Deputy's POV
"Fuck you! You ruined my life! You bitch!" Ako pa talaga ang naninira sa buhay nya? Matapos nyang saktan ang estudyante ng University ko? Nagpapatawa ba sya?
"Binalaan na kita. May kinalaman ka man o wala sinaktan ng mga estudyante mo ang mga estudyante ko. Ano ngayon napala mo? Wala ka ng mukang ihaharap sa pinagmamalaki mong Academy" gusto kong tumawa ng makita ko ang muka nyang mataba na namumula sa galit. Mabuti na lang at sa oras na to may klase kaya kami lang ng Death Gang, Geremi, Annika at Kitty and nandito sa rear gate
"Lumabas ka ditong hayop ka! Lumabas ka dito! Dahil sayo sinibak ako sa pwesto ko! Nawala lahat ng ari arian ko at higit sa lahat itinakwil ako ng pamilya ko! Ano masaya ka na ba! Masaya ka bang nakasira ka ng buhay ng ibang tao!" Dahil sa sinabi nya ang nakakalokong ngiti ko at napalitan ng seryoso. Dahan dahan akong lumapit sa gate at kinuha ang baril ko sa likod ko, hindi pa nakikita ng Dean iyon dahil hindi ko pa inaalis yun sa likod ko.
"Deputy" babala ni Geremi pero sumigaw lang ako ng "shut the fuck up!"
"Alam mo tanda inabot ako ng madaling araw sa paghahanap pa ng ibang katarantaduhang ginawa mo and guess what? 100 files ang nakuha ko. Hindi lang yun may 3 files pa na galing sa black market, alam mo ba kung ano yun? Record ng human trafficking. Now ako naman ang magtatanong masaya ka bang nakasira ka ng buhay ng ibang tao?" Nakita ko ang gulat sa pagmumuka nya ng sabihin ko yun, marahan kong binuksan ang gate at lumabas sabay putok ng baril sa dalawang nakatago sa gilid. Buhay pa ba? No hindi na sa ulo ang tama para sure na walang takas.
Hindi ako tanga para hindi mapansin na gusto nila akong ambushin sa teritoryo ko.
"Anong pakiramdam ha tanda? Masaya ba?" Patuloy lang ako sa paglapit sa kanya habang sya naman ay atras lang ng atras. Dahil nga may lagnat ako at ayoko ng maglakad ay pinaputukan ko ang dalawang paa nya
"Aah!" Sige lang sumigaw ka lang!
"Luhod!" Sabi ko sabay baril sa tuhod nya.
"Papatay-" hindi pa man sya nakakatapos sa sasabihin nya ay isinubo ko sa kanya ang baril ko. Nagiging hobby ko na yata ito.
"Hmm ano nga ulit yun?" Hindi nya ako mapigilan dahil alam nya sa sarili nya na anytime kayang kaya kong paputukin ang ngala ngala nya.
"Kung nanahimik ka na lang sana hindi to mangyayari, tumakbo ka man sa kahit na sinong kakilala mo may pera man yan, may posisyon man yan, kayang kaya ko silang paikutin sa mga kamay ko, bakit? Deputy Hellia Darkford. Tandaan mo ang pangalan na hahabol sayo hanggang huling hinga mo. Ngayon kung ayaw mong mapaaga ang pagkawala ng buhay mo aalis ka sa lugar na to at hinding hindi mo ipapakita sakin ang mala baboy mong pagmumuka! Naiintindihan mo!?" Mabilis syang tumango kaya hinugot ko na ang baril ko sa bibig nya pero bago yung sinipa ko ang pagmumuka nya dahilan para mawalan sya ng malay
"Tss ang hina lang nun partida pa na may lagnat ako, weak" bulong ko sa sarili ko. Humarap ako kila Geremi pero sabay sabay silang nag si iwas ng tingin. Inabot ko lang sakanya ang baril ko at umalis na pero bago yun
"Itapon nyo yang Dean sa Dumpsite, yung dalawang patay sunugin nyo sa purgatory" may lagnat nga ako pero kaya kong indahin kapag ganito ang ginagawa ko, kapag nakaupo lang ako para akong mamamatay sa sakit ng ulo tss abnormal yata ako
Geremi's POV
Matapos naming matapos ang pinagawa ni Deputy ay nagmeeting kaming lahat sa SC office. Hindi na namin nasabi kay Deputy dahil sa totoo lang natatakot kami sa ikinikilos nya.
"Hindi ako nananaginip right? Lahat tayo nakita natin ang ginawa ni Deputy right?" No Stephanie, hindi ka nananaginip.
"Sabihin na kaya natin to kay Kuya Dylan?" Sabihin man natin o hindi Jaedan wala ring magagawa sila lolo
"Geremi what do you think?" Napatingin na lang ako sa tanong ni Zac, hindi ako makasagot, hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Guys!" Sigaw ni Ethan matapos siraan ang pinto.
"Nasa kalagitnaan kami ng meeting kuya! Bakit mo sinira ang pinto? Are you crazy" Pabalik na sigaw din ni Xyza
"Si Deputy nawalan ng malay habang paakyat sa second floor and I think nahulog sya sa hagdan dahil sa mga sugat nya sa katawan luckily hindi ganun kalala ang tama ng ulo nya, nasa clinic na sya ngayon ginagamot ni Nurse Joy" walang sali salita ay mabilis kaming pumunta sa clinic. Naabutan namin si Akito na pinupunasan ng bimpo ang noo ni Deputy
"Ang taas ng lagnat nya, wala man lang ba ni isa sa inyo ang nakapansin? Kahapon pa na masakit ang ulo nya hindi man lang ba kayo nagtaka kung bakit sya naka hoodie? Hindi man lang ba kayo nakaramdam na may kakaiba na dahil sa mga kilos nya? Kayo ang madalas na nakakakita at nakakasama nya hindi nyo man lang ba napansin? Ano bang pagbabantay ang ginagawa nyo sa kanya? Sa inyo sya ibinilin nila sir Dante, gampanan nyo naman ng maayos" Mahinahon pero seryosong sermon samin ni Sir Akito, wala kaming karapatang depensahan ang sarili namin dahil hindi man lang namin napansin na may masakit na pala sa kanya
"Tinawagan ko na si Dylan para sunduin ang kapatid nya, follow me in my office" nagkatinginan lang kaming lahat. Bago sumunod kay Sir Akito. Mahigpit akong napayukom dahil tama ang sinabi nya, hindi man lang namin magampanan ng maayos ang trabaho namin.
BINABASA MO ANG
Darkford University
Random"I will not enter that school Lolo!" "Yes you will Deputy, whether you like it or not!" Then everything went black ------------------ What if mapasok ka sa pinaka ayaw mong school which is pag mamay ari mo? Ang school na hindi ordinaryo sa loob nito...