Deputy's POV
Puti, puro puti, patay na ba ko?
"Deputy" tawag ng isang hindi pamilyar na lalaki
"Sino ka?" Tanong ko
"Your father, ang laki mo na" nagulat ako sa sinabi nya pero binaliwala ko at tinitigan sya
"Are you really my father? Patay na ba ko?" Natawa lang sya sa naging reaksyon ko kaya napasimangot ako
"Haha yes I am really your father and hindi ka pa patay" hindi ko alam pero meron sa loob ko na bigla na lang nakaramdam ng sakit, sobrang sakit dahilan para umiyak ako
"Oh bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya na nakita mo na ako?" Hindi ako makapag salita, bakit? Bakit ko sya nakikita? Talaga bang hindi pa ko patay? Pero patay na si Daddy bakit ko pa sya nakikita?
"Marami pa kong gustong malaman tungkol sayo pero hindi pa ito ang oras mo bumalik ka na dun at linisin mo ang puso ng mommy mo na puno ng poot at sakit" itatanong ko na sana kung ani ang ibig nyang sabihin ng unti unti syang nawala sa paningin ko. Hinahabol ko pa rin sya habang umiiyak. Ano ang ibig nyang sabihin? Patay na si mommy di ba?
Sa pagmulat ko ng mata ko isang bala ang tumama sa tyan ko at wala sa isip na nabanggit ang isang salita kahit hirap na hirap na "M-mommy"
Crimson's POV
"Bakit mo sya binaril!?" Tinignan ko ang sumigaw. Nakita ko si Hanna na hinihingal na tumakbo palapit kay Deputy
"Ano bang ginagawa mo Hanna!? Umalis ka dyan papatayin ko yan!" Nakasigaw na sabi ko at lumapit sa kanya at pilit na hinihila sya paalis
"Umalis ka dito ayokong madamay ka! Pumasok ka na sa loob!" Sigaw ko pa rin pero parang wala syang naririnig padabog ko syang binitawan at hinarap ulit sila Dylan na ngayon ay nawala sa paningin ko dahil sa dami ba naman ng bantay ko dito anong panama nila
"Stupid! Akala mo ba talaga papatayin ni lolo ang sarili nyang apo!" Tumawa ako ng pagkalakas lakas ng lumabas si Dylan sa pinagtataguan nya habang nakatutok sakin ang baril na hawak nya. Kita ko rin sa muka nya ang pagod at sakit dahil na rin sa mga daplis at tama ng baril sa katawan nya.
"Ate please kahit ngayon lang makinig ka!" Niyakap nya ko saka ako tinignan ng nagmamakaawa. Ayoko ayoko! Ayoko!
Zen's POV
Bullshit! Nagkahiwa hiwalay pa kaming lahat. Matapos barilin ni Crimson si Deputy ay mabilis kaming pinaulanan ng bala ng mga bantay nya buti na lamang at mabilis kaming nakapasok sa maze at nagkanya kanyang takbo. Hindi namin iiwan ang isa't isa. Sadyang nahirapan lang kami sa sitwasyon. Sinilip ko sila Zac, hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sila di kalayuan, napatumba na rin nila ang ilang bantay. Unti unti naring humuhupa ang barilan. Naramdaman kong may papalapit saakin kaya tinutukan ko sila
"Easy lang Zen kami to. Kamusta ka wala ka bang sugat?" Tanong ni Jaedan habang paikang lumapit sakin. Kasunod nya sila Geremi na may kanya kanyang sugat sa iba't ibang parte ng katawan. Umiling ako at inalalayan sila Stephanie
"Dito muna kayo tutulungan ko sila Lolo" tumango kami kay Geremi saka nag pasya na sundan siya.
"Shit! Kung kelan naman talaga tinamaan ng lintik!" Mahinang mura ko at nagtago ulit. Madiin kong hinawakan ang kamay ko habang paulit ulit na nagmumura.
"I got your back Zen!" Tinanguan ko si Annika at sinundan si Geremi kaylangan nya ng back up
Geremi's POV
Bago ako makalapit kay lolo ay ilang tao pa ang napatay ko at nakakuha ng malalang tama. Hindi ko yun ininda dahil kaylangan ako ni lolo. Bago ko sya lapitan sinira ko muna yung stand ng baril na nakatutok kay lolo para hindi sya nito matamaan. Ganun din ang ginawa ko sa stand na nakatutok kila Kitty at Deputy
"Lolo gising lolo!" Mahina kong tinapik tapik ang pisngi nya hindi naman ako nabigo dahil nagising sya pero halata mo sa kanya ang panghihina
"Xyza, Xyrine ilayo nyo si lolo dito! Jaedan back up an mo sila! Tara Zen si Kitty naman!"
Mabilis nilang sinunod ang utos ko kaya mabilis rin naming napuntahan si Kitty. Walang kahirap hirap dahil tinulungan kami ni Zac. Ngayon si Deputy na lang.
"Zen ilabas mo si Kitty sundan mo na sila Jaedan" sabi ko, tinanguan naman nya ako. Nagkalat ang bangkay sa paligid. Dumura ako ng dugo dahil nalalasahan ko na sa bibig ko tss
"Are you okay?" Tanong ni Zac na inalalayan ako
"Yah" sabi ko habang walang emosyon na nakatingin kay Crimson na nasa harap lang ni Deputy.
Crimson's POV
Ayokong paniwalaan ang sinasabi nila ayoko! "Pero yun ang totoo ate! Yun ang totoo! Ilang beses ko ng sinabi sayo pero nakasara yang tenga mo para makinig sakin!" Sigaw ni Hanna na namumugto na ang mata
"Masakit man sakin aminin! Oo buhay si Hellia! Siya na gusto mong patayin ay anak mo, sya si Hellia! Maniwala ka man o hindi kaya namin nagawa yun dahil alam kong susundan pa rin kami ni Roger! Ang kalaban ni lolo na gustong ubusin ang Darkford! Para hindi ka madamay, para hindi nila makuha ng basta basta si Deputy ginawa namin yun! Ngayon sige! Patayin mo yang anak mo! Oras lang na hindi mo nagawa ako mismo papatay sayo!" Galit na sigaw ni Dylan habang may nakatutok pa rin na baril. Nanlalambot ang tuhod kong napaupo. Lahat ng pinlano ko sa tagal ng panahon nawala sa isang katotohanang nalaman ko
"Tama na! Tumigil na kayong lahat!" Sigaw ni Hanna sa mga bantay. Ako tong si tanga parang walang ibang naririnig parang napakatahimik ng paligid ko kahit meron naman, tinitigan ko lang ang a-anak ko habang buhat sya ni Dylan na nagmamadaling lumabas
"Ate please kahit ngayon lang ng mawala yang poot sa puso mo tanggapin mo na na mali ang paghihiganting naisip mo at matuwa tayo dahil buhay ang anak mo!" Niyuyugyog ni Hanna ang balikat ko pero ang paningin ko nasa papalayong Dylan habang buhat buhat si Deputy. Lahat ng sakit, lahat ng lungkot, lahat ng pangungulila, lahat ng pagod, lahat ng nararamdaman ko sabay sabay bumuhos sa akin
"A-anak ko ba talaga sya?" Wala sa isip kong tanong
"Oo ate sya si Hellia ang anak mo, buhay sya"
BINABASA MO ANG
Darkford University
Random"I will not enter that school Lolo!" "Yes you will Deputy, whether you like it or not!" Then everything went black ------------------ What if mapasok ka sa pinaka ayaw mong school which is pag mamay ari mo? Ang school na hindi ordinaryo sa loob nito...