Issues

5 0 0
                                    

Nag set na ako ng meeting sa mga staff ng boutique at coffee shop. Pinakilala ko na si Baby Harcenn sa kanila. Subalit pinili ni Hara na hindi na muna humarap sa mga tao para hindi maudlot ang issue na siya ang ina ni Harcenn. Inasikaso na muna ni Hara ang planong pagtatayo ng resort sa Palawan.

"I am here infront of you guys para i.introduce sa inyo ang anak ko, si Harcenn Demira"

Nagbulungan ang mga staff at may naglakas loob na magtanong.

"Sino yung ina ng bata sir? "

"Isa syang test-tube baby, hindi ko na kinilala ang ina nya dahil hindi naman necessary. Ang bata lang ang importante sa akin. From now on. Tawagin nyo na akong Boss Rancen. Gusto ko na maging mabuting ama sa bata. At wala na ang Sir Cenna na nakilala nyo noon. Ibang tao na ang nasa harap ninyo ngayon, sa ayaw ninyo at sa hindi. Subalit wag kayo mag-alala.. Hindi ibig sabihin na nagbago ako, magiging demonyo na ako sa inyo. Mabait na Boss pa rin ako sa inyong lahat."

Simula noong ibinalita ko sa mga staff ko ang tungkol kay Harcenn. Umugong ito at naging talk of the town. Hindi naiwasan na maissue nga na si Hara ang ina. Subalit naniwala naman ang mga paparazzi na test-tube baby nga ang bata. Dumating na ang araw na ipapabinyag ko na si Baby Harcenn, lahat ng PFW team, mga kakilala ko na designers , photographers, at models ay dumalo. Kumpleto na ang lahat , at kontrabidang pumasok sa eksena si Haramiya, plinano namin ang eksena na ito para hindi kami i-diin sa issue tungkol ky Harcenn. Nag catwalk si Hara sa aisle ng simbahan at malakas na sinabi nya.

"Hi My friend Rancen. Looks like you have invited everyone except me? How sad"

"Hara, it's been a long while. Salamat naman at nagpakita kana sa importanteng okasyon na ito. Dito ka sa tabi ko para masimulan na ang christening sa Baby ko"

"Okay then "

Lumapit si Hara at maaliwalas na natapos ang binyag sa Baby namin. Habang may mga tao sa paligid, nagkunwari kaming nag-uusap na para bang may malalim na galit sa mga mata namin.

"So Rancen, marami kang hindi na ikwento sa akin. Narinig ko na lalaki ka na daw? Paano ? Nakalunok ka ba ng bato kaya nagbago ang pagkatao mo? "

"Pwede ba Hara, wag mong sirain ang importanteng araw na ito sa pang bubwisit sa akin. Umalis ka nalang kung wala kang mabuti na sasabihin sa akin"

Gumitna ang secretary ko at pinagsabihan si Hara.

"Madame Haramiya, wag naman po sana kayong bitter. Masayahin na yung best friend mo oh. Hindi mo ba kayang sumaya para sa kanya? "

"Hoy Louise! Wag kang bastos na sumasali sa usapan ng mga boss mo. Umalis ka sa harap ko!"

Narinig ni Madame Clister ang pagtataray ni Hara at pumasok sya sa usapan para ibahin ang topic.

"Hi gorgeous Haramiya. You've became two times gorgeous than before. How are you by the way? I haven't seen you for like one and a half year"

"I am busy for my new business Madame Clister"

"Another branch for Harcenn? "

"No, it is my hotel and resort in Palawan"

"Wow! I will surely spend my vacation there Hara"

"I will be glad to have you as my guest Madame. It is great to have a chat with you, but I have to take my leave now. Bye Madame, I will invite you for the grand opening in my resort hotel, see you the soonest"

Umalis na agad si Hara na hindi man lang nagpaalam sa akin. Best actress talaga ang babaeng yun. Isang araw pagkatapos ng binyag nagpasya ako na pumunta sa Palawan. Kinausap ko ang secretary ko na mag take over muna sa businesses at magbabakasyon ako ng isang linggo.

"Ano Boss Rancen? Pupunta kayo sa palawan ? doon sa lugar ni Madame Hara? "

"Oo, bakit ba nabibigla ka dyan? "

"Boss Rancen naman, hahabulin mo pa yung babaeng yun? Maraming babae naman sa paligid Boss eh. Di mo lang nakikita, tapos yung hinahabol mong babae hindi ka naman mahal.. iniinsulto ka pa nga eh"

"Louise, kilala ko sa Hara, nagkakaganon lang yun dahil sa selos at sama ng loob dahil hindi sya ang unang binalitaan ko tungkol kay Harcenn, at hindi ko sya inimbita sa binyag. Kailangan akong bumawi sa kasalanan ko sa kanya"

Umalis na rin ako at sinurpresa si Hara dala-dala si Baby Harcenn at bouquet of flowers.

"Rancen!!! Harcenn !! Naku, namiss ko kayo ng sobra!"

"Namiss ka rin namin mommy ganda, namiss ni baby ang sayaw at kanta mo sa kanya oh"

Thank you for reading. I hope you like it and share it with your friends. I will publish the continuation part of the story the soonest. Keep in touch guys ^_^

P.S.
Please do not plagiarize my Story. I will surely haunt you down and file a case. Plagiarists can be held liable under Republic Act 10175-or the Cybercrime Prevention Act of 2012-if they are found to be infringing on copyright or the exclusive rights of a creator over his or her original work.

Unending FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon