&&
Naranasan mo na bang tumingin sa salamin?
Naitanong sa sarili,mga pagsubok, kaya pa bang harapin?
Bakit parang 'di patas ang mundo?
Bakit sila'y ganyan,halos perpekto?
Sabi nila,lahat ng bagay ay may wakas
Pero bakit parating problemado,nasaan ang lakas?
Nakakapit,pinipigilan ang hampas
Nakatulala't minsay tumitingala sa itaas
Nakatitig sa mga matang lumuluha
Bakit gan'to ang buhay,puro pagpaparaya
Huwag! ang sagot ay hindi lubid!
Ineng,manalig ka,napakaganda ng paligid
Indahin ang sakit ng mapait na kapalaran
Bilog ang mundo,magwawakas din ang iyong kahinaan
Rosas,sa kabila ng kagandaha'y may tinik sa katawan
Gaya ng buhay,lahat ng maganda may napanalunang laban
Ineng,magtatapos rin ang mga gabi na puno ng hikbi
Isang araw,ang tagumpay ay 'di na maikukubli
Isibol mo ang iyong liwanag gaya ng bukangliwayway
Isang araw,na may ngiti,maisambit mo rin ang katagang "ito ang tagumpay"
"PAG ASA SA LOOB NG MGA TUGMA"
-Jane Manunulat
YOU ARE READING
LEFT UNHEARD
De TodoThese were the whispers that were left unheard. For her voice were not so loud,so she whispered it and make a progress til anyone who seek it can find it. These will be the new book she bleeds in year 2021.
