Getting Over You

36 4 0
                                    

Trust. Trust is very important especially when you share secrets with someone. Parang bakal na hindi basta-basta masisira. Tulad na lamang sa convenience store na pinagtatrabahuan ko. Kung saan ang mga customers ay may malaking tiwala sa mga produktong aming binibenta at  alam nilang ito ay ligtas na makakain o magagamit. Kaya, kung may nagbigay ng tiwala sa'yo sana naman ay panghawakan at respetuhin mo ito. At kung may sekretong ibinahagi sayo, responsibililad mong huwag ipagsabi ito sa iba. Kaya nga secret, diba?

Alas singko na ng hapon nang matapos ang aking trabaho dito sa convenience store. Mag-shishift na naman ako bilang estudyante.

"Trix, besh!" bungad ni Les nang makalabas ako sa Convenience store. Inakbayan niya naman ako sa balikat.

Naglakad na kami papuntang eskwelahan. Mabuti at malapit ang eskwelahan namin mula sa convenience store.

"Ang sipag mo talaga. Pagkatapos ng trabaho, aral agad. Hindi ka ba niyan napapagod?" tanong ni Les.

"Paampon ako sa inyo , besh, para di na ako mapagod. Okay lang?" sarkastiko kong tanong.

"Tsk. Kung pwede lang." malungkot niyang sagot.

Lumakad na kami papuntang eskwelahan. Dumiretso kami sa library para magreview sa darating na exam bukas. Alas 10 ng gabi kasi nagsasarado ang library sa school kaya pwede pa kaming mga studyante na pumasok dito.

Nauna na akong pumunta sa library table nang mapansin ko si Benedict, ang matagal ko nang hinahangaan. Nakita ko siya kasama ang dalawa pa niyang mga kaibigan na papasok sa library. Pasikreto ko siyang sinisilip papasok sa loob ng library.

 Yieeh. Maiinspired naman ako nitong mag-aral.

Nagulat ako nang kinuhitan ako ni Les sa aking tagiliran. Kaya, napaupo ako ng maayos. 

" Hey. Sinong sinisilip mo diyan?" bulong ni Les at sumisilip sa direksyon nila Benedict.

Kunwari akong busy na binubuklat ang mga pahina ng libro.

"Omy!!Crush mo ba si Benedict?"

"Uy! Hindi. Loko."

Tumingin siya  sa kinaroroonan nina Benedict kasama ng kanyang mga kaibigan.

"Hoy, besh umupo ka nga. Mapaghahalataan ka niyan eh." suway ko sa kanya.

"Gosh, besh! Totoo?" gulat na gulat niyang tanong.

"Hindi nga." pag-dedeny ko. Binuklat ko nalang ang aking libro at kunwaring nagbabasa.

"Duh! Yang mukhang yan na namumula?" turo niya sa mukha ko.

Hindi ko namalayan o naramdaman na umiinit at namumula na ang aking mukha sa kilig. Tahimik lang ang kilig ko para hindi halata. Pero, mukhang nahalata ng babaeng 'to.

"Sige na nga." Sabat ko at tumango. 

Ang kulit kasi nito.

Napatili naman sa kilig itong kasama ko kaya sinenyasan kami ng librarian na huwag maingay. Mabuti nalang hindi napalingon ang grupo nila Benedict sa kinaroroonan namin. Kung nagkataon, ay naku sobrang nakakahiya. 

'Tong kasama ko kasi imbes na mag-aral kami eh gusto pang magpachika.

"Kailan pa?" tanong niya.

"Since elementary." sagot ko.

Days had passed. Busy akong nag-chi-check out ng mga pinamili ng isang customer sa counter. 

Hayy... 

Pagkatapos ng exam kahapon ay agad akong nagshift dito sa trabaho. Para mapataas ang suweldo ko kailangan kong magtrabaho ng maayos para maging good job kay BOSS.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon