Rivals alert

17 0 0
                                    

Nagsimula na ang party, maraming mga mayayaman na dumalo kaya nagkapalan na kami ng mukha ni Hara na makihalubilo.

"Hara maghiwalay tayo, doon ako sa lobby, dito ka sa dining. Remember yung aim natin ha"

"Oo na, dapat tayong magpa-impress at i-promote nating ang businesses nating dalawa. Maghahanap tayo ng partners para sa mga future businesses"

"At ano yung ipinagbawala ko sa iyo? "

"Ang mag flirt po. Natuto na ako girl. Ayaw ko na"

"Sige magsplit na tayo. Time is running, good luck sa atin"

Naghiwalay kami ni Hara, may nakausap na akong tatlong tao at positive ang impression nila sa akin. Masaya na sana ang gabi ko, pero may nakita akong isang asungot na mortal rival ko sa clothing lines si Teborsino Lalova.

"Hi Cenna. Wow ha, naglevel-up na pala ang pagiging social climber mo? " Sabay lunok na wine.

Tinaasan ko sya ng kilay at pangiting sumagot "Oh hello Teborsino. Na surprise ako na nadito ka, hindi ako na orient. Pwede pala ang pangit sa engrandeng party na ito?"

"Hindi ba sabi ko sa'yo "Evo" ang nickname ko, ay tama nga pala. Hindi mo nga yan matatandaan , bobo ka kasi"

"Alam nating dalawa kung sino ang totoong bobo. Walang maisip na ibang style sa damit, kaya nangongopya nalang. At bagay kasi sa iyo ang tawaging Teborsino, parang mukha mo, pangit"

"Nahiya naman ako sa balat mong inihaw na pasayan Rancen"

Hindi ko na sinagot ang kontrabidang si Teborsino dahil nakita ko ang business woman na pinangarap kong makapartner. Iniwan ko na agad ang pangit at naglakasloob akong kausapin sya.

"Good evening Madam Clister, I am Rancen Demora the designer of the newest clothing line Harcenn."

"Nice to meet you Mr. Rancen. I haven't heard your clothing line yet since it is new in the industry, but I bet it is splendidly high fashion just hearing the name Harcenn"

Hindi pa ako nakapagtapos magpa-impress ky Madam Clister, umapela sa Teborsino.

"Hi Madam Clister, it is so nice to see you here in the party." Dala beso kay Madam ay sarcastic smile sa akin.

"I am glad you are here Evo. My daughter Fiona misses your jokes. Well you were busy nowadays, how's work?"

"I doing great. Madam, I would like to ask if I could be part of your fashion show this coming Philippine fashion week? I have great designs that I can confidently say, will make celebrities and socialites love it."

"Really? Well that's sounds interesting" Tumingin si Madam sa akin at nagtangkang ipasok ako sa usapan. Ngunit inagaw ni Teborsino ang atensyon nya at ipinakilala sa isang kaibigan nya. Na-enjoy na s'yang nakikipag-usap sa mga plastic at hindi na ulit ako napansin ni Madam.

Para akong sasabog sa galit, pinangarap kong makausap si Madam pero inagaw sya sa bruhang Teborsino!

Paulit-ulit kong hinabol si Madam Clister subalit nagi-interupt si Teborsino at ipinapahiya ako sa harap ng mga pangarap kong makatrabaho.

Unending FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon