Chapter 25
Wound
Felicia's Point of View
"Isn't the gateways are strong?" Tanong ko.
Katatapos lang ng klase namin sa Arts. Kasalukuyan naman kaming nandito sa cafeteria. Napasandal ako sa upuan ko at sumubo ng fries, mariin kong pinagmasdan ang ilang estudyante sa ground na siyang naglalaro.
Naglalaro rin sila Tristan, magkakasama sila nila Kuya. I'm not familiar with the sport, pero similar siya sa volleyball, paa nga lang ang ginagamit nila. Sepak Takraw yata ang pangalan noon, sabi nila. Napailing ako.
Napagawi ako sa puwesto ni Kalister, he is sitting on the right side of the ground kung saan siya hindi naaarawan, nagpupunas ito ng peys. Katabi niya si Julian sa left, sa right naman si Vaughn. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napaiwas sa kanila.
I sighed. Nabanggit ng titser namin kanina na magaling gumawa ng ilusyon ang kadiliman since tungkol naman doon ang pinag-aaralan namin. Sabi niya pa, isa ang ilusyon sa pinakadelikadong ability ng isang sorcerer.
Kahit na paano naman ay nakinig kami sa kaniya. Illusions possessed different capabilities such as manipulation and deception. It can create convincing images, voices and etcetera to deceive enemies. They can as well disguise themselves as someone or to feature the appearance of creatures, quite similar to shapeshifting.
"Yup, the crystal concealed in the creepiest sector of the academy is actually serving as the gateways, connected siya sa lahat ng kaharian na nakapalibot dito, kung mahina 'yon, there is a... I think 50% possibilities na makapasok ang kahit na sino rito." Sabi ni Sunniva at uminom sa kape niya.
"What if makapasok sila?" Tanong ko pang muli. This time, tiningnan niya na ako. Kumunot ang noo nito at saka ngumiti. Kumagat muna siya sa burger niya bago niya ako sagutin.
"They won't," umiling pa siya. "I'm pretty sure they're not strong enough to fight me," napatawa ako ng mahina at napatingin sa tahimik na Daphne. Nagulat ako nang tumingin ito sa akin, nagtaas ito ng kilay kaya inalis ko na lang ang atensyon sa kaniya.
"Why did you asked?" Tanong ni Sabrina at isinakbit ang nakakalat na buhok sa tenga niya. "Is something disturbing you?" Dugsong niya pa.
"Wala naman, natanong ko lang, but I think the gateways are not strong enough. Bakit hindi niyo doblehin ang seguridad?" Napaisip naman ito sa sinabi ko, napanguso ito. "Perhaps you're not aware enough that darkness can do an illusion. Puwede silang magbalat-kayo as someone na nandito na sa akademya para makapasok to do their thing?"
"Right." Si Kirsten at napatango-tango.
"What if to these days they have a plan to attack us pala?" Sabi ko. "And imagine kung anong mangyayari?" maraming puwedeng masaktan, knowing I'm not strong enough for it.
"I think we need to throw a party only for us to freshen the soul of everyone of us here," sabi ni Anastasia. "Ikaw naman, Felicia ko. Ate ko, baka malosyang ka!" Dugsong niya na ikinagulat ko. Napatawa silang lahat, including Daphne.
"Eh, nalosyang na nga, eh." Sabi niya kaya napasinghap ako.
"What the fuck are you two talking about?!" Napahawak ako sa peslak ko. "Excuse me, you called me what? Kung makapagsalita kayo, akala niyo naman nananalamin kayo." Nagtawanan silang lahat.
Napabusangot na lang ako at sumubo ng fries. They're not paying attention to what I've just said. Kampante talaga silang lahat na walang makakalapit sa akademya. Anyways, if you're wondering kung nasaan sila Adelaide, nakapila, bumibili pa.

BINABASA MO ANG
Sunridge Academy: The Vanished Princess
FantasyFelicia Isabela Saldivar. ××× Started in 2021 Started: April 22, 2024 Ended: