Chapter 02

472 123 18
                                    

Chapter 02

Shadow

Felicia's Point of View

Nakatayo ako sa veranda ng kuwarto ko. Pinapanood ko lang ang mga batang naglalaro sa kalsada. Weekend na naman kasi eh kaya pakalat-kalat sila. I sighed, nakalapag na 'yong Shopee ko, wala pa akong pambayad, napakatagal ba naman maglunes.

Napabusangot na lang at napasandal sa dinding ng veranda. "Felicia, pumasok ka na sa kuwarto mo!" Narinig kong sigaw ni Nani na nagdidilig sa garden niya kaya nakikita niya ako rito.

Tumango na lang ako para hindi na kami mag-away na dalawa, kapag isinumbong ako niyan sa Daddy ko, hindi naman ako mananalo at saka isa pa, baka sabihin niyang hindi ko na siya sinusunod. Dinampot ko ang cellphone ko sa lamesa at pumasok na ng kuwarto.

Nagahagip ng mata ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan nang akma sanang isasara ko na ang pinto sa veranda. Napakunot ang noo ko, nakasandal ito sa poste at parang may tinitingnan. Sandali nga, ako ba?

Napalunok ako. Wala na ba siyang ibang damit? Paano ba naman kasi, naka-all black ito, hindi ba mainit? Kung gusto niya, ipahiram ko sa kaniya 'yong ibang damit ni Daddy. Wala pa naman siya, kaya hindi niya malalaman.

Napangiwi ako. Bakit ko ba siya pinakikialaman eh gusto niya 'yan? I just shrugged. Pinagmasdan ko muna ito ng ilang saglit, eh kung may kailangan pala para matulungan 'di ba?

Napansin kong nanliit ang mata nito. Ako ba talaga ang tinitingnan niya? I mean, considering na maganda ako? Napanguso ako. Tumalikod na ito at naglakad palayo na parang walang nangyari.

Sinarado ko na nga ang veranda at nilock ang pinto ng kuwarto ko. Umupo ako sa study table ko para magawa ko na ang assignment ko. Nagtayuan ang balahibo ko.

“Don't yield to the temptation of darkness, regardless of the circumstances. Shadows are not just curiosities you have to solve, if not a slave of darkness, ready to devour you whole. Within the darkness of their eyes was fear, for they know you are strong. Yet, remember, deception dominates their personalities.”

Nagtatakha akong napalingon, dahil imposible namang magkamali ako, may nagsalita sa likod ko! It was a voice of a woman, at napaka-kalmado noon, walang katulad! Wala naman akong nakita kaya pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa.

Pagkatapos ay tumayo ako at pumasok ng CR para maligo sana at makatulog na ako. Hindi naman ako nagdidinner dahil diet ako, depende naman sa akin kung magutom ako.

Napatitig muna ako sa salamin. Napansin ko ang pag-iiba ng kulay ng mata ko na ikinatawa ko. Kulay asul na 'yon, napailing ako.

"Ugh, I hate this life!" Sigaw ko. I shook my head. Kung gustong makipaglaro sa akin ng utak ko, puwede bang next time na lang?

Wala naman akong ginagawa dito sa bahay pero parang pagod na pagod ako. I don't know, dahil siguro hindi ako kumain, maghapon. Napapikit ako at napahilamos sa peslak ko.

Inopen ko ang gripo at nagsimulang maghubad. Napakunot ang noo ko nang maramdam kong parang may pumasok sa CR. Excuse me? Nagsuot muli ako ng damit para tingnan kung sino 'yon. Walang susi si Nani sa kuwarto ko, at saka magsasabi naman siya.

Napasigaw ako nang malakas nang makaramdam ako ng parang masakit sa dibdib. Napatingin ako doon, nasusunog siya. "Shit, it wasn't me!" Narinig kong sigaw kaya natakot ako. Tumakbo ako palapit sa pinto but it won't open! Sinipa ko ang pinto.

Sunridge Academy: The Vanished PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon