Pagmulat ng mata, ay unti-unting lumilinaw ang malabong paningin ni Janine. Inaaninag niya ang liwanag na dala ng ilaw sa lugar na iyon. Wala siyang marinig kundi ang nakakabinging katahimikan na bumabalot sa kanyang kinalalagyan. Habang unti-unting nagigising ang kanyang diwa, nakarinig siya ng isang pamilyar na boses.
“Anak, kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ng ina.
“Ma—ma? Ma, nasan si Kristian? Ano pong nangyari?”
“Janine, bumangga ang kotseng sinasakyan niyo ni Kristian,” naging malungkot ang tinig ng ina.
“Nasan po siya, ma?” maluha-luhang sabi ng dalaga.
“Nandoon siya sa kabilang kwarto,”
“Mama, kinakabahan ako. Anong nangyari sa kanya?”
“Janine, anak, magpahinga ka nalang muna, magiging ok rin ang lagay ni Kristian,” sambit ng ama.
“Pa, hindi ako mapapalagay, kailangan ko siyang makita, samahan niyo po ako sa kwarto niya,”
“Pero hindi ka pa magaling, iha,”
Nagpumiglas si Janine at tinatangkang alisin ang swerong nakaturok sa kanyang kamay para makita kung ano ang kalagayan ng binata. Dahil sa matinding pag-aalala, kinalma ng mag-asawa ang dalaga at sinamahan sa kwarto ni Kristian. Una niyang nakita ang ina nitong may hawak na rosary habang hawak ang kamay ng anak. Balot ng mga gasa ang katawan ng binata at sa nakitang sitwasyon ni Janine, napalapit siyang bigla dito.
Hinawakan niya ang kamay ni Kristian.
“Tita—”
“Janine, iha, tulungan mo akong magdasal, halika,”
Namutawi sa kanyang mga mata ang magkahalong lungkot at awa sa nakitang sitwasyon ng lalaking mahal niya.
“Sabi ng doktor, masyado raw maraming dugo ang nawala sa kanya. Hindi ko kayang makita ang sarili kong anak sa ganitong klaseng sitwasyon. Kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya,”
“Malakas po si Kristian. Naaalala ko noong ako ang nasa kalagayan niya, naging mabuti siyang doktor. Hindi ko akalain tita, na magkakaron ako ng personal doctor na kasing bait ng anak niyo. Hindi niya ako pinabayaan noon, kaya alam ko pong hindi rin siya pababayaan ng Diyos kapalit ng kabutihang ginawa niya,”
“Maswerte sayo ang anak ko, Janine. Hindi ko man laging nasasabi sayo, noon pa man bago pa man kayo maghiwalay, gusto kita para sa kanya. Hindi ka naging hadlang sa pag-abot niya ng mga pangarap niya, at nagpapasalamat ako sayo dahil tinulungan mo ang anak ko na marating kung ano man ang meron siya ngayon,”
“Tanggap ko na po, kung anong di magandang nangyari noon sa dati naming relasyon, iiwan ko nalang poi yon sa nakaraan. Mas importante sakin ngayon kung ano yung nasimulan naming, tita. Ayoko na pong maalala na nasaktan niya ako noon, dahil mas gusto kong maalala kung gaano siya kabuting tao,”
BINABASA MO ANG
My Dear Dr. Love
RomansaHow can you tell the person you love that you still love her if she doesn't remember you anymore? I DON'T GIVE AWAY SOFT COPIES AS MY STORIES ARE COPYRIGHTED.