The Challenge begins

34 0 0
                                    

Pagkatapos ng lahat ng heartbreaks ni Hara, nakilala nya si Robel.

" Hoy Hara, ba't ka nakangiti dyan? "

"Wag kang pahalata bakla, yung crush ko nandyan sa kabilang table, nagnanakaw ng tingin"

"Wag kang feeler dyan teh"

"Alam ko, nararamdaman kong nagagandahan sya sa akin"

Tumayo si Hara paputang powder room, tapos sumunod yung lalake at naghintay na lumabas sya. Nang lumabas si Hara nagpakunwari yung lalake na banggain sya. Nagsorry si Hara at yumuko agad.

"Oh ayan girl, nagpapaechos na yung lalake. Halata naman na sinadya yung pagbangga sa'yo"

"Di ba Cenna? Nabibighani na sya sa akin"

"Eh ikaw na! Pero Hara, hinay-hinay ka lang dyan. Matuto ka na sa tangahan mo ha? "

"Opo. Isa pa Cenna iba talaga kasi pag nagmamahal ka, parang di bale lang masaktan. Kasi nga parte na ng pagmamahal ang masasaktan "

"Oo alam ko, pero case to case basis yan dear. Hindi lahat ng sitwasyon ay nadadala o ma maso-solusyonan ng pagmamahal. Kailangan mong isipin din ang pagmamahal sa sarili"

"Ikaw naman Cenna ang bitter mo. Hindi pa nga kami magkakilala oh, nega ka na agad"

"Reminders lang yan Hara noh! Mahal kaya kita, ayaw ko ng nakikita kang nasasaktan"

"Salamat besh ha. I love you too"

Nanglumabas ang lalake sa powder room agad syang pumunta sa table namin.

"Miss, patawad talaga kanina ha, di ko sinasadya"

Natulala si Hara at nagpacute na nung nagsalita sya.

"Okay lang, sorry din"

Tumingin yung lalake sa akin at nagtanong.

"Boyfriend ka ba ng magandang binibining ito?"

Tumaas yung kilay ko at sinalo ni Hara ang pagsasagot sa tanong nya.

"Bestfriend ko sya, ang pangalan nya ay Cenna"

"Ah ganon ba, so may chance na pala ako"

Pabirong sabi ng lalake sa kay Hara. Mas tumaas ang kilay ko at binara ko sya agad.

"Hindi pa nga kayo magkakilala, may pa hirit line ka na ? Aba matindi! Love at first sight lang? "

Sinipa ako ni Hara at hindi ko na pinapatuloy ang pagiging sarcastic ko sa tao.

"Ang pangalan ko pala ay Robel Hasonto at ikaw ganda? "

"Haramiya Gumoya pala, tawagin mo lang akong Hara"

Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa nag date na yung dawala. Nainlove na naman yung gaga, at nagtagal naman sila ng 1 year. Sa anniversary nila, nagpropose na agad si Robel ky Hara. Parang ako pa yung ayaw na magpagkasal sila eh, mawawalan na kasi ako ng bestfriend!!!!!! Si Hara lang yung naging kaibigan ko since pinanganak ako, parang sister ko na sya kahit may pagka-tanga sya. Nasaktan ako ng sumagot yung bruha ng "Yes" sa mokong na yun. Masama yung kutob ko sa lalaki eh. Pero kasi mahal nya, kaya rerespetuhin ko nalang.

Dumating na yung araw ng kasal ni Hara. Parang ayaw ko talaga dumalo. Parang yung anak ko ang ikakasal eh, grabeng lakas ng hagulhol ko sa kasal nila. Nang natapos ang wedding nila hinablot ko si Robel at pinagbantaan ko talaga.

"Hoy lalaki! Wag na wag mo talagang sasaktan ang bestfriend ko dahil..."

Unending FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon