Hurtful Truth

20 0 0
                                    

Tatlong linggo ako nawala, sumali ako ng mga trainings at seminars tungkol sa photography at designing. Kahit paano ay nalimutan ko rin ang sakit na dinulot sa akin ng bestfriend ko. Nang nakabalik ako sa Tagaytay, tinawagan ako ng katulong ni Lola Linara, itinakbo sa Hospital si Lola dahil inatake ito sa puso. Humarurot sa takbo ang kotse ko na para bang lilipad na ito sa bilis. Para na din akong aatakihin sa bigla at lungkot. Nakarating ako sa Hospital at nahabol ko ang huling ngiti ni Lola Linara. Gumuho ang mundo ko ng makita ko si Lola na hindi na humihinga.

Tulala lang kami ni Hara sa burol ni Lola. Hindi kami natulog at nag-usap simula nang nawala si Lola Linara. Napansin ko na wala si Robel pero hindi ko na itinanong kay Hara dahil baka masiraan na nang ulo yung tao. Pagkatapos ng libing ay lumipat na ako sa isang condo at tinutukan na lang ang boutique at coffee shop.

Lumipas ang tatlong linggo nagpakita sa akin si Hara.

"Cenna, patawarin mo ako sa mga sinabi ko sa iyo. Gusto ko lang kasi na lumayo ka muna habang nandito pa sa Pilipinas si Robel"

"Anong ibig mong sabihin Hara? "

"Tama yung kutob mo kay Robel. Masama syang tao Cenna. Binubugbog nya ako dahil ayaw kong pirmahan ang mga papers sa transfer of assets. Tapos nagsimula na syang pagbantaan kayo ni Lola kaya pinirmahan ko nalang. Kinuha na nya lahat ng pera ko sa banko at ibang ari-arian ng Gumoya Family. Tapos pati yung mansyon nila Lola ibinenta na nya. Ang tanging naiwan ay yung itinatago ko na hasyenda sa Palawan. Hindi na nya pwedeng malaman yun "

"Bakit ngayon mo lang sinabi Hara? Nakatulong sana ako kung sinabi mo na agad"

"Sinabihan nya ako na papatayin ka nya Cenna kung makikialam ka. Mahal kita Cenna at bahala ng mawala yun , mabuhay ka lang"

"Nasaan na sya ngayon Hara? At ako yung papatay sa kanya! "

"Wag na Cenna, matatalo lang nya tayo. Kunektado sya sa isang sindikato Cenna. Mag move-on na lang tayo at magsimula ng bagong buhay"

Thank you for reading. I hope you like it and share it with your friends. I will publish the continuation part of the story the soonest. Keep in touch guys ^_^

P.S.
Please do not plagiarize my Story. I will surely haunt you down and file a case. Plagiarists can be held liable under Republic Act 10175-or the Cybercrime Prevention Act of 2012-if they are found to be infringing on copyright or the exclusive rights of a creator over his or her original work.

Unending FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon