Captured friendship

72 0 0
                                    

Main Casts

Xian Lim as Rancen Demira "Cenna"

Kim Chui as Haramiya Gumoya "Hara"

Daniel Matsunaga as Robel Hansonto

Louise Patisserie as Louise


  "YeyAng dami kong nabiling damit, add na naman ito sa blog ko"

  Ang pangalan ko ay Rancen Demira at "Cenna" ang alyas ko. Isa akong lalake na may pusong babae, subalit simula pa noong na-realize kong babae pala ako, never akong nag-syota o na in-love sa lalake lalong-lalo na sa babae. Ang tanging karelasyon ko lang ay ang camera ko at ang mga damit na kinababaliwan ko. Maliban sa trabaho ko na isang manager sa hotel, isa din akong fashion blogger at nagbibenta din ng mga damit.

  Mahilig akong magkuha ng mga litrato, at isang araw may napag-interesan akong kunan ng litrato. Isang babaeng umiiyak sa baybay. Maya-maya namalayan nya na kinukunan ko sya.

  "Iba rin yung trip mo nohNakita mo na ngang umiiyak yung tao. Kinukunan mo pa ng litrato, ang pangit-pangit ko kayang umiyak"

  "Hindi naman sa pangbabastos sa pag-e-emote mo dyan. Ang ganda kasi ng setting eh, tapos ang ganda tingnan ng buhok mong nada-dala sa hangin"

  "Pictorials to teh? "

  "Pwede rin. Maari ko bang itanong kung bakit ka umiiyak ?"

  "Makakarelate ka naman siguroDahil ito sa pangloloko sa akin ng boyfriend ko"

  "Ayun... boyfriend nga naman noh. Pasensya na kasi hindi ako nagbo-boyfriend eh."

  "Lalake ka? "

  "Gender ko lang, pero babae yung puso ko. Hindi ako nagbo-boyfriend kasi ikaw nga babae niloloko, lalo na ako na bakla. Mahirap maghanap ng lalakeng seseryoso sa baklang tulad ko. Kaya never ako nagboyfriend"

   Nagkwentuhan kami ng babae at ng nagtagal, nagtawanan na kami... Doon nagsimula ang pagiging close friends namin ni Hara. Palagi na kaming magkasama, at sya na yung model ko sa lahat ng blogs ko. Nagka-business kami ng boutique at isang coffee shop dahil sa pagsisikap naming dalawa.

  Si Hara ay isang heiress ng Gumoya Family. Actually, sila nalang ng lola nya ang naiwan sa pamilya nila. Maagang pumanaw ang papa nya at iniwan sya ng mama nya ng nalaman ng mama ni Hara na walang ibinigay sa kanya na ari-arian ng Gumoya Family.

Nagsimula ang pagiging magkaibigan namin ni Hara noong 23 yrs. old pa kaming dalawa. Naka apat na ng boyfriend si Hara at lahat ng ito ay niloko lang sya. Walang lalaking matino ang nagmahal sa kanya, tanging ako lang ang nakakakita sa halaga ni Hara. Minsan nga naisip ko sana naging lalake nalang ako para naman hindi na ulit masaktan si Hara. Pero hindi ko talaga kaya eh. Mahal ko si Hara subalit hanggang magkaibigan lang talaga.

Thank you for reading. I hope you like it and share it with your friends. I will publish the continuation part of the story the soonest. Keep in touch guys ^_^

P.S.
Please do not plagiarize my Story. I will surely haunt you down and file a case. Plagiarists can be held liable under Republic Act 10175—or the Cybercrime Prevention Act of 2012—if they are found to be infringing on copyright or the exclusive rights of a creator over his or her original work.

Unending FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon