Chapter 2

428 5 0
                                    

ALAS sais na ng gabi at magsasarado na ang klinika. Niyaya siya ng mga kaibigan niyang magliwaliw muna sa isang bar para kahit paano ay makalimutan muna niya ang mga problemang pinagdaraanan niya. Bilang mga kaibigan ay ayaw nilang makikitang malungkot si Janine. Minsan ay naiinis na rin silang payuhan ito, ngunit dahil alam rin naman nila ang pakiramdam ng masaktan, pinipilit na lang nilang intindihin ito.

“Saan ba tayo pupunta? Pagod na kasi ako eh,” tanong ni Janine.

“Ja, grabe ka naman. Wala ka nang social life eh. Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa mo?” naiinis na sagot ni Patricia. Orthodontic si Patricia sa klinika ni Janine. Barkada niya ito noong college na lisensyado rin at naging kasosyo na niya sa klinika.

“Alam mo kami ang nahihirapan sa ginagawa mo sa sarili mo, Ja. Hindi naman pwedeng lagi ka na lang ganyan. Ano, pag may pasyente ka, ganyan ang ihaharap mo sa kanila? Have some fresh air and move on!” sabat pa ni Kristelle.

“Grabe naman kayo, sinabi ko lang naman na pagod na ako. Maka-react naman kayo dyan. Sige na, sasama ako, easy lang girls!” tumawa siya.

“Alam mo, adik ka,” natawa rin si Patricia.

“Kaya mahal ka naming eh, pare-pareho tayong baliw,” sabi ni Kristelle. Natawa silang tatlo.

“Kaninong kotse ang gagamitin?” tanong ni Janine.

“Mag-taxi na lang tayo. Siguradong mahihirapan tayong mag-drive pag nagdala pa ng kotse. Isa pa, Sunday bukas, sarado naman ang clinic, so we can have fun, right?” suggest ni Kristelle.

“Isa pa, wala namang masamang mag-day off tayo sa pag-tingin ng bibig ng ibang tao. Tama si Kristelle. We can have fun, at Janine, please, utang na loob lang ha? Ayaw na naming makita kang nagdadrama dahil sa walang kwenta mong ex-boyfriend. Ok ba yun?” bungad naman ni Patricia?

“Deal.”

 Sa ilang taong pagiging magkakaibigan nila ay talaga namang kilalang-kilala na nila ang isa’t-isa. Alam na nila kung malungkot ang isa at kung kalian dapat nang umaksyon para mapasaya ito. Nagkakilala silang tatlo sa kolehiyo. They were more than just friends. They were each other’s best friends. They can act like bitches and angels that time. Kilala sila sa College of Dentistry noon na sosyal na barkada dahil kung minsan, kapag magkakasama silang naglalakad sa hallway, para silang mga model na rumarampa. Si Janine ay kumuha ng Pediatric Dentistry, si Patricia ay nag-major sa Orthodontic, at si Kristelle naman ay sa Oral Surgery. Nagkakilala lang sila noong Pre-Dentistry pa lang sila ngunit kahit nagkaiba-iba ng major sa Dentistry proper ay hindi pa rin nabuwag ang samahan nila.

Pagkababa ng taxi ay agad na silang nakalanghap ng amoy ng mall. Nagdesisyon silang magliwaliw muna sa mga fashion shops bago magpunta ng bar. Maaga pa rin naman at hindi lang rin nila ma-eenjoy ang bar kung walang masyadong tao. They need to socialize more. Masyado na silang subsob sa trabaho sa klinika kaya naman kailangan nilang mag-unwind kahit minsan.

Nakakita si Janine ng magandang bag. Mahilig rin siyang mangolekta ng mga bag kaya naman kapag pumasok ka sa kwarto niya ay makikita mo ang isang buong cabinet na puno ng iba-ibang klaseng bag. Bihira siyang mangolekta ng sapatos, ngunit pagdating sa mga luho niya, talagang pinag-iipunan niya ito. Unang beses niyang maaninag ang bag na iyon ay hindi na niya binitawan Kulang na lang ay yakapin niya ito. Kapag may kursunada siyang isang gamit, at hindi na niya ito nabitawan, iyon talaga ang gusto niya. Alam iyon ng mga kaibigan niya, kaya naman nang mapansin nilang ayaw na itong bitawan ni Janine ay agad na tumambad ang mga katagang, “Ja, bilhin mo na yan,”

My Dear Dr. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon