He sat on his comfortable chair, and thought of what might have happened to Janine. Bakit hindi siya naaalala nito? Ano nga ba ang tunay na nangyari?
But to the truest sense of the word, kinurot ang puso niya nang marinig niya ang mga katagang, Sinong Kristian. Of all people, siya pa ang makakalimutan ng babaeng pinakamamahal niya. But who could blame Janine if she decided to forget the guy he loves who hurt her so much? Wala. Basta ang alam lang niya, si Janine lang ang babaeng minahal niya, walang iba. Kung bakit nga ba siya nakipaghiwalay dito, pilit pa rin niyang iniisip kung bakit. Magulo pa rin ang isipan niya. Hindi niya akalaing magiging ganito muli kakumplikado ang takbo ng buhay niya. Limang buwan niyang pinaikot ang mundo niya sa trabaho, para kalimutan ang babaeng mahal niya. Ngunit pagkatapos ng limang buwan ay nagkita silang muli, tila pinagtatagpo talaga sila ng tadhana.
Amnesia. Pumasok sa utak niya ang salitang amnesia. How can she forget me when she remembered her parents? Akala niya ay niloloko lang siya ni Janine sa sinabi nito. Akala niya sinasadya ni Janine na sabihing hindi niya ito naaalala para makonsensya siya. But when he looked at the X-ray, it was confirmed. She has selective amnesia. And not remembering him wasn’t intentional. But why did she forget him of all people?
Narealize niya na siguro, matinding sakit ang naidulot niya sa dalaga kaya naman ganun na lang ang nangyari. He took a peek on his wallet, the wallet where he kept their pictures together. They were college lovers. He met her somewhere in University Belt. He remembered how she is a natural beauty then. Napangiti na lang siya nang maalala niya ito. Unang beses niyang makita si Janine na naka-tirintas ang buhok, naka-puting uniporme, naka-flat shoes at walang make up. Sobrang simple niyang dalaga noon. She doesn’t even wear accessories. Relos lang ang suot niya sa kaliwang kamay niya. Makinis ang mukha niya, at naka-braces siya noon.
She could have been the perfect definition of simplicity is beauty. Unang kita niya kay Janine ay nabighani siya agad dahil mukha itong mahinhin at imahe ng dalagang Pilipina. Nakasabay niya itong kumain sa isang karinderya, kasama ang mga kaibigan ng dalaga. He was alone when he approached her.
Miss, nahulog yung libro mo oh. He said. Ay, sorry. Salamat ha. Sagot niya.
He was mesmerized with her physical feature, but when he heard her speak, it seemed like the whole world stopped. He admired her for her simplicity. Even her smile. Ilang buwan rin siyang nag-isip-isip noon kung ano bang balak niya sa babaeng ito. Napagkamalan na nga siyang stalker ng mga kaibigan niya dahil palihim niyang pinagmamasdan ang dalaga kapag break time o uwian nila. But he couldn’t help but stalk her. She captivated his heart with her smile, and her lovely voice.
Naalala niya na hiyang hiya pa siya noon na hingin ang number ni Janine. Baka hindi lang niya ito ibigay at mabigo lang siya. She wouldn’t even like it if she found out thet he’s stalking her everyday. Kaya naman nang pumasok sa isip niya kung paano nga ba siya nakipagkilala sa dalaga at natawa siya sa kalokohan niya.
Lunch break noon. Nagkataon na pareho sila ng kinakainang karinderya. Magkaiba sila ng university na pinapasukan, pero magkatabi lang halos. She was laughing with her friends, sila lang ang tanging customer nung mga oras na yun. He really wanted her to notice him. Pumasok si Kristian kasama rin ang mga katropa niya sa karinderya.
Aling Dory, kaya siguro mabenta tong karinderya niyo kasi Buena mano ang mga magagandang dalagang kumakain dito. He was pertaining to Janine and her friends. Nung una ay hindi lang ito pinansin ng barkada ni Janine dahil busy sila sa pagkukwentuhan nila. But when Janine heard her name from Aling Dory, she was startled. Oo, talagang suki ko na yang mga future dentist na yan. Hindi lang maganda yang sila Janine. Mabait pa. Natawa si Janine. Nambobola pa kayo Aling Dory, ha. For the nth time, he heard that lovely voice again. So her name was Janine. Sabi ni Kristian sa sarili niya. Nawala siya sa sarili niya kaya hindi niya naalalang oorder na nga pala siya. O, anong order mo Kristian? Napangiti siya.

BINABASA MO ANG
My Dear Dr. Love
RomanceHow can you tell the person you love that you still love her if she doesn't remember you anymore? I DON'T GIVE AWAY SOFT COPIES AS MY STORIES ARE COPYRIGHTED.