(A/N: I-play niyo po yung kanta sa side. Baka mas ma-feel niyo dahil ang corny talaga ng Chapter na to at 'di ako bilib sa sarili ko sa paggawa nito. Yun lang.)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gab’s POV
Nandito na kami sa Classroom. Next subject na namin ang History at 'di pa din kami pinapansin nila Anne at Natasha. Nagtataka na nga sila Debbie kung bakit parang iba daw yung kinikilos naming apat ngayon. Paano ba naman kasi kapag lalapit na kami sa kanila para magpaliwanag bigla silang iiwas at mai-iba ng daan. Ang hirap makipagpatintero no. Pero Kasalanan din naman namin di rin naman kasi kami nagsabi sa kanila.
Dumating na si Mr. Polo at tinawag na nila si Anne at Natasha.
“Kaya niyo yan Natasha!” Sabi ko, naalala niyo ba nagtext kaya ako kagabi sa kanya.
Nakita ko naman siyang ngumiti kahit na tinatago niya. Mukhang 'di naman siya ganun kagalit sa akin. Pero dahil mabait akong boyfriend magso-sorry pa din ako sa kanya!
Si Anne naman poker face lang. Mukhang 'di pa rin talaga nag-uusap yung dalawa. Hihilahin ko na talaga si Natasha mamaya. Nagsimula na silang magreport at nag-explain naman si Anne. Hanggang sa natapos na at nagbell na for lunch, nagustuhan daw ni Mr. Polo yung report nila. Hinila ko naman si Natasha sabay kindat sumabay naman siya sa akin at nagpunta kaming rooftop.
“Spill it.” Sabi niya sa'kin.
“Natasha. Sorry na. Sorry di ako nagpaalam sayo kagabi, Actua-----“ Naputol ang pagsasalita ko dahil bigla namang sumingit tong si Natasha.
“Apology Accepted.” Diretso niyang sabi na nakatingin sa mata ko.
“Di nga? Weh?” Di makapaniwala kong sabi.
“Ayaw mo? "Di wag. Bahala ko diyan.” Naglakad naman siya palayo pero niyakap ko siya. Para-paraan na 'to no!
“'Di na nga e. Bati na tayo ah?”
“Oo na nga. But, one question.” Sabi niya't humarap sa'kin habang seryoso yung mukha niya.
“Ano yun? Sasagutin ko ang lahat pramis.” Sabi ko't nkataas pa yung kanang kamay ko.
“Nagalit din naman ako sayo pero yung nakita ko kagabi mukhang 'di ka naman interesado dun sa babae. Sino yung isang babae?! Yung yumakap kay Kyle. Kawawa kaya si Anne kagabi. Umiiyak siya. Pero kinausap naman kami ni Aling Elsie kagabi." Sabi naman niya.
"Ah yun ba? ' Di naman kami talaga nambababae kagabi no. Pinsan ni Kyle yun kagabi, kaya lang naman magkayakap sila kagabi kasi may kumahol na aso tapos takot kasi yung si Shaira kaya yun. Di namin kayo ipagpapalit no. Loyal ata to!" Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.
Bigla naman niya akong niyakap. She never fails to skip my heartbeat. Umi-english talaga eh no? Niyakap ko din naman siya at may sinabi siya.
"Wag mo akong ipagpapalit ah! Pag pinagpalit mo ako 'di ko alam mangyayari sa'kin. Sorry din kung ganun kami nagreact kagabi. Kung sinundan namin kayo. Sorry kung maling akala lang pala kami at 'di naman pala kayo nambababae." Aw. Ang sweet naman ng Girlfriend ko.
"Shh, okay lang yun. Sorry din babe kung 'di ko sinabi. Wag kana magselos ah? 'Di naman kita ipagpapalit e. Kahit na tumaba ka pa, kahit na magka-wrinkles ka, kahit na magkaroon ka pa ng maraming pimple. At kung ano ano pa. Dahil ikaw pa din naman si Natasha Williams soon to be Natasha Williams-Osborne na mamahalin ko." Malambing na sabi ko't ngumiti naman siya. Pinisil ko naman yung pisngi niya kasi namumula siya.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding [MAJOR REVISING]
Teen Fiction(ON-GOING) Sabi sa google.. Mutual Understanding - two people who obviously like each other, but have not yet committed to a relationship. So both parties are still free to go out on dates with other people. Basically, it's like an open relationsh...