Chapter 41: The Press Conference

406 17 3
                                    

DEBBIE's POV

TINABIHAN ko siya ngunit para lamang akong hangin dahil siya'y tutok na tutok sa kanyang laptop, umalis si mama dahil mamamalengke daw siya at kinailangan namin ng oras upang makapag-usap.

Sinilip ko naman ang laptop niya at may ka-chat siya, mukhang manager niya 'yon, dahil ingles ang ginagamit nilang linggwahe upang mag-usap.

Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at sa totoo lang ay sobrang ganda niya, ang kinia ng balat, bumagay sa kanya ang maiksi niyang short at sleeveless na pantaas.

Para siyang dyosa, wala kang makikita maski ni peklat man lang sa kanyang balat, walang pimple at walang eyebags, wala siyang make-up kaya litaw na litaw ang ganda ng kanyang mukha.

Maputi pa siya at matangkad kaya bagay talaga sa kanya ang modelling. Hindi ako makapaniwala na siya ang kapatid ko! Ang sarap sa pakiramdam na ang iniidolo ko'y kapatid ko pala!

Noong una ay ayaw ko pa maniwala ngunit ipinakita ni mama ang picture nila kaya naniwala na din ako.

At sinabi din niya na anak talaga siya ni mama. Yung boses niya din, parang anghel! Grabe! Para na siyang perpektong babae!

Ngini-ngitian ko siya ngunit tingin lang ang nagiging tugon niya na maski isang ngiti man lang ay hindi niya magawa.

"Hey! Stop looking at my laptop!" Singhal niya sa 'kin at agad naman akong napasinghap dahil sa taas ng tono ng kanyang pananalita at agad na inilihis sa 'kin ang laptop niya.

"S-sorry." Nautal ko pang sagot saka yumuko. "Ako nga pala si De—"

"You're Debbie Enriquez? Ang anak sa labas ng nanay ko? Tss. Stay away from me." Pag-singit niya't hindi man lang pinatapos akong magsalita.

Hindi ko alam kung maiinis ako o iintindihin ko siya dahil sa sinabi niya, kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya ngunit agad naman niya aking pinagtaasan ng kilay.

Bumuntong hininga na lang ako kahit na nasaktan ako sa sinabi niya, totoo naman kasi na anak ako sa labas? Pero sana naman tratuhin niya ako bilang kapatid niya.

"Alam mo bang idol kita? Ang ganda mo sa personal, bumibili din ako ng magazines mo. Idol ka din nung bestfriend ko." Galak kong sabi sa kanya. Nagbabaka-sakali na baka magbago ang mood niya at umayos 'yon kahit na papa'no.

Mukhang mas lalo ata siyang nawalan ng gana at interes sa kanyang ginagawa dahil kitang-kita ko ang pag-ikot ng kanyang mata at bumuntong hininga.

Sinarado niya ang kanyang laptop at tinanggal ang kanyang headphones saka nilagay 'yon sa gilid niya.

"I don't care! Do you think, I'm interested on what you are saying?!" Iritado niyang sabi at agad na krinus ang kanyang magkabilang kamay at tinaasan ako ng kilay! "I have many fans, I don't care if I lose you and you're pathetic bestfriend. I don't give a damn!" Mas pasigaw pa niyang sabi kaya napayuko na lang ako.

Naiintindihan ko kung galit man siya, sino ba naman ang masaya kung may kapatid ka sa labas at yun pa ang dahilan kung bakit halos masira ang pamilya mo?

Pinipilit ko siyang itindihin sa abot ng makakaya ko, kinailangan ko ng mahaba-habang pasensya dito dahil mukha talagang mataray siya.

Sa tono pa lang ng pananalita niya ay alam ko nang may kinikimkim siyang galit sa 'kin.

Iniisip ko na lamang na ganito lang siya sa 'kin dahil ganito ang sitwasyon namin at hindi siya nagpapakitang tao sa fans niya.

Akala ko mabait, pero hindi pala. Ngunit sa kabila ng pag-iisip ko na 'yon ay nagtatago ang paniniwalang matatanggap niya ang lahat.

Mutual Understanding [MAJOR REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon