Ilang buwan matapos ang out of town nilang dalawa, dumating na sa puntong malapit nang aminin ni Kristian ang lahat ng totoo sa dalaga. Hindi niya akalaing si Janine pa mismo ang unang makakatuklas ng tinatago niyang sikreto, ang kasinungalingang isa siyang bagong kakilala.
“Janine, let me explain,” sambit niya nang makita niyang hawak ni Janine ang mga X-ray findings at iba pang mga litrato nilang dalawa na nakita niya sa drawer ni Kristian.
“Mag-iisang taon mo nang tinatago sakin Kristian ang lahat ng to?” malumanay niyang sinabi sa binata.
“I was so worried, Ja. Naisip kong hindi mo na rin naman ako naaalala and everything was going fine between the two of us, kaya wala nang sense kung sasabihin ko pa sayong, oo meron kang amnesia, at ako lang ang hindi mo naaalala,”
She couldn’t understand what’s really happening. Of course, hindi niya naaalala ang mga nangyaring hindi maganda sa nakaraan nilang relasyon ni Kristian bago pa siya magkaamnesia. Although she doesn’t remember everything upon seeing the evidences, nasaktan pa rin siya sa nakita niyang iyon. She remained silent and didn’t speak.
“I don’t want you to remember me as your ex boyfriend na iniwan ka. Ayokong maalala mo na iniwan kitang mag-isa habang mahal na mahal mo ako. Ayokong maalala mong sinaktan kita. I’m sorry for keeping this to you, Janine. Wag mo sanang isipin na I took advantage of your amnesia. Naintindihan naman to ng mga magulang at kaibigan mo at nag-agree silang wag nang ipaalam sayo.”
“At kasabwat mo pa pala sila sa panlolokong to,”
“No, hindi ko sila kasabwat. Hindi ito panloloko. Okay, I’m a neurologist. I know that there are possibilities na bumalik ang alaala mo. Maaaring nasaktan ka sa mga nakita mo, Janine, pero—”
“Kaya pala ngayon mo lang ako naisama dito sa bahay niyo. Nagsinungaling ka pa na nasa States ang magulang mo at kung anu-ano pang kasinungalingan, Kristian. Pinaikot mo lang ang ulo ko. Hindi ko man matandaan lahat lahat, pero paano mo nagawa sakin to?”
He hugged her. He hates to see her cry.
“I’m so sorry, Janine. I know hindi mo natatandaan kung ano mang mga nangyari sa nakaraan, alam kong hindi pa fully healed lahat ng sugat, na hindi pa ayos ang state ng amnesia mo. Hindi kita pinaikot, hindi kita niloko. Hindi intentional ang lahat ng to. My bad, na hindi ko naisip nab aka dumating ang araw na maalala mo at magalit ka sakin. I was wrong for leaving you. I just realized it when I saw you, and you didn’t remember me. That reality hit me so much. Na hindi ko man lang naisip kung gaano mo ako minahal noon. Hindi mo alam, Janine, kung gaano kasakit rin para sakin na halos isang taon akong sinasampal ng katotohanang baka hindi mo na ako maalala ng tuluyan, na hindi mo na maaalala yung mga alaalang magaganda sa naging relasyon natin dati. Natakot lang ako ngayon nab aka kapag sinabi ko sayo, mawala ka pang ulit sakin. Please, I didn’t take advantage of your weakness. Sana mapatawad mo ako,”
She just poured those tears out. It seems like the pain she’s feeling now, she already felt that pain before.
“Ihatid mo na muna ako samin, Kristian, please.”
“Okay, but please don’t be mad, di ko kayang magalit ka sakin.”
She didn’t speak. Tahimik lang siya hanggang sa makarating sila sa bahay nila Janine. He opened the car’s door for her. Bago siya pumasok sa gate, niyakap siya ng mahigpit ng binata.
“Please let me know kung ready ka na makipag-usap sakin ulit, Janine. I’ll give you time to think. But please don’t say goodbye,” tears started to form in his eyes.
“I will, Kristian,” she held his face, not wanting to let it go, but she has to. “Goodnight,” tumalikod na siya at pumasok sa gate without looking back. Naiwang nakatulala at naghihintay na makapasok ang dalaga sa bahay si Kristian bago siya umalis.

BINABASA MO ANG
My Dear Dr. Love
RomansaHow can you tell the person you love that you still love her if she doesn't remember you anymore? I DON'T GIVE AWAY SOFT COPIES AS MY STORIES ARE COPYRIGHTED.