SI LOLA
"Gumagalaw na naman yung upuan ni lola Cass", batid ni Stephen,kapatid ko.
Sabay ng pag galaw ng upuan ay biglang sumalpak ang malamig na hangin sa kwartong pinaglalaruan namin ng bahay-bahayan,ang dating kwarto ni lola.
" Aaahhh,mamaaaaaa",sigaw ni Stephen
"Mama nananakot na namn si lola huhuhu", sabay hikbi at yakap kay mama na agad naman siyang pinatahan.
"Hushh tahan kana okay? Di yan nananakot si lola,bumibisita lang" sambit ni mama kay Stephen.
Hay naku matatakutin talaga tong si Stephen.Pumunta ako sa kinaroroonan ni mama at yumakap din nang sabay sa kanila.Kada bumibisita si lola ay ganito nalng palagi yung mangyayari,minsan nga bilib ako kay Steph sa pinag gagawa niya.
Bumaba na sina mama at Steph sa sala at ako naman ay nagpa iwan sa kwarto ni Lola.
"HAHAHHAHAHA akala mo ba lola na makukuha mo ang hustisyang hinahangad mo?!" saad ko habang pinaglalaruan ang kutsilyong ginamit sa pag patay sa kanya.
"Bagay lang yan sa'yo,alam kong yan din ang ginawa mo nung walang awa mong pinatay si lolo", biglang lumakas yung tunog ng upuan ni lola.
Ako ay ngumisi at pinagmamasdan lamang ang nakakatakot na pag galaw ng upuan at pagsalpak ng hangin na tila'y gustong tumawag ng pansin at parang nagsisigaw ng hustisya.
" Bilib din ako kay Steph,pinahirapan ba naman si Lola bago patayin,tsk tsk!" -saad ko habang dahan dahang isinara yung pintuan sa kwarto ni lola.
Pagkababa ko sa sala ay sinalubong ako ng nakakadisturbong ngisi ni Steph at kinindatan ako sabay bigay ng sopas na luto ni mama.
WORK OF FICTION-Jane Manunulat
YOU ARE READING
LEFT UNHEARD
RandomThese were the whispers that were left unheard. For her voice were not so loud,so she whispered it and make a progress til anyone who seek it can find it. These will be the new book she bleeds in year 2021.