Deputy's POV
Nakangiwi akong nandidiri sa nasa harapan ko ngayon. Imagine yung Darkford University nasa isang dumped site! Like what the eff! Kulang talaga ng tornilyo sa utak ang nagtayo ng University na to. At mas kinulang dahil inilipat pa saakin tong University nato!
"Hindi ka ba papasok anak?" tinitigan ko lang si Nay Meding at pilit na nginitian.
"Nay paano naman ako papasok eh isang dumped site yan! Seryoso ba kayo na dyan nyo ko pag aaralin!?" Napasigaw na ako pero nakangiwi pa rin ako.
"Who said that you will study there, Deputy!? Umihi lang si Mang Kaster at nataon na dito tayo huminto! At kaya ka naman pinapapasok ni Meding dahil aalis na tayo! Do you see a school in front of you!? Isn't there nothing! But if you want! Sige tototohanin nating yang naisip mo na dyan ka sa dumped site papasok!" ngek? Pahiya ako dun ah. Tss. Padabog akong pumasok kasunod si Nay Meding. Ano ba kasing alam ko never ko pa namang nakita ang University na yun.
Tahimik lang ako buong byahe. Hanggang ngayon namumula pa rin muka ko dahil sa kahihiyan. Nakakahiya! sorry naman kasi ano ba kasing malay ko!
Tumagal din ng apat na oras ang byahe at sa buong byahe na yun tahimik lang kaming lahat. Naglakad kami papasok sa gubat dahil hindi naman na pwedeng ipasok ang kotse. Sila Nay Meding ay naiwan dun kaya ang kasama ko ay si Lolo lang. I don't know pero parang may hindi sinasabi sakin si Lolo.
"We are here Deputy. Just a reminder....."
Tinanguan ko lang sya at sinundan ng tingin pabalik kung nasaan sila Nay Meding. huminga ako ng malalim bago pumasok sa gate na sira sira. Hindi ko hinusgahan yun dahil malay mo ginawa lang nilang ganun para walang outsider na magtangkang pumasok. Nadala na ko sa kahihiyan ko kanina sa dumped site no ayoko ng maulit.
Habang naglalakad ako pakiramdam ko lumalamig? Hindi ko na lang pinansin hanggang sa makarating ako sa totoong gate ng University na to. omo ang ganda nya, bloody red and kulay ng Gate na may logo ng D.U which is uwak? Ang weird pero ang ganda ng pagkakagawa.
Kumatok ako at pinagbuksan naman ako. Oo kumatok talaga ako mukang automatic kasi yung gate. Pagkabukas ng gate pumasok ako sa loob at nakaramdam ng kakaiba.
"Looks like there is a reason to buy my casket in the near future" Mahina kong bigkas at sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman na isang maling galaw ko lang mamamatay ako.
•••
Napadaing ako sa sakit ng katawan ko ng bumangon ako. Pinilit kong kinuha ang cellphone ko sa study table para tawagan si Nay Meding. Ayoko ng alalahanin kung bakit nasa ganito akong kalagayan pero sige ikukuwento ko
Flashback
"Looks like there is a reason to buy my casket in the near future" Mahina kong bigkas at sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman na isang maling galaw ko lang mamamatay ako.
Humugot muna ako ng lakas ng loob bago magsimulang maglakad ulit, hindi ko pa man din natatanaw ang University may pitong kababaihan na ang humarang saakin.
"Who are you?" Tanong ko sa kanila. Patuloy pa rin sila sa paglapit habang may kanya kanya silang bitbit na baseball bat, latigo, four years, dos por dos, at arnis. Aalis na lang sana ako dahil mababasa ko sa mata nila ang kamatayan pero bago pa man din yun hinampas na ko ng isa ng dos por dos sa binti kaya napaluhod ako. Tatayo na sana ako para umalis dahil ayoko ng away. Saka na kapag nakapagpahinga na ko. Pero hindi talaga nila ako nilubayan hangga't nakakatayo pa ako.
Hinampas nila ng hinampas ng dos por dos at baseball bat ang hita ko at binti ko. Samantalang sinikmuraan ako ng isang babaeng may four years. Hinataw ng latigo ang likod ko. Pasalamat na lamang ako't medyo makapal ang jacket ko. Daing lang ako ng daing. Ayokong sumigaw. Ayoko.
"Wala ka bang balak lumaban man lang!" G1
"Fuck ang boring mong kalaro!" G3
"Guys sila Geremi papunta dito!" G2
"Shit tara na!" Silang lahat.
Bagsak na ako ng iwan nila ako.
Putok ang gilid ng labi. Puno ng pasa. Ang hita at binti ko. Suka rin ako ng suka. Ang likod ko sobrang hapdi.
Pikit mata akong sumusuka. Nalasahan ko rin ang sarili kong dugo. Pinahid ko ang munting luha na tumakas mula sa mga mata ko at inalala ang kuya Dylan ko na hindi na nagpakita saakin simula nung nag 15 ako. Ngayon 20 na ako. Limang taon na rin pala.
Nakarinig ako ng mga boses, hindi ko na yun maintindihan. Pilit akong bumangon pero huli na ng maramdaman kong parang lumulutang ako and everything went black.
End of Flashback
Nang sagutin ni Nay Meding ang tawag ko hindi ko alam pero doon na bumuhos ang luha ko
"Anak?Deputy? Dyuskong bata ka bakit ka umiiyak?"
Napangiti ako ng marinig ko ang boses nya. Namiss ko agad ang nanay ko.
"Wala to nay. Kantahan mo naman ako"
Natawa sya sa paglalambing ko pero alam kong pilit dahil alam ko na nag aalala ito sakin. Nagsimula syang helehin ako hanggang sa makatulog ako, bago yun naalala ko ang sinabi ni Lolo.
"We are here Deputy. Just a reminder don't trust anyone. Be strong. Don't depend on others. Show everyone who to fear, do your best to survive."
BINABASA MO ANG
Darkford University
Casuale"I will not enter that school Lolo!" "Yes you will Deputy, whether you like it or not!" Then everything went black ------------------ What if mapasok ka sa pinaka ayaw mong school which is pag mamay ari mo? Ang school na hindi ordinaryo sa loob nito...