Chapter 6

1.2K 37 1
                                    

Deputy's POV

Kanina pa ako pinatitinginan at pinagbubulungan ng mga kaklase ko sa room. Iniwanan na kasi ako ni Kitty dahil nasa higher section sya kasama si Geremi. Hindi ko naman alam kung bakit ganun sila makatingin sakin. Ok lang naman dahil hindi naman nakakabastos tingin nila.

“Darkford sya? So it means sya ang isa pang apo ni Sir Dante na sinasabi na makakapagpatigil sa nagyayari ngayon? Sana nga dahil habang tumatagal ay dumadami na ang nawawala at natatagpuan patay na estudyante dito” Makakapag patigil? What? Saan? 

“Siguro. Hindi natin alam. Hindi pa naman natin alam kakayahan nya eh”

Hindi ko na lang sila pinansin at nag focus sa quiz na hindi ko alam kung quiz ba talaga. Binigyan lang naman kami ng blangkong bond paper and mag drawing daw kami ng babae at lalaking nagkikiss. Namumula akong nagdrawing dahil naalala ko yung nerd na yun! Syete nakakainis talaga sya! Aaargh!

“Ok times up. Pwede ko bang makita ang gawa nyo? Ms. Darkford?”

Tumayo naman ako at inabot sa kanya yung ginawa ko. Pagbalik ko sa upuan ko dumukdok lang ako dahil namimiss ko na sila Jace. *sigh*

“Ikaw ba ang babaeng to Ms. Darkford?” napatayo ako agad sa tanong ni Sir Adam. Doon ko natitigan yung ginawa ko. Ako yun at ang nerd! mabilis akong umiling at umupo lang ulit. Shete kang nerd ka! Pagbabayaran mo talaga ang ginawa ko sakin!

Tumango tango lang si Sir Adam at kinuha na ang gawa ng iba. Mabilis namang natapos ang klase. Parang normal lang dahil Academics lang naman ang itinuturo. Inayos ko na ang gamit ko at nagpahuli ng lumabas. Tahimik lang ako habang naglalakad. Akala ko susunduin ako ni Kitty hindi naman pala.

“Deputy! Deputy! Deputy! Sandali lang”

Tinitigan ko lang ang tumawag sakin. Siya si Annika yung naghahanap sa mga babaeng nambugbog sakin. 

“Bakit?”

“Nahanap ko na sila, kaharap sila ngayon ni Geremi. Kung gusto mong makaganti uulitin ang Death Day next week dahil inutos ng Death Gang. Maaari ka ring makalipat sa higher section kapag napatay mo sila pero pag ikaw ang natalo mamamatay ka” sandali akong natulala dahil sa sinabi nya. Para bang gusto ko ng umalis sa University na to. I'm weak pero nagiging demonyo pag galit ako o pag nabastos. Sa sitwasyon ngayon hindi ako galit sa nambugbog sakin well inis lang pero hindi galit. Bakit kaylangan ko silang patayin? Bakit di na lang bugbugin? Hindi naman kasi ako sinanay sa pagpatay, sa self defense lang. Well aminin ko minsan basagulera ako. I mean madalas.

“Why would I do that Annika? Hindi ako mamamatay tao!” pabulong kong sigaw. Hinitak naman nya ako sa sulok ng corridor na walang masyadong taong dumadaan.

“That's the point Deputy! Pero kaylangan mong maging! Sa school na to pag nasa loob ka na ng arena dalawa lang ang pagpipilian mo. Ang mamatay o ang pumatay! Walang magagawa yang hindi ka ‘mamamatay tao’ line mo dahil makakapatay ka din naman kahit ayaw mo pa. Normal sila sa labas ng Arena. Simpleng bully lang sila. Pero once na pumasok sila sa Arena yang mga pabebe na yan! Sa isang iglap kayang kaya kang patayin. Hindi ito langit na eskwelahan tulad ng sabi ng iba. Para itong survival game na kaylangang protektahan mo ang buhay mo at ang arena ang battle ground at tayong mga estudyante ang player” Bumuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nya.

Inaamin ko, simula nung pumasok ako dito pakiramdam ko nakalubog na ang dalawang paa ko sa hukay na hinihintay na lang na ako mismo ang humiga sa kabaong na para sakin gaya nga ng sabi ko sa inyo noon.

“Naiintindihan ko Annika” nginitian lang nya ako saka umalis na. Hahabulin ko sana sya para tanungin kung meron syang kilala na nerd pero nawala agad sya tss. Kaasar naman.

Nagtanong tanong ako sa mga estudyante dito kung may kilala sila na nerd. Nung una nga hindi nila ako pinapansin pero nakukuha ko ng magustuhan ang pagiging brutal kaya sinasagot nila ang tanong ko. Mabuti na lang pala at nakikisaling pusa ako nun sa mga training ni kuya Dylan noon at mabuti na lang din nandyan sila Jace na naka sparing ko.

“W-walang nerd na nag aaral dito. Maniwala ka wala talaga” inosente ko naman syang binitiwan at nag umpisa ng maglakad. Kung walang nerd dito? Sino yung nerd na yun! Sang lupalop nanggaling yun!?

Zac's POV

“Zac tumawag si Geremi payag na daw sya na ulitin natin ang Death Day next week” tinanguan ko lang si Xyza habang pinag lalaruan ang alaga kong pusa na si cat. Ayoko ng mag isip ng pangalan nakakatamad. Kayo? Gusto nyong pangalanan si cat? Go. 

“Zac kaylan mo ba itatapon yang Itim na pusang yan na may abnormal na mata! Nakakagigil ha! Kinain nya yung burger ko!” masamang tinignan ko lang si Jaedan, hindi masama si cat no. Aba inirapan lang ako? Tss

“Mapapaaga ang punta natin sa D.U utos ni Sir Dante bantayan daw natin ang apo nya” biglang sabi ni Zen na bagong dating lang.

“Si Geremi? Di bale na kayo na lang” sabi ko at aalis na sana ng.

“Hindi si Geremi si Deputy, yung kababata mo?” Napatigil ako sandali at nagpatuloy na sa paglalakad habang bitbit si cat ng mag sink in sa utak ko.

“Deputy? Ano na kayang itsura ng isang baboy na katulad mo? *smirk* Stephanie! Xyrine! Zen! Jaedan! Xyza! Simula ngayon papasok na tayo araw araw sa D.U” nakangiting sabi ko habang nakatalikod at nakakabinging "What" ang narinig ko sa lima. Hindi ko na lang sila pinansin at derederetsong pumasok na sa kwarto ko para mag impake.

“Gosh Kuya Jaedan nababaliw na si Zac” Stephanie

“Hayaan nyo na kababata nya yun eh” Zen

“Xyza ipagluto mo ko dali” Jaedan

“Pota edi kaw mag isa! May kamay ka naman!” Xyza

“Tumahimik na nga kayo mag impake na tayo dahil ayoko pang maitsahan ng bomba!” Xyrine

Hindi ko pinansin ang lima dahil ang isip ko occupied dahil sa baboy kong kababata. Deputy. Kilala mo pa kaya ako?

Darkford UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon