Chapter 9

5 0 0
                                    

Papalubog na ang araw at nandito ako sa tabing dagat, pinagmamasdan ang papalubog na araw. Napakaganda nitong pagmasdan.






I wonder kung anong mangyayare sakin kung hindi ako ang napili ni don francisco, siguro hanggang ngayon sa kalsada lang ako natutulog at hindi na nag- aaral. Sa dami kong nagawang mga kasalanan hindi paren ako pinapabayaan ng diyos, Sobrang swerte ko dahil sa daming tao sa buong mundo ako pa ang napili na pamanahan ng isang billionaryo na si Don Francisco.







Nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito,





Kamusta ang unang araw sa resort Nish? simula ni kuya love sa kabilang linya.





Okay naman napakaganda dito kuya kaso mag- isa lang ako kaya ang lungkit nakasimangot kong sagot.





Gusto mo bang sumunod ako diyan nish? mabili akong sumagot sa sinabi niya






Wag na kuya love alam kong marami kang ginagawa diyan kaya okay lang ako ngumiti ako






Sige Nish, Kumain ka sa tamang oras ha may gagawen pako huling sabi nito at nagpaalam nagpaalam narin ako at pinatay ang tawag.






Bukod kay Don Francisco sobrang swerte ko rin na nakilala ko si kuya love kagaya ko mag-isa lang din siya sa buhay niya matagal na siyang nagtatrabaho kay don francisco, Kaya parang tunay na kuya ang turing ko sa kaniya sa mansyon narin siya nakatira, Ayaw niya pa halos pero napilit ko siya.






Naisipan kong bumalik nalang sa kwarto ko ng may humarang saking grupo ng mga babae kung hindi ako nagkakamali ay lima sila.






So ikaw ang rumor girlfriend ni Rafael? Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.





Anong nagustuhan niya sayo? hindi ka ganun kaganda at lalong hindi ka rin sexy. tumawa sila dahil sa sinabi ng babaeng nasa pinakaunahan nila.







Akmang maglalakad nako ng hinarang ako ng mga to may humawak sa magkabilang braso ko.






Bukod sa hindi ka na nga kagandahan bastos karin, Hindi ko alam kung anong nagustuhan sayo ni rafael pero binabalaan kita layuan mo siya! sunod sunod na sabi nito sakin at lumapit sakin







Hindi ko alam ang sinasabi ninyo at wala akong gusto kay rafael kaya pwede ba bitawan niyo ako, pilit akong umaalis sa humahawak sa magkabilaang braso ko pero hindi ako makaalis






Aba sumasagot pa talaga, Nagsitawanan sila may sinenyas ang pinakaleader sa kanila na siyang kinatuwa ng dalawang humahawak sakin, pinilit nila akong palakarin papuntang dagat







Saan niyo ako dadalhin? Hindi ako marunong lumangoy, nagpumiglas ako pero hindi ako makawala palayo kami ng palayo at palalim narin ng palalim ang napupuntahan namin, Binitawan ako ng dalawang nakahawak sakin at tinulak ako sa mas malalim,







Hindi ako marunong lumangoy, Pilit ko inaangat ang ulo ko pero hindi ko magawa masyadong malalim na, dito na ata ako mamatay, Ginalaw galaw ko ang mga paa ko maging ang kamay ko, rinig ko ang tawanan ng mga gumawa nito sakin, Unti unti akong lumulubog, pumikit nalang ako at hinayaang lamunin ng tubig






Nabuhayan ako ng loob ng may humawak sa mga kamay ko, Bumilis ang tibok ng puso ko ng makasalubong ng mga mata ko ang taong gusto kong makita bago ako mamatay






Si rafael, Hawak hawak nito ang magkabilaang kamay ko, mas nagulat ako sa sunod na ginawa nito. Unti unting lumapit ang mukha nito sakin at Hinalikan ako, Namalayan ko nalang ang sarili kong gumaganti sa sa halik ni rafael, I feel safe.






Unti- unting bumalik sa ayos ang paghinga ko at tila nagugustuhan ang paghalik ni rafael sakin, Hindi ko alam kung bakit ganito ako. kakahiwalay lang namin ni kevin at hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman kong ito.





Lumusong kami ng dagat at tulalang napahawak lang ako sa mga labi ko, hawak paren ni rafael ang mga kamay ko, nanginginig ang buong katawan ko hindi ko alam kung dahil ba sa lamig to o dahil sa hindi malamang nararamdam ko kay rafael?





Sumalubong samin ang mga professors maging ang mga staffs na alalang alala sa mga nangyayare marami ring mga studyante na nakapalibot samin, habang si rafael ay walang pakialam na hinatak ako, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin nagpatianod nalang ako.






Tulala lang ako habang naglalakad hindi paren nagsisink in sa utak ko ang mga nangyare di ko alam kung anong mararamdaman ko, Muntik nako mamatay pero hindi dahil dun kung bakit ako tuliro.






Inabutan ako ni Rafael ng tuwalya ng makarating kami sa kwarto niya, kumuha din siya ng mga damit wala akong nagawa kundi sumunod nalang, Dumiretso ako sa cr at nagpalit






Pinagmasdan ko ang mga damit na binigay sakin ni rafael, isang boxer at isang tshirt at underware wala akong nagawa kundi isuot nalang ito, medyo malaki sakin ang tshirt niya dahil maliit lang ako.





Napangiti ito ng makita ako, hindi ko alam kung bakit ganito siya sakin, dahil sa pinapakita niya unti unti akong nahuhulog na hindi dapat.






Inaya niya akong kumain kumuha pala siya ng pagkain habang naliligo ako, Umupo sa tabi niya at kumain dahil nagugutom narin ako.







Okay kana ba? tumango ako bilang sagot.






Salamat sa pagligtas sakin lagi mo nalang ako nililigtas nahiya ako dahil sa sinabi ko totoo naman lagi nalang niya ako nililigtas sa tuwing napapahamak ako pakiramdam ko utang na loob ko sa kaniya na hanggang ngayon buhay pako.







Wala lang yun ang mahalaga okay kana atsaka alam ko namang ako ang reason kung bakit nila ginawa yun sumubo siya ng pagkain at tumingin sakin






Napakagwapo talaga niya, kaya malabong magkagusto siya sakin.






Ilagay mo dito number mo inabot nito sakin ang cellphone niya tumango lang ako at inabot ko iyon tinype ko ang number ko at binalik sa kaniya ang Cellphone niya.





Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya ako sa kwarto ko, Nagpasalamat lang ako kay rafael at pumasok na sa loob.






Humiga ako sa kama at hinawakan ang dibdib ko, Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, Mahigit dalawang linggo palang ng makilala ko siya pero napakalakas ng epekto niya sakin






Hindi tama  na magkagusto ako sa kaniya, kailangan kong pigilan kung ano man tong nararamdam ko,






Ayokong mag expect na may gusto siya sakin, kailangan ko pigilan kung ano man ang nararamdaman ko habang maaga pa, ayokong masaktan ulit.






Ayokong masaktan nanaman, Kailangan kong pigilan to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Love WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon