Ethan's POV
Nakakapanibago ang DU. Mas lalo ito naging nakakatakot kahit na mas naging maayos ang pamamalakad ni Deputy dito. Friday ngayon at ibig sabihin Combat day. Wala na nga ang Death Day pero mamamatay ka naman kakaensayo kung saan mas pinalalakas nito ang kakayahan mo, physically, emotionally and mentally. Tama naman si Deputy, kailangan nila maghanda sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.
Kababalik lang namin galing underground pero isang Deputy na walang emosyon at walang bahid ng takot ang makikita mo sa kanya. Hindi namin alam ang nangyari pero nung tinanong namin si Geremi hindi din daw nya alam, masyado daw ilag sa lahat si Deputy nitong mga nakaraang araw.
“Darkford University is the number 1 University on the underground. Thanks to Deputy” sabi ng lolo ni Deputy sabay tungga ng basong may lamang alak. Nandito kaming lahat sa Office nya, we're celebrating except Deputy. Nandun sya sa rooftop, gaya nga ng sabi ko ilag sya sa lahat.
“Sir Dante kamusta na ho sa Underground?” Tanong ni Zac, ilang segundo ding natahimik si Sir Dante bago sumagot
“Walang oras na hindi sila nagpapalakas, nararamdaman ko na malapit ng dumating ang araw na kinatatakutan ng lahat, kaya sana hanggat maaari bantayan nyo ng mabuti ang apo ko. Makakaasa ba ako sa inyong lahat? Geremi? Death Gang? Ethan?”
Nagkatinginan kaming lahat bago tumango, nginitian lang kami ni Sir Dante at prente ng umayos ng upo para uminom ng alak
Deputy's POV
Ano kaya ang buhay ko kung buhay pa ang mga magulang ko? Ano kaya ang pakiramdam ng araw araw gigising ka at pag dilat mo sila ang unang makikita mo? Ano kaya ang pakiramdam ng may sila at ako na nagpipicnic sa paborito kong lugar?
“Sabi nila pag umiiyak ka ng nag iisa tumingala ka lang daw at mararamdaman mo na may yayakap sayo para maramdaman mo na hindi ka nag iisa” Mabilis kong pinunasan ang luha ko na tumutulo na pala at hinarap ang nagsalita, its Xyrine, Stephanie and Xyza
“What are you doing here?” Hindi nila ako pinansin, imbes na sagutin ang tanong ko naglatag sila ng carpet at masayang kumakanta kasabay nun ang sunod sunod na pagdating nila Zac, Jaedan, Zen, Geremi at Ethan na may kanya kanyang dalang lobo, cake, basket na may mga pagkain. I almost forgot that today is my birthday. Parang nag slow motion ang lahat, unti unting nanubig nanaman ang mga mata ko, isa isa ko silang tinignan na may mga ngiti sa labi, sabay sabay nilang itinuro ang ground, tinignan ko naman at sobrang nagulat ako sa nakita ko.
HAPPY BIRTHDAY
QUEEN DEPUTY!Isang napakalaking banner samahan pa ng lahat ng estudyante ng DU na sabay sabay akong binati. Naiiyak ako, sa sobrang saya. Sobra sobra na itong regalo para sakin. Ang makita silang masaya, ang makita silang nagkakaisa. Bakit hindi ko ito napansin kanina gayong sa ground lang ako nakatingin? Nakakatuwang isipin.
Tumuntong ako sa railings, binawal nila ako pero nginitian ko lang sila.
“BEST BIRTHDAY EVEEEEEEEEEEER!” sigaw ko at bumaba na na may napakalaking ngiti sa aking labi
Mabilis akong bumaba sa ground at mas lalong nagulat na may handaan din dito sa baba, umiiyak akong nakangiting nilapitan sila at parang batang nagsalita
“Thank you so much”
“Always welcome Queen”
----
“Waaaaah nabusog ako dun ah!” sabi ko at parang batang naupo sa damuhan, maraming natawa sa ginawa ko pero wala akong pake, nito lang ako nakaranas ng ganitong birthday, lagi kasi akong nagkukulong dahil ayoko ng ganito pero ngayon ewan ko ba, siguro dahil na rin sa halos 1 week akong ilag sa lahat. Masyado lang kasi akong nag focus para makuha ang number 1 spot and I did it, I got the spot.
“Mukang masaya ang apo ko ah”
“Lolo!”
Masaya akong tumayo at yinakap ko si lolo, matagal din nung huling nakita ko si lolo
“I'm so proud of you apo” niyakap ko lang si lolo dahil namiss ko sya ng sobra. Halos madaling araw na ring natapos ang birthday party ko mabuti na lamang at Friday yun. Maaga rin akong gumayak para puntahan ang dalawang taong importante sa buhay ko, matagal na din nung huli ko silang binisita, kamusta na kaya sila? nagtanong pa ko eh alam ko din naman ang sagot
“Deputy!” nilingon ko si Ethan na hingal na hingal na tumatakbo, nagtataka man ay hinintay ko itong makalapit sa akin
“Mall tayo treat daw nila”
“Ha?”
*beep*beep*
Mabilis kong tinignan ang mga sira ulo at napangiti na lang dahil mga walang preno kung magmaneho.
“Tara bilisan natin, sundan na natin sila hihintayin nila tayo sa gate” sabi ni Ethan at patakbo akong hinitak
“Seryoso ka ba? Alam mo ba kung gaano kalayo ang main gate ng DU!?”
Nakakaloko lang nya akong nginitian sabay sabing
“Try me”
BINABASA MO ANG
Darkford University
Random"I will not enter that school Lolo!" "Yes you will Deputy, whether you like it or not!" Then everything went black ------------------ What if mapasok ka sa pinaka ayaw mong school which is pag mamay ari mo? Ang school na hindi ordinaryo sa loob nito...