang mga luha ko walang sawa sa pagbagsak.
Hindi ko namalayan na naglalakad na pala ako, wala ako sa wisyo para alamin pa kung sino ang naglistas sakin, Hindi nagfufunction ang utak ko dahil sa mga narinig, Pumasok kami sa isang sasakyan at dun ko lang nakita kung sino ang tumulong sakin.
There he is Rafael, Save me again.
Umiyak kalang it's always okay to cry, nakakaless ng pain ang pag-iyak nakatingin lang siya sakin
Katulad ng sinabi niya ay umiyak lang ako ng umiyak, Kuya Nhikko and Kuya limuel is always there for me pero ngayon nabago ang lahat, they hate me so much hindi na nila ako tinatrato bilang kapatid, Mas kinampihan nila ang dalawa kumpara sakin na totoo nilang kapatid.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising nalang ako ng nakahiga ako sa hindi pamilyar na kama, ang huli kong natatandaan kasama ko si rafael sa sasakyan habang umiiyak ako, ibig bang sabihin nasa kwarto niya ako?
Napatingin ako sa wall clock na nasa gilid, alasais na pala ng gabi at ilang oras akong tulog, tumayo ako at lumabas sa kwarto. Malaki ang bahay nila pero hindi mo ito makukumpara sa mansyon ni Don Francisco, Mayaman sila Rafael pero mas mayaman si Don Rafael ng ilang beses.
Iha gising kana pala sumabay kana samin sa pagkain nakarating ako sa kusina, wala akong balak magtagal tangin hinahanap ko lang si rafael para makapagpaalam na at makauwe nako, sobrang hiya kung magtatagal pako dito.
Hindi na po uuwe narin po ako sagot ko pero wala akong nagawa ng may lumapit saking babae at hinatak ako papaupo sa tabi ni Rafael, tumingin lang ito sakin at nagpatuloy sa pagkain.
Sige na iha kumain ka muna ihahatid ka ni rafael after, sabi ng lalaking sa tingin ko ay nasa 40's Sa tingin ko tatay ni rafael to dahil hawig niya rin ito, Ang bait ng buong pamilya nila, tumango nalang ako bilang sagot at nahiyang kumuha ng pagkain.
Okay kana ba iha? Mukha kaseng hindi ka okay ng buhat buhat ka ni Rafael magulo ang itsura mo at galing sa pag-iyak. sabi ng ginang na sa tingin ko ay nanay ni rafael habang ang babae sa gilid ay kapatid ni rafael kung hindi ako nagkakamali.
Okay na po, Rafael Help me po kanina ngumiti ako sa ginang.
Siya ba yung sinasabi mong crush mo kuya na nasa business add? Nagulat ako sa sinabi ng kapatid ni rafael, napatigil naman sa pagkain si rafael at masamang tinignan ang kapatid. Tumawa naman ang mga magulang nila
Nakakatuwa ang pamilya nila mapagbiro ang tatay ni rafael katulad ng kapatid nito, Nakakatuwa lang na kahit mayaman sila ay hindi sila katulad na iba na matapobre.
Nagpaalam nako at hinatid nako ni rafael,
Thank you hindi tumitinging sabi ko sa kaniya seryoso lang siyang nagmamaneho. Hindi siya sumagot kaya tumingin lang ako sa dinadaan namin.
Yung sinabi ni Rika wag mong intindihin mahilig talaga siya mang-asar, napatingin ako sa kaniya nagmamaneho lang siya naagaw ng pansin ko ang pamumula ng pisngi niya.
Malabong magkagusto siya sakin, kakilala palang namen at hindi ako ganun kaganda para magustuhan ng halos perfect na kagaya niya.
Nagpababa kay rafael sa convenience store at nagpaalam na sa kaniya ayaw niya pa halos umalis pero i insist, ayokong magpahatid sa bahay, Naglakad ako pauwe malapit na ito sa bahay kaya okay lang.
Bumukas ang malaking gate at pumasok ako, Naglakad ako papasok sa loob. Bago makarating ng tuluyan sa bahay ay madadaanan muna ang napakahabang garden ng buong mansyon, Napaganda ng paligid lalo na sa gabi dahil sa mga ilaw na nasa gilid idagdag pa ang mgagandang mga bulaklak,
Lahat ng mga kasambahay even men in black bow at me, Tumango lang ako bilang sagot at dumiretso sa kwarto ko
BINABASA MO ANG
The Love Within
Teen FictionFailure Sinungaling Manloloko Hindi mapagkakatiwalaan Baon sa utang Walang kwentang anak. That's how they Describe me, This is the way i live my life, Kung mayaman lang sana ako kung marami lang akong pera hindi ko maeexperinced ang lahat ng to. I'm...