The Villain's Comeback

3 0 0
                                    

Masayang isinayaw ni Hara si Harcenn. Samantalang ako naman ay busy sa pagku-kuha ng litrato nila. Ito na siguro ang pinaka magandang tanawin sa tanang buhay ko, ang makitang masaya ang mag-ina ko.

"Hara, kamukha mo si Harcenn oh. Magandang baby."

"Ano ka ba, magkamukha kaya tayo. Pareho tayong singkit at maputi"

"Hara, kailan mo ba balak makipag divorce ky Robel? "

"Siguro pag tapos na itong resort Rancen. Ang unang aasikasuhin ko ngayon ay ang paglipat nitong resort sa pangalan ni Baby Harcenn. Para hindi na nya ito makukuha pa sa akin"

"Hara, naisip ko lang. Magiging mas mahirap na pirmahan ni Robel ang divorce papers kung makikita nya na may resort ka na"

"Pagkatapos ng 1st step natin Rancen. Ipagdadasal natin yan"

Sumang-ayon ako sa gusto ni Hara, at agad naming pinalipat ang resort sa pangalan ni Harcenn. Nag hain na rin ng divorce si Hara kaya may posibilidad na babalik si Robel sa Pilipinas.

Dalawang buwan ang lumipas. Nagbakasyon kami ulit sa Palawan at biglang tumawag si Louise sa akin.

"Boss Rancen!!! Nakita ko sa Robel sa coffee shop natin!! Oh my gosh!"

"Anong sinabi nya sa'yo?"

"Naghahanap sya kay Hara, sinagot ko sya ng I don't care! Tapos tumakbo na ako sa kotse. Natakot ako boss eh"

"Kalma ka lang Louise, mayroong sulat na ipapadala ni Hara through e-mail. I print mo at ibigay mo kay Robel kung pupunta sya sa boutique ok ?"

Umiyak sa takot si Hara , at parang bumalik ang trauma nya sa ginawa ni Robel sa kanya noon.

"Hara, wag kang mag-alala ha. Magiging maayos din ito"

Bumalik na kami sa Manila at pumunta sa boutique.

"Louise, mayroon akong favor sa iyo. Dahil haharapin namin si Robel. Magiging magulo ito, at ayaw namin na madamay si Baby Harcenn. Nais ko sana na makiusap na magbakasyon ka sa Davao kasama si Harcenn. Pakiusap Louise"

"Kailan po kami babalik? "

"Pagtapos na ang gulo Louise, nagbook na kami ng flight mo. Bukas ng hapon aalis ka na ha. Mayroon tayong Branch doon sa Davao, para hindi ka ma bored"

Sumang-ayon si Louise at nag-iyakan kami ni Hara sa paglayo namin sa anak namin.

"Ingatan mo si Baby Harcenn Louise ha. Buhay at dugo ko si Harcenn"

"Oo boss, pangako magiging malusog si Baby Harcenn kasama ko"

Dumating na ang bukas. Sabay sa pag alis nina Baby Harcenn at Louise, pumunta na kami sa court para harapin si Robel.

Nauna kaming dumating sa court at maya-maya dumating si Robel. Hindi ko na tiningnan si Robel dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at hinawakan ko na lang ang kamay ni Hara.

Unending FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon