Geremi's POV
Isang araw na lang at Graduation na ng 4th year, syempre hindi lang sa 4th year ang inaayos namin kundi para na din sa iba pang year. Sa sobrang busy namin ay hindi pa ulit namin nakakausap ng matagal si Deputy. Kakausapin nya lang kami kapag may iuutos samin. Maging ang mga sugat namin sa buong katawan ay kumikirot pa rin.
Nandito kami ngayon sa gym at inaayos ang mga dapat na ayusin. Kahapon kahit rush ay natapos namin ang graduation pictorial ng 4th year para sa yearbook though wala silang picture ng kahit na anong school activities. Halos lahat sila ay masaya dahil 1st time in Darkford University history daw ang ganito. Totoo naman talaga kaya hindi namin sila masisisi sa pagiging masaya nila and besides hindi naman masama ang maging masaya.
"Doon yan sa stage and oh doon yan sa gilid pakilagay na din tong red curtain sa ceiling" rinig na rinig ko dito ang sigaw ni Kitty. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa ginawa nya. Wala naman kasi sa lugar ang pagseselos nya. hinayaan na lang namin dahil maging si Deputy ay pinabayaan na lang din ang nangyari. Nag usap yata sila ng masinsinan dahil nakita namin pag balik namin sa school ay syang labas ni Kitty sa clinic.
"Babe tapos ka na ba? Kain na tay- aray ko!" sa biglaang sulpot ni Zac ay naipukpok ko sa ulo nya ang matigas na folder na hawak ko. Hindi pa kami. Hindi ko din alam kung saan nya na pulot ang 'babe' na pinagsasasabi nya. Oo aminado ako na nahulog na ko sa isang to but it doesn't mean na sasagutin ko agad sya. May responsibilidad pa rin akong dapat unahin at okay lang naman yun sa kanya.
"Stop calling me that, kinikilabutan ako" sabi ko with my oh so cold expression pero alam mo ginawa ng mokong na to? Nginitian ay hinalikan lang ako sa noo sabay sabing "I know you Geremi, kahit sinasabi mo yan deep inside kinikilig ka na" oo pero never ko yung sasabihin sa kanya
"Bitawan mo muka ko! Ang panget mo lumayo ka!" Sabi ko saka ko sinuntok ang pinagmamalaki nyang muka sabay labas sa gym. Nakita ko naman sa di kalayuan si Deputy kausap si Kuya Dylan at sa di rin naman kalayuan si Sir Akito na nagtatago sa likod ng puno
"Anong ginagawa ni Sir Akito?" See? Hindi lang ako ang nakapansin kay Sir Akito maging si Zac napansin
"Obviously nakikinig kila Deputy, halika na nagugutom na ko siguradong lumalamon na rin ang iba sa cafeteria. Saka kailangan din nating paalalahanan ang ibang year na magdala ng personal stuff good for 2 days"
"Huh? Why?"
"Hindi ko alam sumusunod lang ako sa utos, now shut the fuck up kung ayaw mong isungalngal ko tong papel sa bibig mo"
Deputy's POV
"You want to rent the whole island? San ka naman nakakuha ng per-" bago pa nya matuloy ang sasabihin nya ay ipinakita ko na ang listahan sa kanya
"Para lang talaga sa 4th year ang plano ko but since may nakabunggo ako na ibang year na realize ko na maging sila ay kailangan mag relax, kung 4th year lang hindi buong isla ang rerentahan ko but since napakarami ng Darkford students yan ang naisip ko, nagtingin tingin ako sa online kung saang lugar ang may capacity na almost 1500 people ang kasya itong island ang nakita ko, transpo, foods, drinks, and everything they need, kasya sa pera na nasaakin, may sobra pa" matapos kong magpaliwanag ay ginulo nya ang buhok ko. Hinampas ko naman ang kamay nya pero tinawanan lang ako
"Seryosong usapan lang kailan ka huling natulog? Baka nakakalimutan mong kagagaling mo lang galing sa insidenteng muntik mo ng ikamatay?" Sabi na sesermonan na naman ako nito. Halos araw araw akong sinisermonan
"Hindi ako namatay yun ang importante, masyado naman yata kayo sa ginawa nyong parusa kila Geremi? Besides nakausap ko na si Kitty at naiintindihan ko yung nararamdaman nya though dahil dun nag kaaway sila. Oo sumama ang loob ko kasi pinagselosan nya ako kahit wala akong ginagawa pero ok lang naman ako at yun ang mahalaga" napapailing na lang sya dahil sa sinabi ko. Alam ko marami syang problema kaya tumingkad ako at kiniss sya sa labi ng mabilis and for the second time ginulo nya ang buhok ko and symempre hinampas ko ulit ang kamay nya
"Hindi na ako bata kuya" kita mo tong isang to parang timang tawa ng tawa
"Haha sige na aalis na ako, make sure na matulog ka ng maaga mamaya dahil maaga ang graduation ceremony bukas. Ok? Samin ka na muna matulog" Sabi nya bago umalis. Nginitian ko lang sya. Babalik na sana ako sa office ko ng mahagip ng paningin ko si Akito na nakatago sa likod ng puno. Kapag nakikita ko sya naaalala ko lang ang pag uusap namin tss at naiinis ako dahil hindi man lang nya ko hinayaang magpaliwanag. Teka bakit ako magpapaliwanag sa gunggong na yan? Kasalanan nya naman kung bakit iba ang pagkakaintindi nya!
Lalapitan ko na sana sya para sapakin ng lumapit si Ethan na bigla na lang akong niyakap. Hindi ko sya matadyakan dahil umiiyak sya. Nyare dito?
"T-teka lang bakit ka umiiyak?" Sa bigat nya ay napaupo ako sa sahig, ganun din naman ang ginawa nya at sumubsob pa sa leeg ko. Relax Deputy umiiyak ang tao wag mong barilin. Relax inhale exhale and then fake smile. Go girl
"Bibilang ako ng hanggang tatlo, kapag hindi mo sinabi kung bakit ka umiiyak papuputukan ko ng bala yang t*t* mo!" Bigla naman syang umayos ng upo. Tumayo naman ako saka pinagpagan ang damit ko. Tss ang sakit ng pwet ko sa pagkakasaldak bwisit
"Kasi naman huhuhu hindi nila ako binigyan ng cake" what? Yun na yun?
"Tumayo ka" utos ko
"Huh?" Anong ha ka dyang punyemas ka?
"One" nagsimula na kong magbilang. Mukang na gets naman nya kaya tumayo sya pero sorry na lang sya dahil pagkatayong pagkatayo nya sinipa ko ng pagkalakas lakas ang t*t* nya
"Serves you right"
BINABASA MO ANG
Darkford University
De Todo"I will not enter that school Lolo!" "Yes you will Deputy, whether you like it or not!" Then everything went black ------------------ What if mapasok ka sa pinaka ayaw mong school which is pag mamay ari mo? Ang school na hindi ordinaryo sa loob nito...