The Accident

13 0 0
                                    

Parang sasabog na ang mata ko ng luha sa galit at hiya na idinulot ni Teborsino sa akin. Umuwi na ako agad sa room namin ni Hara. Nang nakarating ako sa room namin nakita ko si Hara na umiiyak at naglalasing.

"Hara? Anong nangyari sa'yo? "

"Nakita ko yung si Jenna, yung kaaway natin noong nagsisimula pa lang tayo sa boutique. Tang-ina ipinahiya ako! Inungkat pa talaga yung naging issue namin sa demonyong Robel na yun! Ang sarap nyang patayin gamit ang tinidor eh! "

Umiyak na rin ako at kumuha ng inumin "Pagkakataon nga naman oh! Chararat na baklang Teborsino na yan! Pinagmukha akong tanga sa harap ng mga pangarap ko maka business partners! Pakyu nya!!!! Kahit anong panghihiyang gagawin sa akin, hindi nya maitatago ang kapangitan nya!"

Naging masama ang naidulot ng party sa amin ni Hara at nag-inuman, nag-iyakan kami ng todo buong gabi.

Hindi namin in-expect na ang gabing iyon, ang babago ng buhay namin dalawa.

* * * * *

Isang magandang sinag ng araw ang nagpagising sa akin. Gumising na ako at sa paglingon ko, si Hara ay nasa tabi ko, at pareho kaming hubo't hubad. Nabigla ako sa nasaksihan ko, natulala nalang ako at hindi kumibo ng parang sampong minuto. Hanggang nagising si Hara, parehas ang naging reaksyon namin ngunit sinampal nya ako.

"Paano mo ito nagawa sa akin Cenna!"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, parang nawala ako sa sarili ko at umiyak nalang ako. Nag-impake na agad si Hara, at umalis pauwi sa Manila. Habang ako ay nagwala na parang nasiraan ng bait, at nagkulong lang sa kwarto. Ano ba ang nagawa ko. Bakit ko yun nagawa, bakit nawalan ako ng isip ng gabing yun...

Thank you for reading. I hope you like it and share it with your friends. I will publish the continuation part of the story the soonest. Keep in touch guys ^_^

P.S.
Please do not plagiarize my Story. I will surely haunt you down and file a case. Plagiarists can be held liable under Republic Act 10175-or the Cybercrime Prevention Act of 2012-if they are found to be infringing on copyright or the exclusive rights of a creator over his or her original work.

Unending FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon