DEBBIE'S POV
Kasalukuyan kaming kumakain ni Seven dito sa Creamlies, ang cute nung design dito dahil medyo light ang colors, syempre cookies and cream ang binili ni Seven para sa akin tapos sa kanya naman cheese, gusto daw kasi niyang kumain ng ice cream.
"Babe, Ahhh.." Sabi niya't ngumanga pa, pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi siya sumunod sa akin.
"Nakakahiya, ang daming tao e." Sabi ko sa kanya habang kinakain yung Ice cream.
"Don't mind them. They didn't know us. Sige na." Pagpupumilit niya.
"Kyaaaaah! Ang sweet ni guy oh!"
"Diba si Steven Swayze yan?"
"Oo girl! Grabe, ang sweet niya no?"
"Girlfriend niya ba yun?"
"Hindi gaga! MU daw sila balita ko, bagay sila! Hihi!"
"Oo nga, may pasubo-subo pa! Hihi!"
"Oh? Sabihin mo sa akin walang nakakakilala sa atin?" Sabi ko naman sa kanya't nagpout siya. Bwiset na lalaki to, ang bilis magtampo, akala mo bata.
"Babe. Say Ahhhh..." Sabi ko't nag-glow ang mukha niya, ngumiti siya't sinubo yung ice cream na nasa kutsara.
Nagpatuloy lang kami sa ganung gawain at 'di na din ako nailang, nakakarinig pa din ako ng bulungan sa paligid at napapangiti na lang kaming dalawa sa naririnig ko, ganun din naman si Seven.
"Diba 1 yung laro niyo babe?" Tanong niya sa akin, tumango naman akobilang sagot. "12:15 na oh. Tara na babe, mamaya malate ka pa. Diba may warm-up pa kayo?"
"Ay! Oo nga pala! Ikaw kasi!" Sabi ko't nilagay sa likod ko yung bag ko, ang bilis ko talagang makalimot.
"Ba't ako? Ikaw diyan yung kain ng kain e!" Pang-aasar niya sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay at ngumiti pagkatapos.
Tumayo na din siya't sumunod sa akin, inakyat ko muna yung bag namin sa room, bababa na sana ako ng bigla niya akong higitin, niyakap niya ako't nagbigay ito ng mabilis na pagtibok ng puso ko, nag-init ang mukha ko't pakiramdam ko'y namula ang mukha ko sa ginawa niya. Ngumiti ako ng matamis habang nakayakap din sa kanya. Nanatili kami sa ganung posisyon at kumalas na siya sa yakap, hinawakan niya ako sa magkabilang braso at ngumiti, isang ngiting matamis na lahat ng babae kikiligin kapag nakita mo ang ngiti niyang ganito.
"Thank you." Sabi niya't lalong naningkit ang malilit niyang mga mata. "Galingan mo babe ah? Manonood ako." Sabi niya't ginulo ang buhok ko.
"Oo. Baba na ako ah? Baka hinahanap na ako sa baba e." Sabi ko't ngumiti binitawan naman niya ako at bumaba na ako.
Diretso akong nakatingin sa daan ng makasalubong ko si Brandon, nakatingin siya sa side ko pero parang sa akin siya nakatingin, nakangiti siya kaya nginitian ko din siya, dumiretso lang ako at ganun din naman siya, 'di ako sanay na ganun. Kadalasan kasi magha-Hi man lang siya sa akin kapag magkakasalubong kami.
'Marami ng nagbago, syempre 'di na lahat ng tao gaya ng dati. Dapat masanay na ako.'
Dumiretso ako ng court at saktong nagwa-warm up na ang lahat. Dinaanan ko muna si Coach at pina-warm up na din niya ako.
"Oh? Antagal mo ata bessy?" Tanong sa akin ni Roxanne habang kasalukuyan kaming nagwa-warm up.
"Kumain kami ni Seven sa Creamlies e, napasarap sa pagkain." Sagot ko naman sa kanya, namamawis naman siya, at namumutla.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding [MAJOR REVISING]
Teen Fiction(ON-GOING) Sabi sa google.. Mutual Understanding - two people who obviously like each other, but have not yet committed to a relationship. So both parties are still free to go out on dates with other people. Basically, it's like an open relationsh...