Chapter 7

1.1K 42 0
                                    

Deputy's POV

Nandito ako sa rooftop, palihim kasi akong tumakas sa dorm ni Geremi. Nag iisip - isip lang sa mga nangyayari. Gabi na rin at napakapayapa ng University, hindi mo aakalain na ang University na to ay pinamumugaran ng mga ganoong tao; gangster etc.

Yung mga sinasabi nila saakin na ako ang makakapagpatigil hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung alin ang pipigilan ko, hanggang ngayon nalilito pa rin ako, hanggang ngayon marami pa ring tanong ang hindi pa nasasagot. Hindi ko naman ma contact si lolo para itanong yung sinabi ni Geremi saakin nun at ang mga naririnig ko. Siguro hihintayin ko na lang na si lolo mismo ang magsabi sakin.

“Hi miss balita ko hinahanap mo daw ako? *smirk*”

I know that voice! Ang bwisit na nerd! Kumukulo ang dugo ko sa kanya aaaargh! Hinarap ko sya at tinignan ng walang ekspresyon. Hanggang ngayon ganun pa rin ang itsura niya, hindi nagbabago. Makapal na salamin, messy hair, still in baduy outfit pero kung titignan mo di sya pangit pero nakakainis sya!

“Oo dahil pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin!” sinigawan ko sya susugod na sana ako ng tumunog ang bell hudyat na 10 pm na ng gabi. Shit! Ang curfew! Bakit ba nakalimutan ko ang tungkol dun!

Bago ako umalis “Magkikita pa tayo nerd at sisiguraduhin kong babalian kita ng buto!” Hindi ko na sya hinintay sumagot dahil naalala ko ang sinabi ni Geremi about sa curfew at pag naabutan ka ng Death Gang magsimula ka ng maghukay ng libingan mo. Para akong ninja dito na nakapakat sa pader, palingon lingon sa bawat daan dahil baka makita ako ng D.G (Death Gang). Mahal ko pa buhay ko no. Nang makasigurado ako na walang tao ay mabilis akong tumakbo pero mali pala na ginawa ko yun dahil may mga humahabol na saakin. Waaaaaah saan sila galing? huhu

“Hoy babae bumalik ka dito!” waaaah ang lapit na nila sakin shete. paliko liko ako, bahala na kung saan mapunta. takbo lang ako ng takbo siguro 15 minutes na akong tumatakbo, mukang hindi na nila ako hinahabol, wala ng sumisigaw eh.

Huminto ako para magpahinga, hingal na hingal na ako ng “Move and you're dead” nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makaramdam ako ng matulis na bagay na nakatutok sa likod at leeg ko. Shit! 

“Pwew ang bilis mo ah” wala akong tinitignan ni isa sa kanilang anim, kahit wala akong alam kung ano ang itsura ng Death Gang ay alam kong sila itong nasa harapan ko ngayon. Unti unti akong nakaramdam ng hapdi kung saan nakatutok ang kutsilyo. Napapadaing ako dahil nag aalala ako na bumaon ng malalim sa leeg ko yung kutsilyo. Hindi na ako gaanong nasaktan dahil nasanay na siguro ang katawan ko sa bugbog na inabot ko nung pagkapasok ko pa lang dito.

“Tell me aware ka ba na may curfew dito?” tanong ng babae, remember di ko sila tinitignan. Tumango ako hanggang sa palalim na ng palalim ang kutsilyo sa leeg at likod ko. Seryoso? Tutuluyan ba nila ako? Please ayoko muna. Huwag muna ngayon mahal ko pa buhay ko huhu. I can’t fight back dahil baka pag ginawa ko yun mas mapapaaga buhay ko.

“What the fuck are you doing?” malamig na boses ang nagpatahimik sa kanila. Malamig na boses na alam ko kung kanino.

“Geremi!” sabay sabay nilay sabi and guess what? Naglaban sila? No! Nagyakapan sila! Like what the eff mamamatay na po ako dito! Sagana na po ang dugong lumalabas sa likod at leeg ko! Parang awa nyo na pansinin nyo kami ng kung sino mang lalaki na to!

Hindi ako makapagsalita dahil nahihirapan na din akong huminga. Hindi na din ako makatayo ng maayos kaya bumagsak na ako dun palang ako napansin nila Geremi na ngayon ay nanlalaking matang nakatingin sakin.

“Shit!” Geremi na mabilis lumapit sakin. Hindi ko na sila maintindihan dahil hinihila na ko ng kadiliman.

Zac’s POV

Kakarating lang namin sa D.U sakto sa curfew ng may makita akong babae na patakbong bumaba galing sa rooftop. Sinenyasan ko ang mga kasama ko na tumahimik muna, nagtaka man ay sinunod lang nila ako. Hmm transfer siguro ang isang to. Pero mali sya na nagpaabot sya ng curfew. Sinusundan lang namin ang babaeng to ng bigla na lang itong tumakbo kaya hinabol namin sya.

“Hoy babae bumalik ka dito!” sigaw ni Zen habang na parang baklang tumatakbo tss. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa nawala sa paningin namin ang babae pero mali siya ng tinakbuhan dahil alam namin ang mga maaaring pagtaguan ng kung sino man sa University na to hanggang sa nakita ko sya sa locker area na hingal na hingal *smirk* akala mo ba matatakasan mo ko tss

“Move and you're dead” malamig na sabi ko. Naramdaman ko naman agad na nanigas sya sa kinatatayuan nya kaya inambahan ko sya ng saksak sa leeg at sa likod nya na dahan dahan kong idinidiin. Napansin ko naman na nakayuko lang ang babaeng to ano to? Pipi?

“Pwew ang bilis mo ah” sabi ni Jaedan na hinihingal na rin. Mas idiniin ko pa ang kutsilyo. Daing lang sya ng daing sa sakit na dulot nityo

“Tell me aware ka ba na may curfew dito?” Xyrine said habang nakapamewang. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ni Zen sa babaeng maarte na to unlike Xyza

“What the fuck are you doing?” tss that's Geremi. I really hate her. If I know may gusto sakin to

“Geremi!” silang lima pero focus parin ako sa babaeng to na bumagsak na kaya binitawan ko na

“Shit!” sabi ni Geremi at mabilis na binuhat yung babae pero this time ako ang nanigas sa mga salitang binitawan nya bago umalis.

“This girl is Deputy Darkford. Goodluck sa ibibigay na parusa sa inyo ni lolo”

Shit! Ano bang nagawa ko!? Deputy I’m so sorry

“What the fuck si Deputy yun? Shit lagot tayo kay Sir Dante!!” Stephanie

Damn you Geremi Reyes! Damn you! Aaaargh!

Darkford UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon