Chapter 23
Sleepover
Felicia's Point of View
"Oh, Kuya, I'm sorry na," inabot ko sa kaniya ang pinamili kong chocolates for him, hindi niya kaagad kinuha 'yon. Tiningnan niya muna ako at nagtaas ng kilay.
"What is this for?" Tanong niya sa akin.
"Tsk. Para sa'yo, peace offering. Sabi ni Kuya, nagtatampo ka raw," inisnaban naman ako nito. "Ito naman, kung makapagtampo ka, akala mo talaga, eh, babae ka?"
"I'm your brother here, and not Kalister," napatawa ako nang tanggapin niya ang regalo ko. "Hindi pa tayo okay, ah, not until you fight me."
"Eh! Ayoko nga! Dapat nga, magtampo rin ako sa'yo kasi hindi mo ako pinuntahan sa clinic pagkatapos nang ranking!" Sabi ko sa kaniya. "Sabi ni Kuya, ayaw mo raw akong makita! Napakasama mo!"
I found him here sa rooftop ng dorm nila, sabi ni Sabrina, dito raw siya pumupunta everytime he's angry or something, alam na alam, eh, meaning he's really angry to me.
"Pinuntahan naman kita, naghatid ako ng prutas!" Sigaw niya sa akin na ikinangiwi ko. "You shocked me,"
"Parehas kayo ng sinabi ni Kuya Travis, manggagaya ka, ah," inirapan niya lang ako at hindi pinansin. "Copycat."
"You really shocked me, Felicia. I thought you wouldn't make it. I was scared and at the same time, I'm worried of you... I was blinded by the thought that what if those creatures will just kill you in a snapped?" mahinang sabi niya na eksakto na para marinig ko. Niyakap ko naman ito. "And then Kalister came to keep me calm. Didn't know you told him first,"
Napatawa ako. "I'm sorry na nga, eh,"
Naglabas ako ng water shuriken at tumakbo palayo sa kaniya, inihanda niya ang sarili niya at naglabas naman ng katana. Napangisi ako at pinaikot-ikot ang shuriken bago ipinatama sa kaniya, nadaplisan ito sa pisngi.
"Akala ko ba malakas ka?" Tanong ko sa kaniya. He glared at me, at napahawak sa pisngi niya na ngayon ay dumudugo. In a duel, I should not care about my opponent. Kahit pa raw kadugo ko 'yan.
"Nagsisimula pa lang tayo, Felicia. Nag-iipon pa ako ng enerhiya," nakangising sabi niya at saka sinugod ako, sinangga ko ang katana niya with my scythe. Itinulak niya ako at mabilis na sinipa sa tiyan dahilan para matumba ako.
I glared at him, I saw him grinned.
"Napipikon ka na yata?" Tanong niya sa akin at bahagyang napatawa. Tiningnan ko ang nangingining kong kamay, nagpalabas ako ng needles made from electricity.
"Ako, napipikon sa'yo? I'm not! Siguro ganiyan ka sa magiging asawa mo 'no?" the grinned in his face disappeared.
"What?" Nagtatakhang sabi niya.
Itinutok ko sa kaniya ang ginawa kong needles at saka siya pinatamaan. He immediately avoided them, gumawa ako ng knives made from water. Sinangga niya lang lahat 'yon nang walang kahirap-hirap with his katana.
I was stunned by the way he moves, but why would I be impressed when obviously, he's my enemy here?! Hindi dapat ako makitaan ng pagkamangha, dapat sa 'ming dalawa, ako lang ang magaling!
Now, it is his time to move. I must be ready. Gumawa ako ng espada, itinutok 'yon sa kaniya in case na sumugod na lang siya 'agad. Gumawa naman siya ng sibat. Tiningnan niya muna ako. Tumakbo ito palapit sa akin.
Napatigil na lang kaming dalawa nang may kumatok sa pinto. Pinaglaho ko ang weapon ko. Iniwasan ko si Kuya kaya ang ending, nadapa ito. "Isagani? Felicia? Nandiyan ba kayo, dinner na raw," kaboses 'yon ni Kirsten.
BINABASA MO ANG
Sunridge Academy: The Vanished Princess
FantasiFelicia Isabela Saldivar. ××× Started in 2021 Started: April 22, 2024 Ended: