Chapter 37: Dianne Venus

591 22 0
                                    

DEBBIE'S POV

NANG makapasok kami sa loob ay halos matisod-tisod ako sa kakalakad, hindi ko gaano kabisado ang pasikot-sikot sa bahay nila Brandon. Nakakatakot pa't madilim at tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan ang aming nagsisilbing ilaw. Pumapasok pa sa bahay ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa labas na dumadapo sa 'king balat.

"Deb, diretso muna tayo sa kwarto mo, alam mo naman siguro yung daan diba? Tatawagan ko lang sila Brandon." Sabi nito sa 'kin.

"Uy! Huwag mo kong iwan Zach! Natatakot ako." Sagot ko naman sa kaniya.

"Kasabay mo naman akong maglalakad, 'wag kang mag-alala." Sabi naman niya, dahan-dahan akong umakyat ng hagdan, ngunit ng pag-lingon ko'y wala na si Zach!

"Zach.." Tawag ko sa kaniya, nang bigla akong may makita mula sa baba ng hagdanan na isang nakaputing babae na naglakad ng mabilis.

"Waaaaaaah!" Sigaw ko at agad na tumakbo sa hagdan, nasa kabilang dulo pa naman 'to kaya malayo-layo pa. Habang ako'y tumatakbo ay biglang may mga batang nagtawanan sa 'king gilid at nakita ko ang dalawang batang may dalang kandila at nangingitim ang ilalim ng mata.

Sumigaw akong muli ng malakas, at tumakbo palihis ng daan, sinubukan kong katukin ang kwarto ni Brandon ng malakas ngunit walang sumasagot mula sa loob, buti na lamang at hindi naka-lock 'yon at agad akong nagtago sa ilalim ng kama ni Brandon.

Ngunit sa kabila ng aking pagkatakot, nanginginig ang aking tuhod at nanlalamig ang aking kamay, bigla akong may naramdaman na parang isang buhok na dumadapo sa 'king kamay at ng tignan ko ang aking kanan ay may nakita akong babae na sobrang puti at napaka-haba ng buhok kaya agad akong lumabas ng kwarto ni Brandon.

Habang ako'y pababa ng mabilis ng hagdan ay rinig ko ang pag-iyak ng isang babae mula sa gilid at lumakas ang hangin, may isang babaeng nakatalikod at magulo ang buhok ang nakita ko, napaiyak ako dahil sa takot, nawala pa naman agad si Zach na parang bula!

Isa na lamang ang naiisip ko si Manang, agad akong pumunta sa likod at kinatok sila ngunit walang tao at isang pulang likido ang aking nakita sa lapag, naghihisterikal at nagsisisigaw ako at dumiretso ng sala! Nagtago sa ilalim ng lamesa kung saan may mga nakatabin na upuan..

"Tama na.." Garagal kong sabi, napuno ng takot ang aking puso at wala akong kasama sa bahay na 'to. Isang malamig na kamay ang humila sa 'kin mula sa 'king pagkakatago at pinalo ko siy ng pinalo ngunit wala siyang naging reaksyon.

Nang maitayo niya ako ay bumukas lahat ng ilaw mula sa second floor hanggang first floor.

"ADVANCE HAPPY BIRTHDAY DEBBIE!" Sabay-sabay na sabi ng aking nasa harap kung saan ang mga nakatayo do'n ay sila Zach, Timothy, Liam at Daryll kasama sila manang at may kasama silang bata, nakasoot sila ng mga panakot na damit at mukhang napagtripan nila ako.

Sa kabilang banda'y napangiti ako't napahid ko ang luha sa 'king mga mata dahil naalala nilang malapit na ang birthday ko, nakalimutan ko din kasi 'yon dahil sa dami ng aking ginagawa't iniisip.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!" Kanta nilang lahat at biglang lumapit sa 'kin si Brandon na may dala-dalang cake.

Mas lalo akong napangiti at napaluha sa sobrang tuwa, hindi ko akalain na kahit ay malayo pa ang aking kaarawan ay naalala pa nila 'yon. Sobrang saya ko dahil nagawa pa nilang gumawa ng ganito para sa 'kin.

Pinahid ni Brandon ang luha sa 'king mata gamit ang kanyang kaliwang kamay habang hawak hawak pa din ang cake sa kanyang kanang palad.

"Ang hilig mo talagang umiyak." Sabi niya sa 'kin.

Mutual Understanding [MAJOR REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon