Ngayon ang araw ng camping, Ang usapan ay alas otso palang dapat ay nasa school na.
Wala ako masyadong dinala, nagdala lang ako ng mga damit na sapat for 5 days, provided naman ng resort ang ibang personal na bagay.
Nagpahatid ako sa driver pero wala akong balak magpababa sa mismong school
Salamat po kuya luis bumaba ako ng sasakyan at naglakad papuntang school, Pagdating ko sa school ay marami na ang mga student marami din mga bus na nakaparada sa Quadrangle, pumunta ako sa bus na nakaassign sakin kasama ng BA ang mga Engineering Dept,
Umakyat ako ng bus at halos lahat ay puno maliban sa isa, Lumapit ako dito at tinanggal naman niya ang bag na nakalagay sa tabi nito, parang nakareserved ang upuan para sakin,
Thank you Rafael ngumiti ako at umupo. Tumango lang ito bilang sagot at nagsuot ng earphone Saktong 8:20 daw aalis ang mga bus pero saktong Alas otso palang.
Napatingin ako sa katapat na bus, Wow destiny making funny of us, Katapat ko sila kevin at katabi niya si ashley na nakasandal ang ulo sa balikat ni kevin, How sweet.
Napatingin ako kay rafael ng ilagay niya ang ulo ko sa balikat niya, sinuot nito sa kabilang tenga ko ang isang earphone. Hindi ko alam kung bakit pero bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya,
Tumingin ako sa kaniya at nakapikit lang ito at mistulang walang pakialam sa paligid habang ako naguguluhan dahil sa nararamdaman ko, napakabilis ng pintig ng puso ko at hindi halos makahinga sa nararamdaman ko, Pumikit nalang ako at hinayaan ang mabilis na pintig ng puso ko,
Nagising ako dahil sa tapik sakin,
Nandito na tayo Nishyel tumayo ako at tinignannang buong paligid, Nakatulog pala ako.
Binuhat ko ang bag ko at bumaba ganun din si rafael, Nakakahiya nakita pa niya akong natutulog kapag natutulog pa naman ako naglalaway ako at kung minsan humihilik pako,
Kami nalang ang naiwan sa bus dahil hinintay niya pakong magising, Bumaba kami ng bus, Magkaibang building ang kwarto ng lalaki sa babae kaya naghiwalay na kami ni Rafael,
Pumasok ako sa loob at binati ako ng mga staff, Kilala nila ako dahil pinakilala ako ni kuya Love sa lahat ng empleyado, hindi man niya ako pinakilala personally ay kilala nila ako dahil sa pangalan at pictures ko,
May lumapit sakin na sa tingin ko ay ang manager, Sinamahan ako nito sa magiging kwarto ko bawat student ay dapat tatlo sa isang kwarto pero mag- isa lang ako sa kwarto ko, magdadahilan nalang ako kapag nagkataon.
Pumasok ako sa loob at nilapag ang bag ko, Solo ng mga student ang buong resort dahil pansamantalang sinarado muna to sa public. Nagpalit ako ng damit na mas komportable dahil nakajeans ako at nakasapatos,
Ayon sa sinabi ng mga professors namin ay bukas pa magsisimula ang mga activity namin ngayong araw hinahayaan muna ang mga student na maglibot libot,
Mula sa balkonahe ng kwarto ko ay kitang kita ang napakagandang view ng dagat, Karamihan sa school mates ko ay naliligo.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong pumunta sa restaurant, may sariling restaurant sa loob ng resort kaya hindi na kailangan lumabas pa.
BINABASA MO ANG
The Love Within
Teen FictionFailure Sinungaling Manloloko Hindi mapagkakatiwalaan Baon sa utang Walang kwentang anak. That's how they Describe me, This is the way i live my life, Kung mayaman lang sana ako kung marami lang akong pera hindi ko maeexperinced ang lahat ng to. I'm...