Chard's POV
Nandito ako sa bahay ngayon dahil weekends. For how many weeks close na kaming lahat, alam na namin yung mga secrets tapos magkakasama kaming lahat palagi. Ang boring naman. 'Di naman ako pwedeng umalis ng bahay dahil dadating daw si Ate Andy, kapatid ko siya. Pero mas matanda siya sa akin ng 1 year. Di ako sinama sa pagsundo sa kanya sa airport, gusto ko na siyang makita. Ilang taon din kaming hindi nagkita no.
Close kami kasi Partners in crine kami dati. Tsaka, alam niya din na may gusto ako kay Debbie, elementary pa lang kami. Mali pala di ko pala siya GUSTO, MAHAL ko na pala siya. Oo mahal ko na siya! Tindi ko no?
Wala naman na akong hahanapin kay Debbie. Maganda, mabait, magalang, matapang (in some ways), Madaldal (Sa kanya lang ako nakakapag-tagal na dumaldal) ang 'di nga lang katanggap-tanggap sa kanya, ay ang napaka-slow niyang utak, mas mabagal pa sa napaka-bagal na internet. Pero kung tutuusin madali lang naman umamin sa kanya e, naalala ko pa dati 1st year highschool kami sa Calders University kaso napurnada dahil sa bestfriend naming si Roxanne.
*FLASHBACK!*
Valentines day ngayon, aamin na ako kay Debbie. Nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob e. Pinag-isipan pa namin ni Ate kung paano ako aamin kay Debbie. Gumawa ako ng note sa table niya.
'Meet me at the rooftop, 6pm sharp. See ya.' -Chardie.
Naglagay ako ng mga balloons sa paligid na puro red, mahilig kasi siya sa lahat ng bagay na red, tapos may flowers din ako. Nakauniform lang din naman ako tapos gumawa ako ng card, para siyang Dinner date kasi may pagkain na din akong na-ready. May bar din ng cookies and cream mahilig kasi siya dun. Tapos nilagyan ko din ng petals sa paligid diretso sa table. Nag-todo effort pa ako dito, sana kayanin ko.
5 minutes na lang bago mag-six halos mamawis pa ako dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko, mamaya kasi ireject niya lang ako at bestfriend lang talaga ang kaya niyang ibigay para sa akin pero sabi naman ni ate paano ko daw malalaman kung hindi ko naman daw susubukan kaya eto gumawa ako ng ganito para malaman ko din. Nanlalambot na din ang tuhod ko.
Sana magustuhan niya ang prinepare ko, ayan six na! Narinig ko namang parang may bumukas na pinto. Eto na!
Nagulat naman siya sa nakita niya, nagtakip pa siya ng bibig. Ang cute niyang tignan. Nakita niya din siguro na may Table for two, 'di ko naman alam ang unang sasabihin ko, 'di ko alam kung paano sisimulan!
'Hi Debbie.' Mali mali. Tss, isip isip!
'Nagustuhan mo ba?' Mali pa din! Tsk. Ang pangit. 'Di ako makapagisip ng normal.
"Chard?" Tawag niya sa'kin.
Naglakad ako papalapit sa kanya. Binigay ko na yung flowers. Shit! Nanginginig pa yung kamay ko. Kinuha naman niya yung bulaklak at ngumiti siya ng malapad.
"Ang ganda Chard, salamat. Paano mo nalaman na mahilig ako sa roses at sa lahat ng bagay na red?" Tanong niya, 'di ko siya sinagot dahil 'di ko din alam kung paano siya sasagutin.
"Have a sit?" Inurong ko yung upuan para makaupo na siya.
"Thanks Chardie!"
Kumain naman kami, actually 'di siya mahilig sa mga sosyal na pagkain 'di siya katulad ng ibang mga babae na maarte, pakbet lang yung nandito tas dessert at iba pang paborito naming kainin.
After ilang minutes tapos na kaming kumain.
"Ah Chard, para sa akin ba to?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding [MAJOR REVISING]
Teen Fiction(ON-GOING) Sabi sa google.. Mutual Understanding - two people who obviously like each other, but have not yet committed to a relationship. So both parties are still free to go out on dates with other people. Basically, it's like an open relationsh...