Chapter 3

362 5 0
                                    

Alas dose na ng hatinggabi at naghihintay pa rin ang mama ni Janine sa kanya. Ibang kaba ang nararamdaman niya dahil hindi naman inaabot ng ganitong oras ang dalaga sa labas ng bahay dahil malapit lang naman ang klinika sa kanila. Isang byahe lang ng tricycle ay makakarating ito agad. Sunod-sunod pa rin ang pintig ng kanyang puso sa pag-aalala sa anak. Kung anu-ano na rin ang pumapasok sa kanyang utak nab aka may nangyaring masama dito. She was tensed. Hindi siya makatulog sa kabang nararamdaman niya. Siya rin namang hindi mapakali ang ama ng dalaga. Balisang-balisa silang pareho. Unica Hija nila si Janine kaya naman ganito katindi ang pag-aalala nila sa dalaga.

            Alam ng mama niya na dinaramdam pa rin ni Janine ang paghihiwalay nila ni Kristian. At natatandaan niya na bago siya umalis ng bahay ay binilinan pa niya ito. Hindi niya kayang nahihirapan ang anak kaya naman bawat araw bago siya umalis ng bahay ay pinapaalalahanan niya ito. Dahil nag-iisang anak si Janine ay talaga namang alagang-alaga siya ng mag-asawa, at naging spoiled rin ito sa kanila.

            “Papa, kinakabahan na talaga ako eh. Hindi siya tumawag man lang,”

            “Ako rin naman. Pareho tayo ng nararamdaman. Anak natin si Janine, at nag-iisa pa. Ayoko rin na may masamang mangyari sa kanya. Pero para hindi tayo kabahan, isipin na lang natin na baka kasama niya ang mga kaibigan niya. Nasasaktan pa rin si Janine sa nangyari sa kanila ni Kristian, kaya baka gusto niyang magliwaliw. Maging positive na lang tayo at magdasal na walang nagyaring masama sa kanya,” niyakap niya ang asawa.

            “Iba talaga yung kaba ko eh. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito,” umupo siya saglit sa sofa at pinilit niyang isipin na walang nangyaring masama sa anak niya.

PINALIBUTAN ng mga tao at ambulansya ang pinangyarihan ng aksidente. Basag at wasak na wasak ang harapan ng taxi ngunit pareho namang nakaligtas ang driver at si Janine. Agad naman silang isinugod sa pinakamalapit na ospital. Sa pag-iimbestiga na ginawa ng pulisya, nabangga ang taxi ng isang rumaragasang van na may sakay na mga kabataang tila galing sa inuman. Lasing ang driver at hindi ito nakapag-preno.

Diniretso sa emergency room ang dalawang biktima. Nagtamo ng matinding sugat sa kaliwang braso ang driver ng taxi dahil na rin sa salaming nabasag. Kitang-kita sa mga nurse sa emergency room ang tension nang makita nilang duguan ang mga biktima. Mabuti na lang ay hindi masyadong napuruhan ang dalawa. Binendahan na ng doktor ang driver ng taxi. May malay na ito nang dumating sa ospital, ngunit nananatiling walang mala yang dalaga. Pagkaraang linisin ng mga nurse sa emergency room ang mga sugat at dugong nagkalat sa buong katawan ng mga biktima ay binigyan sila ng mga sariling kwarto para makapagpahinga.

            “Hindi ko na ho kailangang magtagal pa rito sa ospital, dok. Hinihintay ako ng asawa ko sa amin. Uuwi na ho ako,” sabi ng driver ng taxi.

            “Tatawagan na lang po naming yung asawa niyo. Hindi pa po magaling yung sugat niyo eh. Pwede na ho kayong umuwi kinabukasan, magpahinga na muna ho kayo, kami na pong bahala sa kasama niyo,” sagot ng doktor.

            “Salamat po, dok. Malaki ang utang na loob ko sa inyo, nailigtas niyo ako,”

            “Wala po yun, sir. Trabaho namin yun,”

            Wala pa ring malay si Janine. Hindi pa ito naaaninag ng doktor dahil ibang doktor ang umasikaso dito. Just to make sure that she’s safe, pinuntahan niya ito sa kwarto. He saw that face, that angelic face, that familiar face. He knows her. She was his ex-girlfriend.

            Sa pag-aalala, agad na tumawag si Kristian sa bahay nila Janine. Alam niyang nag-iisang anak lang ito kaya walang makakapagbalita ng nangyari. Ayaw niyang kabahan ang mag-asawa ngunit kailangan niyang ipaalam sa mga ito ang nangyari. He couldn’t stand seeing her like that. Nabigla siya sa katotohanang ang babaeng nakahiga sa kamang iyon, ang babaeng duguan nang dalhin sa emergency room, ay ang babaeng minahal niya sa loob ng anim na taon. It was a shock for him to see her like that. He felt a little bit of guilt when he remembered that he was the one who ended the relationship. Hindi na siya makapaghintay na magising ang dalaga para personal na humingi ng tawad sa napakalaking kasalanang ginawa niya.

My Dear Dr. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon