Isipin niyo na lang po nakaunifrom sila at nasa campus papuntang clinic wala talaga po akong mahanap na picture e. Enjoy reading guys! :)
Debbie's POV
Shemay! Nakakahiya talaga! Pero infernes ang lambot ng kamay niya ah. WHAAAAAT?! Ang landi ng utak na to! Magtigil ka nga Debbie Frey!
Papasok na kami ng classroon pero malas may teacher, 'di naman nila alam na may estudyanteng dadaan kasi nakasara yung bintana. Aircon kasi yung rooms dito. Yaman no? Ano kaya, alangan namang sabihin kong "Ma'am galing po kami ng rooftop." Psh. Abnormal kapag ganun mamaya magalit pa yung teacher. Buti na lang nakapag-aliby siya kanina kay Mrs. Ten ba yun? Tin? Ay Tan pala!
Di pa pala ako nakakapag-Thank you sa kanya no? Mamaya na lang. Back to reality! Kakatok ba ako? Nahihiya ako at natatakot. Pero nagulat ako nung siya ang kumatok.
*TOK! TOK! TOK!*
"Come in." Sabi nung teacher namin sa CLE/VALUES.
"Goodmorning Ma'am" Sabi ko.
Siniko ko naman ting si Seven at lumingon naman siya sa akin binigyan ko naman siya ng Bakit-Anong-problema-mo? look. Di naman siya slow no? -_-
"Tsk. Goodmorning." Walang emosyon niyang sabi, parang ka edad lang niya yung kausap niya no? Ewan ko ba diyan.
"Why are you late?!" Galit na sabi nung teacher namin.
Siya si Mrs. Sarosa biyuda na siya e. Pero may anak siyang dalawa. Yun yung sabi niya sa amin nung nakaraan. Balita ko terror siya. Yung mga kaklase namin sobrang tahimik yung iba nakanganga sa amin malamang nagtataka sila kung bakit ko kasama tong si Seven! Heartthrob e! Mainggit kayo.
"Ma'am I just come with her on the clinic on the clinic. She had an Headache a few hours ago. But she's fine now." Sabi ni Seven.
"Okay Mr. Swayze. What's your name iha?" Kalmado niyang sabi. HAY SALAMAT! Di na ako nanginginig ngayon.
"Ma'am Debbie Frey Enriquez po."
"Okay you may now take your seat, and next time don't be late to my class or else I'll send you to the prefect of discipline."
"Thank you ma'am." Sabi ko.
Dumiretso naman kaming dalawa sa upuan namin. Yung tropa naman namin puno ng katanungan ang mga mukha.
Si Chard nandyan na Yey! :)
"Chard?" Tawag ko sa kanya, pero 'di siya sumagot. Badtrip ba siya? Ba't ang lakas ng mga mood swings ng mga tao ngayon? Daig pa nila yung babaeng may regla e.
Tumahimik na lang ako. Baka gutom lang siya't nagklase na ulit si Ma'am Sarosa.
SHIT!
Ang sakit ng puson ko. -____- Di ba ako titigilan nito? Ano ba to! Hinawakan ko naman yung tiyan ko at nilagay ko ang ulo ko sa Desk.
After ilang hours nakatulog ata ako? Medyo maingay na ang klase. Anong nangyari?
"Wag kang mag-alala. Tinawag si Ma'am nung pagkatulog mo. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Chard.
"Buti na lang! Ang sakit kasi ng puson ko kanina e."
"Ganun ba? Masakit pa ba? Dalhin na kita sa clinic."
"Nako, salamat na lang. Di naman na masakit e."
"San ka galing kanina?" Hala! Anong sasabihin ko? Sabihin ko bang kasama ko sa rooftop si Seven? Magsinungaling ba ako? Shemay.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding [MAJOR REVISING]
Novela Juvenil(ON-GOING) Sabi sa google.. Mutual Understanding - two people who obviously like each other, but have not yet committed to a relationship. So both parties are still free to go out on dates with other people. Basically, it's like an open relationsh...