Wabi-sabi Coffee Shop

38 4 2
                                    

WABI-SABI COFFEE SHOP

Sabi nila kapag tumuntong ka na ng college gaganda ka na. Maggoglow up. From maraming pimples to dyosa. Eh, bakit kabaligtaran naman sa sitwasyon ko, ngayon? Ha? Asan na yung glow up pag-college na pinagsasabi nila?

Nung bakasyon naman ah lahat ng pampaganda at pampatanggal ng pimples ay inapply ko na. Eh, bakit wala pa ring epek? Calamansi, baking soda, at ano pang pampaganda. Bumili na rin ako ng rejuvenating set, pero, bakit hindi tumatalab? Saan ba ako nagkulang? 

Ayna! Kung marami lang sana akong pera, eh nagpaderma na ako.

Napabuntong hininga nalang ako.

Minsan, tinatanong ko nalang ang sarili ko kung may problema kaya sa akin? May mali ba akong nagawa? Siguro, nung past life ko grabe ang kasalanan na ginawa ko. Binubully ko siguro yung mga may pimples dati, kaya ngayon ito yung pinarusa sa 'kin.

Hayy...Siguro, himala nalang ang makakapagtanggal ng lahat na tigyawat ko sa mukha.

Isang malakas na hangin ang sumalubong sa akin nang makalabas ako sa gate ng paaralan.

Oo nga naman oh. Pati ba naman alikabok sumama pa. Nadumihan naman ang mukha ko. For sure, dadami na naman ang pimples na titira sa mukha ko. Minsan, sa kanang pisngi ko mawawala sila kaso sa kabilang side naman ang dadami. Kapag mawala naman sa kabilang side na naman ang dadami. 'Yun bang may evacuation na nagaganap. Actually, nagrireunion pa nga sila sa bandang noo ko. Akala ko nga tuluyan nang mawawala, lilipat lang pala. Nakakainis at nakakairita rin sa kati at sakit. May malalaki at maliliit na tumutubo. May variation? Langya! Hindi ako nagmumura ha.

Isa pa ata itong stress, ano? Pero, napakaunfair dahil may na-iistres naman na hindi nagkakapimples. Where's the justice?

Sinulong ko ang malakas na hangin. Akala ko ay uulan pero tirik na tirik naman ang araw. May ipo-ipo kaya? Isinangga ko ang aking kamay at braso sa malakas na hangin para hindi gaano kalakas ang sampal nito sa aking mukha. 

Gasgas na nga dadagdagan pa.Tsk.

Sa paglalakad ay may nakabangga ako. Wala man lang akong narinig na 'Sorry' sa kanya.

"Pasorry naman dyan, kuya!" reklamo ko nung nagdire-diretso lang siya at lumakad na parang walang nakabangga. "Napaka unethical naman ng behavior. BASTOS!"

Kitams? Iba talaga ang treatment ng ibang tao sa katulad ko. Nakakasakit lang sa damdamin.

Sige lang , balang araw kung gaganda pa man ako. Sana! WHO YOU KAYO. Lalo na yung nakabangga sa akin. HA! Kita ko mukha mo, kuya. Tatandaan ko yan.

Pagkaharap ko muli sa malakas na hangin, sakto namang may sumampal na parang papel sa mukha ko. Kinuha ko ito mula sa mukha ko. Isang flyer.

"Phew!" Pagtaboy ko sa alikabok na napunta sa aking bibig. "Ano 'to?" Tanong ko nang makita ang nakasulat sa flyer.

Inaayos ko ang flyer kahit na nakukupi dahil sa malakas na hangin. Nakita ko ang picture ng isang coffee shop na parang nakatayo sa gitna ng gubat.

Nagkasalubong naman ang kilay ko. "Wabi-Sabi Coffee Shop?" Basa ko sa pangalan ng coffee shop . Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa kakaibang pangalan ng coffee shop. "Masearch nga ito." Dinukot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking palda. Pumunta ako kay pareng Google at i-tinype dito ang pangalan ng coffee shop. Naghintay ako habang nagloloading ito. Pinakita naman ng screen ko na [No Internet connection]. "Ay! Tama pala naremember ko na wala akong load. " I chuckled. Naalala ko na nakikihotspot lang ako mula sa free Wifi ng school. 

Muli kong tiningnan ang flyer. "95 Stigma Street." Basa ko naman sa address nito. "Teka, malapit lang 'to dito ah. Nadadaanan ko ang Street na 'to, pero, bakit ngayon ko lang nalaman? Wala man lang akong nadadaanang may kinoconstruct sa Street na 'to. " pagdududa ko kung mayroon nga ba talagang coffee shop doon.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon