Chapter 14
Witches
Felicia's Point Of View
"Gusto niyo bang sumama sa aking mag-enroll sa Sunridge?" Napatingin kami kay Adelaide nang magsalita ito. Nandito kami sa kuwarto niya. "Dito na ako mag-aaral." Dugsong niya pa.
"Ikaw, Felicia?" I sighed, napasandal na lang ako sa wall ng kuwarto niya. Gusto kong makita ang sinasabi niyang eskwelahan, doon kasi nag-aaral sila Kuya, doon rin ako mag-aaral, I know that! I'm pretty confident.
"Hindi muna tayo makakalabas," malamig na sabi ni Gabriel na ikinalingon namin sa kaniya. "I smell something unusual outside the gate." Napatayo naman sila Ashiana, nilapitan siya ni Raquelle. Concerned citizen lang 'yan, 'wag kayong OA. "There are creatures I can't identify."
"What are those?" Can't identify nga 'di ba? Hindi ba maka-intindi ang isang 'to ng English? Kinurot ko si Adelaide. Kung puwede lang, baka sa singit ko 'to kinurot eh!
"Can't identify nga 'di ba, magtatanong ka kung ano sila. Tanga ka ba?" Napatawa naman sila sa sinabi ko. Napakamot naman ito sa ulo.
Kaagad na dinukot ni Gabriel ang staff na nakalapag sa kama. Kung hindi niyo pa alam, isa siyang salamangkero. Kinuha naman ni Ashiana ang sibat nito. "Parang mababalan tayo, eh," sabi ng babae na ikinatawa namin.
"Kaya mo ba, Janria?" Tiningnan ako ni Raquelle. Parang ayaw ko pang sanayin ang sarili kong matawag na Janria. Tumango naman ako sa kaniya. Ano bang akala niya sa akin? Kaya ko naman ang sarili ko, baka nakakalimutan niya what I did noong dinukot kami sa Perilous? Napailing ako.
"Kaya ko ang sarili ko, don't worry." Naglabas ako ng isang pana, made in China. Joke, made in water. Tinuruan kasi ako ni Samantha kung paano kontrolin ang tubig. Dalawa pa lang sa ngayon ang kaya kong palabasin. Sabi ko na nga ba at makapangyarihan talaga ako!
"Na-ta-takot ako..." Nahihirang sabi ni Kaizer kaya napatingin kami sa kaniya.
And yes, finally nakakapagsalita na ulit siya. Akala ko nga, mapipipi na siya forever eh. Ilang araw rin kaming naghintay sa recovery niya. Sabi ni Zaraya, baka traumatized kaya nagkaganoon, tama naman siya. Nabanggit niya kasi sa 'min na phobia niya raw ang snakes.
"Okay lang, Kaizer, kami na ang bahala kung hindi mo pa kaya." Sabi ni Ashiana. Tumango lang naman siya.
Si Adelaide ay isang Earth Sorcerer. Hindi nagsasabi ang gaga, anak pala siya ng kapatid ng Reyna ng Earth Kingdom! Nalaman na lang namin dahil sa picture na nakadisplay sa sala! Princess rin pala siya. Nakakatampo, ah!
Si Samantha ay isang Water Sorcerer, walang dugong bughaw pero isa ang pamilya nila ang pinakamayaman sa Atlantis. Si Ashiana naman ay isang Wind Sorcerer, grandfather raw niya ang isa sa council sa Nimbus, the palace of the Wind.
Si Raquelle ay isang Fire Sorcerer. Si Aurora na prinsesa ng Nirvana—Iridessa ay isa ring Fire Sorcerer, malamang sa malamang. Si Gabriel ay isang salamangkero, I don't know what he can do pero alam kong makapangyarihan rin ang isang ito! Anak naman siya ng kapatid ng King ng Atlantis.
Si Kaizer? We don't know what he can do. We do not have the ability to know his abilities, or his sorceries? Kaya, bahala na siya diyan. Kaya naman na niya sigurong protektahan ang sarili niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/262985298-288-k387075.jpg)
BINABASA MO ANG
Sunridge Academy: The Vanished Princess
FantasyFelicia Isabela Saldivar. ××× Started in 2021 Started: April 22, 2024 Ended: