Prologue

1.4K 13 2
                                    

"If I would be given another chance to love, I'll still choose to be with you."

Yan ang mga salitang binitawan ni Kristian sa kanyang sarili nang tuluyan siyang magdesisyon kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay pag-ibig. Isa sa mga pinagsisisihan niya ang araw na nagdesisyon siya nang mag-isa para lang sa sarili niya. Hindi niya lubos akalain na sa pagiging makasarili niya, nasaktan niya ang babaeng pinakamamahal niya, si Janine.

Akala niya, wala na siyang nararamdaman sa dalaga. Ngunit nang makita niya ulit ito ilang buwan makalipas ang kanilang paghihiwalay, mararamdaman niyang siya pa rin pala ang babaeng itinitibok ng kanyang puso. Ngunit hindi na siya nito naaalala.

Magagawan ba ng paraan ng pagiging isang neurologist niya ang pagbabalik sa alaala ng babaeng pinakamamahal niya? O tuluyan na siyang mabubura sa alaala ng dalaga?

My Dear Dr. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon