Chapter 13
Casual
Felicia's Point of View
"Parang may kamukha ka, princess Aurora," narinig kong sabi ni Adelaide na ikinangiwi ko naman.
Nandirito kami sa kuta ng mandirigmang nakakita sa 'min noong nakaraan, sila pala ang tagapag-alaga ng Diyos na si Knight, the God of Fire, and the Sun. Ilang araw na rin kaming nandirito at alam kong nag-aalala na sila dahil ilang araw na akong nawawala. Iniisip siguro nila na umalis ako ng hindi nagpapaalam, at sigurado ako, pagbalik ko ay sermon ang makukuha ko sa kanila!
I sighed.
"Guess who? Queen of Nirvana—Iridessa?" Napahalakhak sila sa sinabi ko na ikinailing ko naman. "Para kayong tanga, wala na ba kayong mapagtripan?"
"Ganiyan ka lang, eh. Hindi ka nagsasabi, ah, sorcerer ka rin pala—"
"Kailan ko nga lang nalaman, eh, 'wag nga kayo!" pagputol ko sa babaeng kirida, sino pa ba, si Samantha. Si gaga, nilandi 'yong guwapong guard nila dito, eh malandi rin, pinatulan!
"Ikaw rin naman, parang may kamukha ka rin, eh!" Napataas ang kilay ko kay Aurora.
Sino naman?
Wala akong kamukha, ako lang ang maganda!
"Si Queen Astrid ng Arcadia, magkamukhang-magkamukha kayo. I promise, hindi ako nagsisinungaling. Napakabait niya, inaadmire ko siya!" Namamanghang sabi niya na ikinatigil ko naman.
Okay, dalawa kaming maganda. Kaming dalawa lang.
"Alam mo ba, magkaibigan sila ng Mommy ko or should I say the princess of Nirvana—Iridessa. Napakaganda niya, alam mo kapag tinititigan ko siya, napapasabi na lang ako na sana anak niya rin ako." Napataas ang isang kilay ko.
Napadako ang atensyon ko sa isang lalaki na dahilan kung bakit hindi kami maka-alis dito. Simula noong nakaraan ay ganiyan na 'yan, hindi nagsasalita, palaging nakatulala, at parang napakalalim ng iniisip niya, parang dagat. Siyempre, dahil kasama namin siya, hindi namin siya puwedeng iwanan na lang dito.
Sayang, guwapo pa naman siya!
"Ano, mabubuhay pa ba 'yan ng matagal?" Tanong ni Ashiana na kanina pa tahimik sa gedli, nakikitawa naman siya, nagbabasa lang kasi.
"Kaibigan mo ba siya, Gabriel?" Tanong ni Raquelle na ikinatingin ko sa lalaki, nakatingin ito sa akin. Umiling lang naman ito.
Bakit niya ba ako tinitingnan? Oo, alam kong maganda ako, pero hindi naman niya kailangang ipahalata 'yon! Sabihin ko na, ah, hindi ko siya type!
"Anak ka ba ni Queen Astrid?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon, napatingin silang lahat sa akin dahil doon. "Alam kong makapangyarihan ka, nararamdaman kita," nagsalubong ang dalawang kilay ko.
"Hindi, ah," ngumisi ako.
"You don't have to lie. Tayo-tayo lang naman ang nandito," sabi niya at umirap sa akin. Suplado rin ang isang 'to, eh! Tuldok at nang mapiga ko ang isang 'to!
Napatikhim si Raquelle at tiningnan ako pagkatapos ay tiningnan niya si Gabriel, pakiramdam ko there is something with them.
"Oh, my God, totoo ba 'yon?" Tanong nila Samantha sa akin.
BINABASA MO ANG
Sunridge Academy: The Vanished Princess
FantasyFelicia Isabela Saldivar. ××× Started in 2021 Started: April 22, 2024 Ended: