Chapter 12

56 0 0
                                    

“Hey, you okay?” sabi ni Kristelle.

            Ngumiti lang si Janine. Alam niyang hindi siya okay. Gustuhin man niyang magalit rin sa kaibigan pero narealize niyang ginawa lang nila yun para sa kanyang kapakanan.

            “Ja, nagtext nga pala sakin si Kristian, he told me—”

            “Tuloy na muna natin yung trabaho natin, may pasyente pa sa labas,”

            “I don’t want to see you sad again, because of that guy. Alam mo hindi ko alam kung matutuwa ba ako the moment na nalaman kong hindi mo siya natatandaan eh, because he have caused you so much pain, Janine. And as your friend, nahihirapan akong makita kang nasasaktan. But he explained his side. At kahit sabihin man naming sayo ni Pat na you shouldn’t take that guy back, there’s a part of us wanting you and him to be back in your life. Kasi napasaya ka niya, don’t deny,”

            “Oo, napasaya niya ako. Unang beses ko maramdaman kung paano mahalin at magmahal. Pero alam mo kung ano yung masakit? Yung hindi ko alam na yung taong nagparamdam sakin nun, matagal ko nap ala siyang mahal. Hindi ko maalala, pero nasasaktan ako para sa kanya. Gustuhin ko mang magalit dahil palihim niyo akong nilokong lahat, pero hindi. Baka nga gustuhin ko pang magpasalamat sa inyo kasi binigyan niyo ko ng opportunity para maranasan to,”

            “I’m so sorry, Ja,”

            “Nag-aalala ako, kasi naging mabuting kaibigan sakin si Kristian. Kung totoo man na meron nga kaming nakaraan, na hindi ko maalala dahil may amnesia ako, ang hirap nun para sa kanya, na makalimutan siya ng taong mahal niya,”

           

            Kristelle hugged her. Mabait pa rin ang kaibigan niya kahit na nasaktan na ito. Kahit na alam niyang naagrabyado na siya,  humahanap pa rin siya ng dahilan para makapagsimpatya sa ibang tao. Imbis na magalit siya, humanap pa rin siya ng possibilities para maging patas ang lahat,”

            “Ja, mabait ka pa rin, kahit na nasaktan ka na. I admire you for being strong. Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob na mag-alala pa para sa ibang tao kahit na nasaktan ka na. I must say that you are so blessed to have that trait. Kaya mahal na mahal ka ni Kristian at nakita naming yon. And I swear, nakakainggit yung love story niyo. That despite that amnesia, alam kong nandyan pa rin siya sa puso mo,”

Tears started falling from her eyes. She didn’t realize how strong she is kung hindi pa sinabi ni Kristelle sa kanya ang lahat. Pilit niyang inaalala kung ano nga ba talaga ang naging nakaraan nila ni Kristian, but all she can remember is how they met after the accident. Gusto niyang malaman kung paano nga ba dumating sa buhay niya ang lalaking ito na nagparamdam sa kanya ng iba-ibang pakiramdam.

 “Sa tingin mo, dapat ko ba siyang puntahan?”

            “If it makes you happy, then I guess you should, Ja,” Kristelle smiled.

Sumakay siya ng taxi at pumunta sa bahay nila Kristian. Alam niyang hindi siya ang dapat na maunang lumapit sa binata dahil hindi naman siya ang may kasalanan, ngunit kahit na sino pa man ang may sala, para sa kanya, mas importante pa rin ang nararamdaman niya para sa taong ito.

My Dear Dr. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon