Happy Beginning

4 0 0
                                    

Pumunta ako sa baba ng condominium at naghanap ng sabaw. Habang naghahanap ako ng sabaw nakita ko sa Teborsino.

"Hi Rancen Demira, kamusta namang ang paglaklak mo ng gluta para pumuti? Alam mo Cenna, kahit ilang bote,o tangke ng gluta ang lalaklakin mo, hindi ma itatago ang maitim na budhi mo! Panahon mo lang ngayon, pero balang araw itutumba rin kita !"

Hindi ko na sya inokray at dinaanan lang sya.

"Aba'y himala ang bakla! Bakit? Wala ka nang maisasabi dahil alam kong kahit successful ka sa career, wala ka paring kaligayahan. Dahil iniwan ka na ng kaibigan mong tanga! "

Hindi ko napigilan ang pang-iinsulto nya sa kay Hara, bigla ko syang sinuntok at tinangkaang bugbugin. Hinarang ako ng guard kaya huminto na ako at sinigawan ko sya.

"Insultuhin mo lang ang buong pagkatao ko, pero wag na wag ang babaeng mahal ko! "

Natigil si Teborsino at umalis na agad. Umalis na rin ako sa restaurant at naghanap ng ibang mapabibilhan ng pagkain. Umuwi na ako agad sa condo at pinakain na si Hara, mayamaya napansin nya ang kamay ko na may sugat.

"Anong nangyari sa kamay mo Cenna? "

"Bakit? Concern ka ba? "

"Tumigil ka nga dyan, nakakadiri ka. Ano nga nangyari"

"Sinuntok ko si Tebor, ang tigas nga ng mukha nya"

Kumuha na agad ng yelo at medical kit si Hara at kinuha nya ang sugatang kamay ko.

"Bakit mo naman sinuntok ? Sa tanang buhay mo ngayon ka lang nangdapat ng tao. Dahil ba lalaki ka na? "

"Hindi no. Ininsulto ka kasi kaya sinuntok ko sya. Di bale na insultuhin nya ako, wag ka lang"

"Ewan ko kung magpapasalamat ba ako o mawe-weirdohan sa sinabi mo Cenna. Kung lalaki ka na nga, eh dapat lumipat na ako ng bahay. Baka bosohan mo pa ako"

"Dito ka lang, aalagaan ko kayo ng baby natin"

"Promise mo muna sa akin na hindi mo ako pagsasamantalahan? "

"Ang sama naman ng tingin mo sa akin! Hindi ako ganyang lalaki Hara ! Bahala ka na nga sa buhay mo. Umalis ka kung gusto mo.. kung wala ka na talagang tiwala sa akin. Hindi na ako mamimilit"

"Eto naman ang OA. Sige na nga sorry My dear"

"My dear? "

"Tumigil ka! Oh sige, kung mahal mo nga ako, ligawan mo ako"

Tumingin ako kay Hara at binigyan ko sya ng masayahing ngiti. Masaya pala pag malaman mong may chance ka sa babaeng gusto mong ligawan noh? Masaya pala ang maging ganito. Pinuntahan ko agad si Harcenn at binalita ang saya ko.

"Hi Baby Harcenn, pumayag na si mommy na ligawan ko sya! Yes! Magiging complete and happy family na tayong tatlo! "

Matuwang tumitingin si Hara sa amin ni Harcenn at nakisayaw na din sya sa amin. Konti na lang at matutupad na ang masayang pamilya na pinapangarap namin ni Hara.

Thank you for reading. I hope you like it and share it with your friends. I will publish the continuation part of the story the soonest. Keep in touch guys ^_^

P.S.
Please do not plagiarize my Story. I will surely haunt you down and file a case. Plagiarists can be held liable under Republic Act 10175-or the Cybercrime Prevention Act of 2012-if they are found to be infringing on copyright or the exclusive rights of a creator over his or her original work.

Unending FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon